DAY 12

46 25 7
                                    

Bella

Good morning Philippines! Today is a wonderful day. Walang mapagsidlan ang saya ko. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon.

Ops! Nakalimutan ko, kailangan ko palang mag-practice. Kasali kase kami sa volleyball para sa intrams namin bukas. Hindi ako player, pero marunong naman akong maglaro. Wala kaming choice eh, grades naming sa P.E. ang nakasalalay rito. If we won't play, we will fail. Dati naman hindi ako umaayaw sa mga ganito, pero ngayon, hindi ko na sure.

Nandito ko ngayon sa field, hinihintay ko sina Rocean. Wala na kaseng klase ngayon, dahil bukas na ang itrams namin. Kailangan daw namin mag-ready para hindi na kami makulelat. Kulelat na kase kami sa academics.

Sa darating na intrams magkakalaban kami per grade level. Bale ABM-1 sina Mike, Bryan at Arvin kasama nila si Maureen, s'ya 'yong running for valedictorian, ABM-4 naman kami nina Aira, at Rocean. "yung GGSS Boys naman na sina Joshua, Brix at France ay nakasama sa STEM-1. Oo, matatalino rin sila, sa katunayan running for salutatorian si Joshua kaya s'ya mayabang. Lastly, yung mean girls na sina Chloe, Chrystle at Chantle ay sa HUMMS-1, hindi sila super talino, wala lang ibang section ang HUMMS.

"Hoy Bella, totoo ba yung sinabi ni Rocean, pinuntahan mo si Mike sa trabaho n'ya?" Napaigtad ako ng sumulpot si Aira sa likuran ko. Parang kabuti talaga 'tong babaeng ito.

Nasira tuloy ang pagmo-moment ko!

"Kadaldal talaga ni Rocean." Nagpanggap akong nagaayos ng sintas ko.

"Bakit hindi p'wedeng sabihin sa' kin? How dare you!" Naggalit-galitan ito sa akin. Napangiti ako sa ginawa n'ya.

"It's not that, pero correction, hindi ko s'ya pinuntahan sa work n'ya, nagpalaba ko." Ngumuso ako sa kan'ya. Napa-aray naman ako matapos n'yang batukan. "Ano ba naman, bes?"

Namaywang ito sa harap ko. "Wow! Nagpalaba ka talaga? Kalayo ng bahay n'yo mula ro'n. Saka nagpalaba eh may pa-fish ball pa?"

Itinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko. "Fine! Kasama na rin do'n 'yon."

Tumawa ito ng malakas. Luminga-linga ako para makita kung may nakakakita sa'min. Mabuti nalang at wala. "Para-paraan ka rin eh. Teka, balita ko wala pa raw s'ya. May general practice sila ngayon ah, nagagalit na sina Vin."

"Oo nga eh." Tumayo na ako at naghanda para umalis.

Pinigilan n'ya ang kamay ko. "Oh san ka pupunta? Magpa-practice pa tayo."

Inalis ko ang kamay ko saka ko s'ya kinindatan. "Secret."

"Lantod. Don't tell me susunduin mo s'ya?" Narinig ko pang tanong nito. Hindi ko na s'ya pinansin at nagdiretso na sa kotse. Tinuro ko kay Kuya ang address ng bahay nina Mike. Susunduin ko s'ya.

Tama, alam ko kung saan ang bahay n'ya. That's how I like him, alam ko lahat ng tungkol sa kan'ya. Mula sa buong pangalan n'ya, birthday, address, favorites, size ng paa, damit, waist line... shocks! Ang daldal ko na.

Sumilip-silip ako nang makababa sa harap ng bahay nila Mike. Gawa ito sa kongkreto, pero hindi ito kalakihan, parang kwarto ko lang ito. Iginala ko ang paligid ko pero wala pa ring tao.

"Anong kailangan mo ineng?"

"Ay kabayong nag-titiktok!" Halos mapatalon ako dahil sa babaeng nasa likod ko. Marahil ay hindi ko s'ya napansin dahil tutok ako sa bahay nila Mike. Nasa middle 50's na ito. Naka-duster itong pula na may bilog-bilog na itim.

Happy New Year!

"Ay dito po ba 'yong bahay ni Mike?" nag-aalangan pa 'kong tanong.

"Ah, si Mike ba? D'yan nga. Kawawa nga 'yong batang iyon eh." Naguluhan ako sa sinabi n'ya.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon