Napaupo ako na parang kandilang nauupos sa aking kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag si-sink-in sa utak ko ang lahat ng sinabi ng kausap ko kanina.
Napasulyap ako sa kabuuan ng aking kwarto. Personalized iyon. Ako mismo ang nag-design. Hindi naman literal na ako ang arkitekto nito. I just put a special touch in choosing my stuff, from the ceiling to my bed, to my cabinet, to the floor and to everything inside in my room. Lahat 'yon ay ako ang pumili.
Dahan-dahan akong umupo sa aking kama, Hello Kitty na kulay pink ang bed sheet, unan at comforter niyon. Lahat halos ng gamit ko ay naglalaro sa kulay pink o Hello Kitty. Pinili ko ito dahil paborito ko ang kulay niyon at ang Hello Kitty.
Marahan akong napapikit nang hawakan ang aking side table. Kulay pink din ito pero mas mura ang kulay nito kumpara sa kama ko.
Iginala ko ang aking mata at minemorya ang itsura ng kisame, aparador, maging ang wall nito, lahat kulay pink. Babaeng-babae kung tutuusin ang kulay ng buong kawarto at mga gamit.
Hindi ako makapaniwala. Mukhang hindi ko na ito makikita pa, o mararamdaman man lang ang sarap matulog at mamalagi rito.
Unti-unting umagos ang luha mula sa aking mga mata. Hinayaan ko iyon. Hindi ako makagalaw. Wala akong lakas para pigilan ang patuloy na pag-agos nito.
Why do I need to feel this way? Bakit ako pa? Mami-miss ko ang lugar na 'to. Ang kwarto ko, ang shelves na punong-puno ng mga libro, ang study table ko, ang kama, lahat.
Bakit ang unfair? More or less 40 days? I will stay here in more or less 40 days? Then what? Hindi ko na alam.
Dumapa ako sa aking kama at ibinaon ang ulo ko sa unan. Hindi ko pa rin mapigil ang daloy ng luha mula sa aking mga mata.
Damn this feeling. You have to accept it! You will no longer stay here.
Napagpasyahan kong maligo upang mahimasmasan mula sa bigat na nararamdaman ko. I removed my clothes and went to my bathroom.
Mukhang gusto kong magsisi dahil sa panibagong kirot sa aking dibdib. Bumuhos muli ang aking luha. Maging ang banyo ay mami-miss ko. Hindi ko lubos maisip na iiwanan ko itong lahat. Hindi ko lubos maisip na sa nalalapit na araw ay lilinasin ko ang lugar na ito. Na iiwanan ko maging ang mga taong bumuo nang pagkatao ko sa loob ng bahay na ito.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Roman pour Adolescents"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...