Mike
Intrams na pala ngayon. Sa totoo lang naiinis ako dahil nilipat nila ang date ng intams. Matagal pa sana iyon pero dahil may mga darating pa raw na events ay inilipat ito ng mas maaga. Isa pang dahilan ay may intercampus sports activities pagkatapos nito. Maglalaban laban ang iba't-ibang private schools at ito ang unang beses na sasali kami.
Maaga akong pumasok para sa opening ceremony. Ngayon daw ibibigay ang schedules ng laro namin. Hindi naman ako kinakabahan dahil kahit ilang araw lang kaming nag-training ay dumoble ang galing ng mga kasama namin.
Mas may pag-asa kami kaysa noong una.
Narating ko na ang gym. Halos puno na ang gymnasium ng mga estudyante. Medyo mainit na, hindi na yata kinaya ng aircon ang dami ng nasa loob. Iginala ko ang paligid ko para mahanap kung saan ang pwesto namin. Nakita ko sina Arvin sa bandang gitna. Doon ang pwesto ng mga senior high schools, sa bandang kaliwa ang junior high schools, habang sa kanan ang college students.
Tinungo ko ang pwesto namin. Nakapila ang mga estudyante per section. Agad kong tinapik si Bryan.
"Bro."
"Oh buti naman andito ka na. Ilang minuto na lang magsisimula na," Inayos nito ang kulay itim na headband n'ya.
Bakla yata itong si Bryan. Nasusupil na.
Luminga ako at nakita kong nag-uusap ang grupo ni Bella at grupo ni Joshua. Hindi ko alam pero parang na-badtrip ako sa nakita ko. Mayroon sa pagkatao ko ang nagsasabing baka nga may relasyon siya, pero kalahati naman nito ay naniniwalang hindi. Damn it. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit.
Makikinig lang ako.
.
Nagulat ako nang hilahin na 'ko ni Bryan.
"Bakit?" Napamaang ako.
"Yari na ang opening, first game tayo. Kalaban sila Joshua," pasimple nitong sinabi.
"Bro, lutang ka yata? Tara na warm-up. Magaling agad ang kalaban." Nagpatiuna na si Arvin sa bleacher na uupuan namin.
Ganoon ba kabilis ang mga nangyari? Hindi ko man lang namalayan na yari na ang opening ceremony? Fuck. Bakit kasi wala ako sa concentration?
Sumunod na ako kina Bryan. Nagkabit ako ng gear at nagsimulang mag-stretching. Totoo ang sinabi nila. Magaling sina Joshua. Sa katunayan, last year sila ang nag-champion.
Kailangan naming bumawi.
Kasalukuyan kaming nag-sho-shooting nang lumapit sa'min sila Joshua. Bakit kaya? Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa pag-shoo-shoot ng bola.
"Handa na ba kayong matalo?" bungad ni Joshua. Doon ako napahinto.
Mayabang pal 'to eh.
Itinigil ko ang pagwa-warm-up at lumapit sa kanila. Kilala ko sila Bryan. Ayaw ng mga ito sa mayabang, sigurado gulo ito 'pag nagtaon.
"Sino naman may sabi sa'yong matatalo kami?" cool na sabi ni Arvin, pero mahihimigan ang iritasyon.
Natawa naman si Joshua. D-in-ribble n'ya ng paulit-ulit ang bola.
"Hindi mo ba narinig? Ako." Ngumisi ito na parang aso.
"Aba, mayabang pala 'to eh." Itinulak ni Bryan si Joshua.
Hindi nagbago ang reaksyon nito, nakangit pa rin, habang si Bryan at Arvin ay halatang gigil. Isa-isa na rin lumapit ang mga kaklase namin. Doon na ako pumasok sa eksena.
"Bro, ako na." Tiningnan ko nang makahulugan ang mga kaibigan ko. Laking pasasalamat ko nang makuha naman nila ang ibig kong sabihin. "Anong kailangan n'yo?"
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...