Hay! Inaantok pa ko. Anong oras na kase kami nakauwi nina Bryan at Arvin kagabi. Magreview kami kina Bella. Sa una medyo awkward yung feeling kase first time namin magreview ng magkakasama, pero masaya naman palang magreview ng marami. Hindi kase ako sanay mag review ng may kasama. Medyo nabadtrip lang ako kay Bryan.
Pasikat eh.
Naiinis ako sa pagpapapansin n'ya sa'min kagabi lalo na kay Bella. Nakikipag-unahan pang sumagot sa mga tanong ni Bella, tapos nakikipag-unahan rin sa pagkuha ng pineapple juice.
Naalala ko na naman yung pineapple juice nayan. Hindi ko alam na iyon ang paborito ni Bella, pero alam ni Bryan?! Hay. Nakakainis talaga. Dapat alam ko rin iyon eh. Nagmukha tuloy akong tanga. Baka isipin ni Bella wala akong pakialam sa kanya.
Teka, bakit ko ba naiisip iyon? Bakit naiinis ako? Bakit ayokong madisappoint si Bella? Hay! Hindi s'ya mawala sa isip ko?
Gusto ko na ba s'ya?
Inihinto ko ang bike ko nang makarating ako sa parking lot. Oo, nagbabike ako habang nag-iisip. Mabuti nalang at walang masyadong sasakyan at maaga pa. Lutang ang isip ko ngayon eh.
Tulad ng dati nauna sina Bryan sa'kin. Narito na ang sasakyan nila ni Arvin. Teka, mukhang bago yung kotse ni Arvin? Namiss ko tuloy yung mga sports car ko sa bahay. Pero tuwing maiisip ko si Papa, nawawalan ako ng ganang umuwi.
Naglakad na ko papuntang room assignment namin. Same schedule at same sets of students, ibig sabihin lang noon ay kasama ko ulit si Bella. Napangiti ako nang maisip ko s'ya. Parang namiss ko s'ya.
Ano kayang suot n'ya ngayon? Nagsuklay na kaya s'ya? Ay! Ano ba 'tong nasa isip ko?
Masaya kong umakyat sa third floor kung saan kami mag-e-exam. Pero kung gaano kagaan ang pakiramdam ko, biglang nawala iyon ng makita ko si Bella sa labas, kasama sina Joshua.
Ano na naman kayang pakay n'ya kay Bella? Ginugulo na naman n'ya yata ang baby ko. Teka, baby bang sabi ko?
Badtrip naman. Nasira ang mood ko. Dadaanan ko lang sana sila, pero parang may sariling utak ang katawan ko. Automatic na napahinto ako sa kanila. Si Bella, halatang gulat na gulat.
.
.
.
.
.
******Good morning world! Eto na yata ang pinakamasayang gising ko kahit exam day. For the first time naexcite akong mag-exam. Hay. Iba talaga pag may group study kasama yung taong gustong gusto mo, yung taong mahal mo. Wow! Teka lang, mahal? Hindi pa ko sigurado roon. Hindi porque lagi ko s'yang naiisip, o concerned ako sa kan'ya, o gusto ko s'yamg nakikita, o naiinis ako pag may umaaligid sa kan'ya, o hindi ako mapakali tuwing nand'yan s'ya, eh mahal ko na s'ya
Mahal ko na nga ba s'ya?
Nagulat pa 'ko nang huminto ang kotse namin. Nasa school na pala ko. Napahaba ang pag-iisip ko.
Agad akong pumunta sa assigned room namin. I want to sit beside or behind Mike. Para may inspiration ako habang nagsasagot.
Sa kamalas malasan naman. Nasalubong ko pa ang mga impakta este sina Chloe. Mukhang inabangan yata ako. I tried to ignore them. Nilagpasan ko sila pero hinaklit ni Chloe ang braso ko.
"Aray! Ano ba?" Binawi ko ang braso ko ay hinarap ko sila. Hindi ko maitago ang inis ko.
Namaywang si Chloe sa harap ko. "Masaya ka na ba?"
Napakunot naman ang noo ko at natawa sa sinabi n'ya. "What? Ano I'm always happy. Anong klaseng tanong ba 'yan?"
"Wag ka na nang magmaang-maangan, alam mo naman ang sinasabi namin," singit ni Chantle. Nakakainis rin ang isang 'to eh. Paepal minsan. Hindi naman s'ya kinakausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/219443728-288-k264425.jpg)
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Novela Juvenil"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...