DAY TEN

54 24 0
                                    

DAY 10

Mike

Papunta kami ngayon nila Arvin sa gym para mag-practice ng basketball. Napaaga kase ang intrams namin dahil nagbago ang school calendar. Dahil dito ay binigyan kami ng adviser namin ng oras para makapag-practice. Ganito kase rito sa school namin, labanan ng sections.

"Kkkkyyyyaaaahhhhhhh! Sina Mike papunta rito!"

"OMG! Ang gwapo talaga ni Arvin!"

"Bbbbbaaaabbbbyyyyyyy, Bryan!"

"Si Mike pa rin ang pinakagwapo!"

Nakakarindi ang sigawan ng mga babaeng iyon. Masyado silang eskandalosa. Ganito na ba talaga ang mga babae ngayon? Alam ko namang gwapo talaga kami, pero hindi ba pwedeng manahimik sila?

Nilagpasan lang namin ang mga babaeng iyon at agad na nagtungo sa gym. Ibinaba na namin ang bag namin sa bleachers. Nag-warm-up kami ng konti habang hinihintay ang iba pa naming kasama sa practice. Ilang minuto pa ay tumakbo na kami. Nang makumpleto at makapag-warm-up na lahat ay nag-shooting naman kami.

Makalipas ang limang minuto ay nagsimula na kaming maglaro. Malamya. Ito ang ayoko sa section namin. Maraming matalino, pero hindi lahat magaling sa sports. Marunong naman itong mga kasama namin pero hindi sila magaling. Mukhang mahihirapan kaming tatlo sa intrams pag hindi sila nahasa.

Kailangan naming mag peer coaching.

"Tama na muna!" sigaw ko sa mga kakalase 'ko. Lumingon sila sa'kin saka lumapit. "Mag peer coaching muna tayo. Hindi tayo mananalo 'pag ganyan ang laro n'yo."

"Teka bro, pano sila matututo kung hindi natin sila isasabak sa laro?" Nagkamot ng ulong humarap sa'kin si Bryan.

"Peer coaching muna tayo ng tatlong araw, pagkatapo noon ay saka tayo magsasama-sama." Utos iyon, hindi suhestyon.

"S-Sige, pero pa'no natin gagawin iyon?" tanong ng kaklase kong si Laurence.

Academics lang talaga ito. Walang common sense!

"Bale mahahati tayo sa tatlo, Si Bryan makakasama ka Laurence, Andrew, at Arjhay. Si Arvin naman kina Louise, Jasper at Vin. Kayong apat sa'kin kayo gugrupo." Halata ang pagtututol sa mga mukha nila. "Hindi tayo mananalo sa mga lower sections kung ganyan ang alam nating laro, tandaan n'yo varsity players ang iba sa kanila, 'yong iba naman ay malalakas maglaro, iba pa 'yong mga students na marumi kung umatake. Alam ko, ayaw n'yo ng ganitong set-uo pero ito lang ang alam kong paraan. Ako, si Arvin at Bryan na ang bahala kung paano namin kayo ite-train. Malinaw ba?"

"Oo, Mike," napipilitan nilang sagot.

"Sige, magrupo-grupo na tayo," ani ko. Pero hindi ko na naisunod pa ang sasabihin ko nang tapikin ako ni Arvin sa balikat. Sinundan ko ang lugar kung saan nakapako ang mata n'ya, at napakunot ang noo ko.

Anak ng tupa, s'ya na naman?


Bella

Excited na 'ko para sa araw na'to. Nag-prepare ako ng bagong surprise para kay Mike. May vacant sila mamayang alas tres dahil wala ang teacher nila sa subject na iyon. Doon ko gagawin ang surprise ko.

Nalaman ko kase na bakante nila mamaya dahil nakausap ko si Ms. Culala kahapon nang tulungan ko s'yang magbuhat ng libro n'ya. Dahil doon, nakaisip ako ng bright idea.

Pag 'di pa kita napasagot, ewan ko nalang.

Recess na namin ngayon, at papunta ako sa cafeteria para bumili ng pagkain. Nakakabagot kaya naman naisipan ko nalang na roon kumain sa classroom namin.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon