Day 28

50 25 43
                                    


Maluwang ang ngiti ko nang pumasok ako sa school. Hindi ko maiwasang maging masaya sa mga pangyayari nitong nagdaang mga araw. I am confused, yes. Everything happened all of a sudden. Parang kailan lang halos inis na inis si Mike na makita ko, pero ngayong bigla-biglang pinakikilig na n’ya ‘ko.

Ang gulo!

After our second period, pupunta n asana ko sa cafeteria para kumain. Gutom na ‘ko, pero kailangan kong mag-review sa English. Ang hirap naman kase dahil binalikan namin  ang basic grammar, karamihan daw kase ay hindi iyon alam sabi ng teacher namin. Nakakahiya raw pag nakarating kami sa college ng walang alam, kami raw ang kawawa ‘pag ganoon.

Titiisin ko na nga lang ang gutom ko. Mamaya naman lunch na.

Iniwanan ako nina Rocean. Gumaganda na ang grades at scores ko kaya gusto ko sanang lubos-lubosin na. Nakatutok ako sa libro ko nang may nagpatong ng isang flavoured mineral water at brownies sa harap ko. Inangat ko ang paningin ko at napangiti ako nang mapagtanto ko kung sino ba iyon.

“Hindi ka raw kakain kaya dinalan na kita rito,” nakangiti n’yang sabi.

“Mike, sana hindi ka na nag-abala. You should stay in your room, third floor pa itong room namin. I’m sure napagod ka,” sagot ko habang iniipit ang hibla ng buhok ko sa tainga ko.

“It’s okay. Kahit gaano pa kalayo or katas yung lalakarin ko, basta para sa’yo,” nakangiti pa rin s’ya.

Hindi ko maiwasang mamula kahit pa nakangiti ako. Damang-dama ko kase ang mga sinsabi n’ya. I can feel that he’s serious this time.

“Nag-aaral ka?” aniya habang nakatingin sa notebook ko. Isinulat ko kase rito ang sentences at sinusubukang hanapin ang errors para ma-i-revise ko.

Tumingin ako sa kan’ya tapos ay binalik ko ang tingin ko sa notebook ko. “Oo eh. I need to understand this. May quiz kase kami mamaya. Ang hirap ngang sagutin eh,” reklamo ko pa.

“Kung nahihirapan kang sagutin ‘yan, bakit…” huminto muna s’ya bago n’ya ipinagpatuloy ang sasabihin. “Bakit hindi nalang ako ang sagutin mo para hindi ka na mahirapan.”

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat sa sinabi n’ya. Wala sa loob na napatingin ako sa kan’ya. Ang lapad ng ngiti n’ya. Bumilis na naman ang tibok  ng puso ko. Para bang nakikibaghabulan ito sa paghinga ko.

“Huh? Ah… eh… nililigawan mo ba ‘ko?” Wrong question. Halos kurutin ko na ang sarili ko sa inis. Bakit ba naitanong ko iyon? Ang tanga ko sa part na ‘yon.

“Bakit, hindi ba? Kaya ko nga ‘to ginagawa kase gusto kita, kase nililigawan kita,” seryoso n’yang sabi.

Gusto kong tumalon, gusto kong pumadyak, gusto kong sumigaw ng mga oras na iyon. Shit! Gusto n’ya ko and he’s courting me. Halos magdiwang ang lahat ng cells at tissues sa katawan ko. Hindi ko alam ang isasagot.

Ngumiti s’ya sa’kin. “Mukhang pahihirapan mo rin ako. ‘Di bale, I’ll do everything to make you mine.” Kumindat s’ya bago ako iniwanang nakatulala.

Ano daw? He’ll do everything to make me his? Oh my gosh! Dati ako nagsasabi no’n ngayon s’ya na. “Aaaahhhhhhhhhhhhh!” wala sa loob na napasigaw ako. Peste nakakahiya. Tumalikod ako sa kanila at kinain ang brownies na dala-dala ni Mike para sa’kin. Susulitin ko na, hindi kase kami magsasabay maglunch dahil may kakausapin ako mamaya.

.
.
.
.
.
******

Napapangiti ako habang pababa sa hagdan galing sa room nina Bella. Ang cute n’ya talaga. Kahit magkasama kami kagabi hindi ko pa rin maitanggi na na-miss ko s’ya. Gusto ko kase lagi ko s’yang nakikita.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon