Mike
Paano ba masasabing masaya ang isang tao? Ano ang basehan o saan ba masusukat ang kaligayahan ng bawat isa? Sa materyal na bagay ba? Sa pangarap? Sa pagkamit ng gusto at nais? Sa pera? O sa pag-ibig?
Paano ba ito masusukat?
Isang oras? Isang araw? Isang linggo? Isang buwan? Isang taon?
Sabi nila mahirap daw.
Ako? Hindi ko alam, hindi ko sigurado, hanggang isang araw... hanggang sa may dumating... hanggang sa may gumulo ng mundo ko...
Huminto ako sa gilid ng isang laudry shop. Dito ako nagsa-side line tuwing weekends or 'pag wala kaming pasok. Kinakabahan ako. Late na kase ako. Malamang pagagalitan na naman ako ni Boss.
Mabilis kong inalis ang helmet ko, itinabi ko ang aking bisikleta at dali-daling pumuwesto sa labahan.
"Hoy Mike! Ba't ngayon ka lang?" tanong sakin ni Mikee. Kababata ko s'ya. S'ya ang nagpasok sa 'kin dito sa laudry shop ni Mr. Lee. Kadalasan s'ya rin ang nagtatanggol at nagtatakip sa 'kin 'pag may kapalpakan akong ginagawa. Tulad ngayon. Late ako.
Hay. Patay ako na 'to.
"Kanina pa nagagalit si Pandak. Late ka na naman," bulong n'ya sa'kin. Medyo lumayo ako. Mahilig kaseng magdidikit itong si Mikee. Naiilang ako. Ewan ko ba. Maganda naman s'ya, sexy... mali sobrang sexy, mabait, matalino, nahinto nga lang sa pag-aaral.
"Eh naglaba pa 'ko sa bahay, alam mo namang ako halos ang gumagawa lahat doon. Tulog pa kase si Papa, si Mama naman maagang umalis," mahaba kong litanya habang ibinubukod ang damit na puti sa dekolor.
"Sana dinala mo na lang dito. Dito mo na lang sana nilabhan." Kinuha n'ya ang detergent power sa drawer para isalang ang mga puti sa machine.
"Sayang pa 'yung ibabayad. Alam mo namang medyo short ako ngayon. Nakaltasan ako no'ng huling sahod dahil sa lates at absences ko, tapos may bayarin pa sa school." Inayos ko na ang dekolor para naman isalang sa isa pang machine.
"Bakit kase hindi ka nalang humingi sa parents mo. May business naman sila 'di ba?" Nailang ako nang unti-unti s'yang lumapit at hinawakan ang kamay ko. "Or pwede naman akong magbayad." Ngumiti s'ya na para bang nang-aakit. Napaurong ako.
Hindi sa hindi ko s'ya type. Ayoko lang sa masyadong clingy. Nakakadiri. Pero para ko na s'yang kapatid kaya nasanay na rin ako.
Pinalis ko ang kamay niya. Tinalikuran ko s'ya at sinalang ang mga damit sa machine. "Hindi na. Ayokong humingi ng tulong sa kanila. Kaya ko naman. Saka, ayokong magka-utang na loob sa kahit na kanino. Kinaya ko naman noon, kakayanin ko ngayon."
"Anak naman ng pating oo! Tanghali na ngang dumating, nagtsi-tsismisan pa. Kaaga-aga n'yong nagkukwentuhan!" Halos mapatalon ako sa gulat matapos sumulpot ni Pandak, este ni Mr. Lee sa likod ko. Pigil hininga akong humarap sa kan'ya.
"Sorry po, Mr. Lee. May ginawa pa po kase ako sa..."
"Wala akong pakialam sa mga paliwanag mo! You have to be here on time! Binabayaran ko kayo para pumasok sa oras at hindi para magkwentuhan!" Dinabog n'ya ang lamesa malapit sa 'kin. Kumabog ang puso ko sa takot. Nakakatakot talaga s'ya, bukod sa brusko na ang itsura n'ya ay napakaistrikto n'ya.
"Ten minutes late lang naman po, Mr. Lee," sinubukan kong lumusot. Sana umubra.
"At sumasagot ka pa! Walang hiya ka!" Inaambaan n'ya ako ng sampal. Hinanda ko na ang sarili ko. Yumuko ako at hinintay ang pagdapo ng magaspang n'yang palad sa makinis kong mukha. Sampung sigundo ang lumipas pero wala akong naramdaman. Nilingon ko s'ya at nakita si Mikee na pinigil ang kamay ni Pandak. Inayos ni Pandak ang suit n'ya na abot hanggang tuhod n'ya dahil sa hindi ko alam kung sinadyang malaki ito o pandak talaga s'ya.
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...