Bella
Nandito ako sa garden. Maaga 'kong gumising para gumayak. Matapos kong makagayak ay naisip kong mamitas ng mga bulaklak. Ibibigay ko ito kay Mike mamaya. Desidido na 'ko sa sinabi 'ko kahapon. Kung tutuusin ay pwede ko namang hindi ito gawin, kaya lang kahiyaan na ito kaya gagawin ko na rin. Anyway, gusto ko naman s'ya noon pa, so mag-eeffort na 'ko. Baka sakaling magustuhan n'ya na 'ko.
Matapos kong pitasin ang white roses ni Mommy ay agad ko itong inilagay sa isang paper bag. Napadaan ako sa sala kaya naman sinipat ko ang sarili ko. Nagsuot ako ng black na high-waist skinny jeans at tinernohan ko ito ng hunging blouse na kulay blue, favorite color ni Mike. Nagsuot din ako ng rubber shoes na itim. Hindi ako nag-make-up dahil hindi ko naman hilig iyon. Pulbos lang at liptint, okay na 'ko. Hinyaan ko namang nakalugay ang buhok kong basa pa.
Agad akong lumabas at sumakay sa sasakyang inihanda ng driver namin nang ma-satisfied ako sa itsura ko.
Tahimik akong nakangiti habang nasa byahe. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip kung ano ba ang magiging reaksyon n'ya. I know, he would love this.
"Ma'am, andito na po tayo." Naputol ang pagmo-moment ko nang abalahin ako ng driver namin. Nagulat pa 'ko dahil nakabukas na pala ang pinto ng sasakyan.
Agad akong bumaba at binaybay ang papunta sa building namin. Dahil sobrang ganda ng mood ko, lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ko kahit na hindi ko pa sila kakilala.
Nagmamadali akong inilagay sa upuan ko ang bag ko nang marating ko ang room namin. Wala pa si Rocean, pero si Aira ay nandito na. Nag-text s'ya sa amin na mauna na dahil male-late daw s'ya.
"Oh bes, aga mo ah," nakangiti n'yang bungad.
"Nilaglag n'yo ko kahapon." Humalukipkip ako at inirapan s'ya.
"Hey, natulungan ka naman naming, 'di ba?" Tumaas ang kaliwa n'yang kilay.
"Kahit na, pinangunahan n'yo pa rin ako!" I pouted.
"Hep! Hindi ka namin pinangunahan. Nagbigay lang kami ng clue." Maarte itong lumabas ng room namin.
Napangiti rin naman ako. Nakatulong naman talaga sila. Kung hindi nila ginawa iyon, baka hanggang ngayon ay nga-nga pa rin ako sa feelings ko sa kan'ya.
Nakangiti kong kinuha ang paper bag ng roses. Nag-hmm ako at masayang bumaba patungo sa first floor. Hahanapin ko si Mike.
Sumilip ako sa room nila, pero wala akong Mike na nakita. Nagtanong ako sa mga kaklase n'ya pero wala akong matinong sagot na nakuha. 'Yong iba inirapan lang ako, iyong iba hindi pa raw s'ya nakikita, habang 'yong iba naman ay hindi raw alam.
In the end, I decided to go to the cafeteria. Baka nag-breakfast s'ya. Minsan kase ay hindi pa s'ya nagb-breakfast pag pumapasok.
Luminga-linga ako sa loob ng cafeteria. Tuluyan na 'kong nakapasok pero wala pa rin ni anino ni Mike.
Baka hindi pa s'ya pumapasok.
Tatalikod na sana ko nang makita ko sa bandang sulok ang likod ni Mike. Yes, I knew him that well, kahit paa n'ya ay kilala ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya nang hindi ko inaalis ang paningin.
Kumakain s'ya ng tapsilog. Ang cute n'ya! Maging ang pagsubo at pagnguya n'ya ay gwapo pa rin.
Siguro noong magsabog si Lord ng kagwapuhan nasa labas ito at nagtatampisaw. Grabe.
"Problema mo?" Hindi ko napansin na nakatingin na pala s'ya sakin.
"H-Huh? W-Wala," halos hindi ko masabi ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...