DAY 14

75 26 21
                                    

Bella

OMG! Second day na ng intrams namin. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa pangyayari kahapon. Hindi naman sa nag-a-assume ako, pero pakiramdam ko para sa'kin yung laro ni Mike kahapon, na kaya sila nanalo dahil sa'kin.

I know, it's not good to assume things. 'Yan rin ang sabi sa'kin nila Aira kahapon. Mahirap daw mag-expect dahil baka masakatan lang ako.

Hindi ko naman sila maintindihan, ano ba talaga ang gusto nila? Sila may gustong mag-first move ako, pero ayaw nilang mag-expect ako? I can't beleive them.

Well, I'm here at the parking lot. Hinihintay ko sila Aira. May usapan kami na rito na lang maghintayan. I am sitting here inside the car, pero binuksan ko ang bintana ayoko munang mag-aircon, para kong sisispunin eh.

As usual naka earphones ako, nakikinig ng music. Lumilinga-linga ako, baka dumating na sila Aira.

Nakakainis! Lagi na lang ako ang naghihintay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsa-sound trip nang makita ko si Mike. Nakabusangot ang mukha nito, at parang nagmamadali. Patingin-tingin s'ya sa likod n'ya. Parang may humahabol.

Yumuko ako nang gumawi s'ya malapit sa 'kin. Ayokong makita n'ya 'ko. Mukhang badtrip eh. Mahirap na, bugnutin pa naman ito.

Ipinarada n'ya ang bike n'ya sa tabi ng motor ni Bryan. Oo, alam ko kung alin yung motor n'ya. Pero, sikreto ko na iyon kung bakit. Dali-dali n'yang binitbit ang bag n'ya. Luminga- linga.

Mukhang may tinataguan ah!

Maglalakad na sana s'ya patungong pathway, nang may maganda at sexy na babaeng humawak sa braso n'ya

Shocks! Who's that?!

Agad kong inalis ang earphone ko at pasimpleng nagmasid. Hindi ko masyadong makita ang mukha n'ya dahil nakatagilid ito sa gawi ko. Pero I'm sure, maganda s'ya at sexy, makinis rin. Mukhang mayaman.

Girlfriend kaya n'ya?

"Mike, let's talk!" dinig na dinig kong sabi ng babae. Mukhang sopistikada ito at may authority kung magsalita.

"I have no time for this, leave now." Nakita ko na naman ang cold na itsura n'ya.

What's the hell is happening?

Lumakad si Mike at napayuko ako nang mapagawi sa gawi ko. Isang dipa nalang ang layo n'ya sa pwesto ko.

"Honey, let's talk please," emosyonal na sabi ng babae.

Honey?

Hinabol nito si Mike, at nakita kong medyo may edad na ito dahil napaharap na ito sa'kin. In fairness kahit mukhang may edad, maganda, makinis, at sexy pa rin.

Ito ba ang mga tipo n'ya? Mas matanda sa'min?

"Bitiwan mo 'ko," may diing sabi ni Mike.

Mahahalata naman ang pagkagulat sa mukha ng babae. Napayuko ito, at parang maiiyak na.

"Honey, let's go home." Tuluyan ng pumatak ang nagbabadyang luha sa mata n'ya.

"May pasok pa 'ko," cold n'yang sagot.

"Then, I will wait for you here. Sige na. Don't you miss us?" Halos magmakaawa na ang babae.

"Hindi eh," sagot ni Mike. Hindi man lang hinarap ang babaeng nakahawak sa braso n'ya.

Hindi ko maintindihan. Kanina parang naiinis ako sa babaeng ito, nagseselos, pero base sa nakikita ko, para na 'kong naaawa sa kan'ya.

"Please umuwi ka na." Lalong humigpit ang pagkakakapit nito sa braso ni Mike.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon