Tinanghali ako ng gising. Nakakabadtrip kase ang naging date namin ni Mike, bigla kaseng sumulpot si Bryan eh. Hay. Ala-una na pala, bumangon na ako sa aking Hello Kitty bed. Maliligo na ako.
Nagtungo ako sa aking bathroom. Naglagay ako ng shower gel sa kulay pink komg bathtub at nagbabad doon.
Minsan na nga lang magdate may nanggulo pa. Bakit kase ganoon s'ya umakto eh.
After 30 minutes ay nayari na kong maligo. Nagsuot lang ako ng aking black dolphin shorts at pink shirt. Bumaba na akonat pumunta ng kusina para kumain. Shocks! Gutom na ang ahas sa tiyan ko.
Naghalungkat ako ng makakain. May kare-kare pa sa kasirola at mayroon pang kanin. Pinagsandok ko na ang sarili ko dahil sa gutom. Hindi ko na inistorbo ang mga maids namin. Naglagay rin ako bg paborito kong canned pineapple juice sa baso. Namiss ko 'to. Iced tea kase ang inorder ni Mike kahapon, nakakahiya namang ipasoli or magpabili ulit.
Matapos kumain ay naglakad- lakad ako sa labas ng bahay. Makulimlim, masarap maglibot sa loob ng village.
Ilang minuto pa ay nasa park na 'ko. Naupo ako sa swing. Naalala ko yung unang beses na nakasama ko rito si Mike. Iyon yung gabing pinagalitan ako ni daddy. Nakakinis lang dahil sumulpot din si Bryan noong mga oras na iyon.
Parang kabuti rin pala si Bryan. Kung saan-saan sumusulpot.
Naisip kong bumalik na sa'min pero may humintong bisikleta sa harap ko. Inaangat ko ang aking paningin para lang mapanganga. Agad kong tinikom ang bibig ko dahil baka tumulo pa ang laway ko. Kumurap-kurap pa ako para masigurimg hindi ako nananaginip.
Shomai! Totoo! Si Mike!
Tumambol na naman ang puso ko. Halos hindi na naman ako makahinga. Natulala na naman ako.
Anong ginagawa n'ya rito?
Inalis n'ya ang helmet n'ya. Shock! Parang bumagal ang oras. Sinadya n'ya bang bagalan? Nakasuot ito ng shorts at simpleng white shirt, pero gwapo pa rin.
"Hi baby," bungad nito. Damn! Tama ba yung dinig ko? Baby? Shit! Nagrambulan na naman ang internal organs ko. Dati ako yung tumatawag sa kan'ya ng baby, now, s'ya na. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Peste naman kinikilig ako eh.
"A-ano kamo?" paglilinaw ko.
"Hi Bella!" Parang gusto kong magsisi dahil pinaulit ko pa. Nagbago pa tuloy. Hay. Mike naman eh.
"Oh, bakit nakanguso ka na? Kanina ang ganda ng ngiti mo ah?" Napakamot ito sa kan'yang batok.
Paasa ka eh!
"Huh? Hindi ah." alibi ko.
"Hindi raw. Ayan o, kahaba ng nguso mo," tinuro pa ng loko ang nguso ko. Wala akong choic e kun'di umiwas.
"Teka, bakit ba nandito ka?" pag-iiba ko ng usapan.
Ngumiti ito at tumitig sa mga mata ko. Hala! Heto na naman ang puso ko, nagwawala na naman, parang gustong kumawala sa rib cage ko. "Andito ko kase andito ka eh."
Pucha naman oh! Mike, tama na, baka mangisay na ko sa harap mo eh.
"Huh?" slow ko kunwaring sabi. Syempre, I want it to be clear. Ayokong maging assuming.
"Pinupuntahan kita kaya ako nandito. Pumunta kase ako sa inyo, wala ka raw, kaya hinanap kita," ngumiti na naman s'ya na nakapagpalundag na naman ng puso kong pasaway.
"Bakit naman?" hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay ang mga iyon sa tainga ko. Oo na, pabebe na kung pabebe.
"Ayaw mo ba kong makasama... baby?" naghahamon ang tingin nito.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Novela Juvenil"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...