Day 25

53 25 14
                                    

Hay. Nakakabagot naman ang araw na ito. Ilang araw ng hindi pumapasok si Mike. I miss him. Yes, I super him. Hindi na kase ako nakabalik sa kanila simula ng dalawin ko s’ya sa bahay nila. Kung kalian naman lumapit na ang bahay n’ya sa bahay namin saka kami dumalang makita. Nakakainis s’ya. Ayaw n’ya ‘kong papuntahin sa kanila. Bakit kaya?

Nakatulala pa rin ako rito habang nakaupo sa loob ng room namin. Iniisip ko noong tumawag s’ya sa’kin kagabi.

Unknown number. Sino kaya ‘to? Sasagutin ko ba? Tumingin ako sa orasan, nine pm na ng gabi. In the end, I answered the call. Dumapa ako sa kama at nakinig sa kabilang linya, pero tahimik ito.

“Hello? Who’s this?” maarte kong tanong.

Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. “Ako ‘to.”

Dumoble ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Bakit s’ya tumatawag? Saan n’ya nakuha ang number ko?

“A-ahm M-mike?” gusto kong pagalitan ang sarili ko sa inasal ko. Bakit ba nauutal ako tuwing s’ya ng kausap ko?

Ako nga,” tipid n’yang sagot. Mukhang may sakit pa rin s’ya dahil medyo paos pa ang boses n’ya at sumisinghot s’ya sa pagitan ng pagsasalita.

“A-ah, bakit ka napatawag?” Shit! Wrong question Bella!

“Ayaw mo ba?” anito sa pagitan ng pagsinghot.

“Syempre gusto. Nagtataka lang ako kase napatawag ka.” Nakagat ko ang hintuturo ko sa sobrang kaba.

“Gusto kong marinig ang boses mo eh. Nami-miss ko na kase,” paubo n’yang sabi.

Napagulong ako sa kama sa sobrang kilig. Miss n’ya ang boses ko, so miss na n’ya ko? Gusto kong tumalon sa kama, pero hindi pwede.

Hey, andiyan ka pa ba?” anito.

“Yes, andito pa ‘ko. Teka, saan mo nakuha ang number ko. Saka, may phone ka na?” naguguluhan kong tanong.

Tumikhim ito. “Yes, binili ako ni Mom. Gusto kitang makausap, so tinanggap ko na. Iyong number mo naman kinuha k okay Aira.”

“Ganoon ba? You should rest. Ilang araw ka ng absent eh,” I told him with concern. I want to talk to him as much as possible, but I want him to be better. Miss ko na s’ya eh.

“Just a minute, I want to hear you before I sleep,” hindi ko alam, pero I sense sweetness as he said that line. Mukha akong tangang ngumi-ngiting mag-isa habang pagulong-gulong sa aking queen sized pink Hello Kitty bed.

I told you, I’m willing to go there. Ang lapit lang…” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol n’ya iyon.

“Hindi pwede. Pupunta ka lang dito ‘pag ayos na ako. Understand?”

Napanguso ako. Biglang nanlamig ang boses n’ya. Nag-iba ang ambiance ng pag-uusap namin.

40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon