Mike
"Hey! Himala yata, umiinom ka?" Napalingon ako sa parating na si Arvin kasama si kuya.
Napangisi ako at inirapan sila. "None of your fucking business."
"Alam mo, bro, ngayon lang kita nakitang ganito. You're damn wasted," kantyaw ni kuya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala kang alam, so better shut your damn month." Napatawa naman ito.
"Bakit instead na maglasing ka, suyuin mo siya?" suhestyon ni Arvin.
Pinilit kong ngumiti. "I tried, but she never listened. She's mad."
Sasagot sana si kuya pero biglang may tumawag dito. Agad niya itong sinagot tapos ay tumingin sa akin.
What's wrong?
Naupo si Arvin sa sofa-ng katabi ko at kumuha rin ng beer na hindi pa bukas. "She's still mad. Nabigla 'yon malamang. Nasaktan siya, so she needs space. Hindi biro ang pinagdadaanan niya. Give her time, pero it doesn't mean you'll give her up. If you truly love her, fight for her," seryoso nitong sabi.
May matino rin pala 'tong kayang sabihin.
Napatawa ako nang malakas. "Akalain mo, may matino ka pa lang kayang sabihin. Akala ko puro kahanginan ang lumalabas sa bibig mo eh."
"Fuck you, bro. Alam kong g'wapo ko, at dahil g'wapo ko, alam ko 'yang mga ganiyan," anito sa pagitan ng pagtungga ng beer.
"May point ka, bro. I need to give her time. Pero I want to explain my side. Mali kasi 'yong iniisip niya eh."
"Keep on trying. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon mo, hindi ko pa na-experience 'yan. Ang g'wapo ko kasi."
Ang yabang talaga.
Napailing ako. Mahangin talaga 'tong isang 'to. Nabaling ang atensyon ko kay kuya nang nakabalik na siya. He looked serious.
"Who was that?" I asked.
He stared at me and sighed. "It was dad." Napakunot ang noo ko. I kept silent. Ayoko sanang pag-usapan si dad, pero dinugtungan niya ang litanya niya. "It's about what he's telling you before."
No. Not this time.
"I told you, I'm not interested." Tumungga ako ng beer at tumayo na.
"You're interested or not, you have to. Wala kang choice," aniya. Napalingon ako kay Arvin na palipat-lipat ang tingin sa amin.
Tinalikuran ko siya. "Why not doing it instead? Ikaw ang panganay, kaya ikaw na lang. I want a normal life."
![](https://img.wattpad.com/cover/219443728-288-k264425.jpg)
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Fiksi Remaja"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...