Bella
Mabilis akong bumaba ng kotse ko at tumakbo papuntang classroom. Shocks! First day ko sa school pero late ako. Bakit ba kasi naiwanan ko ang ID ko? Bumalik pa tuloy ako.
It has been two years since he was gone. I suffered that long. Hindi ako nag-aral para makapagpahinga at makalimot. Napag-iwanan na ako ng panahon. Third college na sina Aira, pero ako first year pa lang.
Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong natumba ako at napasalampak sa tiles na tinatakbuhan ko. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo.
"What the hell! Bakit ba hindi ka tumitingin sa daan?" iritadong sabi ng babae.
Napatayo ako at tiningnan kung sino ba ang babaeng iyon. S
hocks! Bakit ba siya pa ang makikita ko ngayong first day ko?
"Chloe?" I said. Nakakunot ang noo niya at halos patayin ako sa sama ng tingin. Nakasuot siya ng black high waist skirt na halos dalawang dangkal lang ang haba, habang fitted sleeveless top naman sa taas. Agaw-pansin din ang makapal nitong make-up at mamahaling pulang hand bag.
"Oh! Nakabalik ka na pala? Akala ko hindi na kita makikita rito. Bakit dito ka pa rin nag-aral?" mataray niyang sabi.
Pinulot ko ang nalaglag kong gamit at tinalikuran na siya. Late na ko at ayokong masira ang araw ko sa pakikipag-away sa kaniya.
"Kinakausap pa kita, hindi ba?" aniya sabay hila sa kaliwang braso ko.
"Ayoko ng away, Chloe. Let go of my hand," I coldly said.
Tumawa ito at mas diniinan ang hawak sa kamay ko. "What if I don't want to?" hamon niya.
Hindi ako kumibo bagkus pinilit hilahin ang kamay ko, pero masiyadong mahigpit ang hawak niya at mahaba ang kuko niya. This makes it hard for me to free myself.
"Chloe, let me go. Late na 'ko," reklamo ko. Pero para siyang natutuwang nasasaktan ako.
"I don't think you are that bitch," bungad ng lalaki sa likuran ko.
Nakita ko kung paano magulat ang mukha ni Chloe. "Why do you even care? Wala kang pakialam."
Tumawa ang lalaki. Hinawakan niya ang kamay ni Chloe at sapilitang kinuha ang braso ko.
Shocks! Bumaon ang kuko niya.
"Are you okay?" he softly asked. Hinarap niya ako sa kaniya at tingnan kung ayos ba ako.
In fairness! He's handsome.
Una kong napansin ang mga mata niyang kulang kape na may mahabang mga pilik at makakapal na kilay. Proportional rin ang mukha niya at manly tingnan. He also has a thin pointed nose and reddish lips. Matangkad rin siya at maganda ang pangangatawan gaya ni kuya.
"Hey!" he gave me a sweet smile na halos nagpawala ng singkit niyang mga mata.
"A-Ah, yeah I'm okay. Thank you," sagot ko.
Luminga ako at nalaman na dalawa na lang kami rito sa pathway. Tumingin ako sa watch ko at ten minutes na lang ang natitira para sa first subject ko. "Shocks! Hindi na 'ko aabot."
"Late ka rin? I guess we are the same," nakangiti niyang turan. Mukhang pala ngiti siya, hindi tulad ni Mike na parating seryoso.
Napapikit ako nang mapagtantong iniisip ko na naman siya. I told myself that I will move on for good.
"By the way, I'm Pier. You are?" he cheerfully gave me his hand for a shake.
"Isabella, you can call me Bella," sagot ko at tinanggap ang kamay niya.
Ngumiti ulit siya. "I prefer calling you, Isa. Is that okay with you?"
Napakunot ang noo ko. Wala pang tumatawag sa akin ng ganoon. "Why?"
"Wala lang. I just felt everyone is calling you Bella. I prefer something unique," aniya habang nakangiti.
"Why?" naguguluhan ko pa ring tanong.
Napatawa na siya. "Wala. I just want to."
Nahawa na rin ako sa tawa niya. "Whatever. Sige papasok na ko sa next subject. Ayokong ma-late." Tinalikuran ko na siya at lumakad na papunta kung saan ang next subject ko.
"Wait. Sabay na tayo. I am transfer here. Hindi ako familiar sa lugar dito," sabi niya habang nakangiti at nagmamadaling humabol sa akin.
Para namang tanga 'to. Bakit ba ngiti siya nang ngiti?
"Whatever. Anong year at section ka ba? Ituturo ko na lang sa 'yo kung paano pumunta sa room mo. Baka ma-late ulit ako," walang gana kong sagot.
"Talaga?" masaya niyang sabing napahawak sa braso ko. Tiningnan ko siya at agad naman siyang bumitaw. "Sorry. Masaya lang kasi ayokong maligaw. Business Administration ako. 1-C."
Napahinto ako. First year pa lang siya? Bakit parang pang-fourth year na 'yong features niya. "Wait. BA 1-C ka rin?" gulat kong tanong.
Ngumiti ulit ang baliw. "Oo. Ikaw rin ba?"
Napatango ako.
Bakit kailangan naming maging magkaklase?
"Ayos! Hindi na ko mahihirapan. Ibig sabihin may bago na 'kong kaibigan sa school na ito," masaya niyang sabi.
"Whatever."
Naglakad na lang ako at tinungo kung saang room namin. Hinayaan ko na lang na nakasunod siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng classroom. Naupo ako sa upuan sa dulo malapit sa bintana.
Napaisip ako.
Posible kayang makalimutan ang mga bagay na minsan nang nagpasaya sa atin? Posible bang malimutan ng isip ang nakatatak na sa puso natin? Maari bang ibaon sa limot lahat ng mga alaalang minsang nagpasaya pero dumurog sa pagkato natin? Kung possible, paano ba?
I admire those who can move on and look forward. I admire them for enduring the pain, accepting it, and living their lives again. Ako kasi, parang hindi ko kaya. Isipin ko pa lang na kalilimutan ko lahat ng mayroon kami, para na akong mamatay.
Maybe, I cannot erase what is in between us. I cannot remove him in my system. I cannot forget him. Pero hindi naman siguro ibig sabihin na mag-mo-move on ako, kakalimutan ko na siya. I will move forward, but he has a special space in my heart.
As of the moment, I will try my best to forget those memories which ruin my heart. Kung sana buhay pa siya. Sana.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Fiksi Remaja"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...