A/N
Hello! This book is about to end. Thank you sa lahat ng nakarating at makakarating pa sa part na ito. Although, hindi naman ako nag-expect ng marami, pero salamat pa rin. Salamat sa pagsama sa una kong kuwento at istorya nina Bryan at Bella. Anyway, hindi pa ito ang katapusan. Nagsisimula pa lang. HAHAHAHA See you sa next book 'pag nayari ito.
Special thanks to Juvy and Allaysa. Sila ang solid readers na nagbabasa ng story na ito.
Salamat sa inyo. God bless.
Bella
Pinatay ko ang alarm sa side table ko. Maaga akong gumasing dahil ngayon kami mag-uusap ng masinsinan ni Mike.
Napatulala ako nang bumalik sa isip ko 'yong kahapon.
"She really loves you. Kahit hindi niya sabihin o ipakita, alam kong mahal ka niya. Our mother will always love and choose to love us,' sabi ko habang hindi ko na napigil na mapangiti. "I guess, you need to fix your relationship to her, before fixing what's between us."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na ulit ang pamilyar na pakiramdam tuwing hahawakan niya ang kamay ko. Shocks! Tumingin siya ng seryoso sa mata ko. Feeling ko hihimatayin ako. "I will, pero hayaan mo muna kong mag-explain. I don't know if I have any chance to defend myself."
Napangiti na ko ng tuluyan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang rupok ko pagdating sa kaniya. "You don't have to. Unahin mo muna ang mommy mo. We can talk tomorrow."
"Why would I do that? Hindi ako aalis dito hanggang hindi malinaw sa 'yo lahat," pagpupumilit niya.
Napairap na 'ko. "Shocks! Bakit ba ang kulit mo? P'wede tayong mag-usap mamaya o bukas."
Lumapit siya at hinawakan ang baba ko para magkatapat ang mukha namin. "Ayaw mo kong makausap o ayaw mo lang akong patawarin?" nagpapaawa niyang sabi.
"Fine. Just talk. Pero wala kang makukuhang sagot o kapatawaran sa akin, unless you're done talking to your mom, okay?" pagsuko ko.
Ngumiti naman siya at umayos ng upo sa tabi ko. "It's true. Your father asked me to be with you and grant your wishes. Sinabi rin niya na may heart failure ka at binigay rin niya 'yong notebook," panimula niya.
Nangilid ang luha ko. Mahal talaga ako nina mommy. They even asked for the person I like to feel loved.
"Ayoko naman talaga no'ng una. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may urge sa akin na gusto kong gawin 'yon. Tinangap ko 'yong alok ni tito... pero bago pa 'yon, napansin na talaga kita. I could syill remember when I saw you in the Students' Center..." Napahinto siya ng kumunot ang noo ko.
"Teka, kailan 'yon?" tanong ko.
"The day when you were with your friend." Napatango ako nang malala ko 'yong araw na nagtampo ako kina Aira. "That day you already caught my attention, pero siguro dahil focused ako sa studies at sa trabaho, hindi kita pinagtunan ng pansin. But, I was honestly disappointed whenever I would see you with Joshua. Akala ko girlfriend ka niya..." Tumawa ito. "Not knowing that I was just jealous. Kahit nga si Bryan nasuntok ko. Maybe, I don't want to admit it, pero lahat ng pinakita ko sa iyo since then, totoo."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I just stared at him. Pero masiyadong tahimik kaya nagsalita ako, "Kaya ba may secret box ka? Hindi ko alam na may ganoong side ka pala," sabi ko.
Namula ang pisngi niya at napakamot siya ng batok. "Si mommy may kasalanan nito."
"You may now go," putol ko sa usapan.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...