Tinanghali ako ng gising kaya late na rin ako sa klase ko. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at tinungo ang classroom naming, pero dahil swerte ako, nandoon na si sir Aldous, nagkaklase na. Patay, hindi na ako makakapasok. 30 minutes late na ako. Wala akong choice, bumaba nalang ako ng building. Pupunta nalang ako sa cafeteria. Baka Mapagalitan pa ko ni sir. Pero noong napadaan ako sa first floor, sumilip ako sa room nina Mike. Wala s’ya? Bakit kaya?
Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa labas ng gate. Napalalim yata ang pag-iisip ko. Bakit kaya s’ya absent? Hindi naman n’ya ugaling um-absent eh.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa laundry shop kung saan s’ya nagtatrabaho. Nandoon si Mikee, yung kaibigan ni Mike na maganda at sexy, na may gusto sa kan’ya. Hindi ko s’ya feel kausap, but I have no choice so pinuntahan ko na s’ya.
“Hi.” Kumaway ako sa kan’ya. “Ikaw ba si Mikee?”
Namaywang ito. Hay, arte naman. “Ako nga bakit?” mataray nitong sagot.
“Ay ang sungit,” bulong ko. Mabuti nalang hindi yata narinig.
“Anong kailangan mo?” taas kilay n’yang tanong. Hay, kung wala lang akong kailangan sa babaeng ito, nakipagtaasan din sana ko ng kilay.
“I’m here because of Mike,” mahinahon ko pa ring sabi kahit gusto ko na s’yang kalbuhin.
“Oh di ba magkaklase kayo? Di dapat alam mong nasa school sya. Weekdays ngayon. Weekends lang s’ya rito so dapat nasa school sya,” patay malisya nitong sabi. So, wala s’ya rito? Nasaan s’ya?
“Pero wala s’ya sa school, ‘di sya pumasok, so I assumed that he’s here,” pagdadahilan ko.
“Wala s’ya rito. May nakikita ka bang Mike rito?” maarte n’yang sabi. Mas maarte pa sa’kin. Hay. Konti nalang tatarayan ko na rin ‘tong babaeng to.
“Are you sure he’s not here?” paniniguro ko.
Napahinto s’ya sa paglulupi ng mga damit. “Hay naku! Ano naman akala mo sakin, tinatago ko s’ya?”
Napairap na ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Okay. Maybe he’s in their house. So punatahan ko nalang s’ya ‘don.” Aalis na ako, pero may maalala kong itanong. “Wait. I forgot to ask something.”
“Ano na naman?” halata na ang iritasyon sa boses n’ya.
“May ano ba sa inyo ni Mike? I mean, girlfriend ka ba nya?” kabado kong tanong. Alam kong kaibigan lang s’ya ni Mike, pero gusto ko pa ring makasigurado.
Napangisi s’ya. “Pa’no kung oo?” taas kilay n’yang tanong. Namutla ako sa sinagot n’ya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sila nga? “Hay… alam mo Bella, sa tinagal tagal naming magkasama ni Mike, this past few days ko lang sya nakitang ngumiti,” makahulugan nitong sabi. Naguluhan tuloy ako. Ano ba talaga?
“Huh?” iyon lang ang nasabi ko. Naguguluhan ako eh.
“Alam mo kung gaano kalungkot ang buhay n’ya. Maaga syang natutong kumayod para makapag-aral dahil na rin sa mga magulang nya. Yun yung dahilan sa tingin ko kung bakit ang cold n’ya. Kung bakit seryoso s’ya at di sya ngumingiti. Pero nitong nagdaang araw, may nag-iba sa kanya. Nakita ko na s’yang ngumiti, at minsan nakikita ko s’yang natutulala. Ngayon ko lang sya nakitang ganun,” mahaba nitong litany habang nag-aayos ng mga damit.
“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” seryoso kong sabi. Nalilito ako, bakit ba hindi n’ya nalang diretsahin ang gusto n’yang sabihin.
Napabungtong- hininga ito. “Alam mo, gusto ko s’ya. Gustong- gusto ko s’ya noon pa. Pero, sa tingin ko hindi nya ko magugustuhan, dahil sa iba na nakalaan ang puso nya. Bella, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Sige na. Puntahan mo na s’ya.”
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Novela Juvenil"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...