Kabanata 1

425 58 5
                                    

•••••

June , 2005


“St. Catalina University”. tangu-tangong basa ko sa pangalan ng University na papasukan ko ngayong School Year , maganda sya at malawak mukhang mayayaman lang talaga ang mga napasok dito.


Pero kahit ano pang lawak at kagandahang idudulot nito sakin ayoko parin dito , napilitan lang akong lumipat dahil kay Daddy.


Yes i'm a transferee , new environment , new adjustment , new classmate ay letse! basta lahat bago!


Nag stay pa ako ng ilang minuto sa gate bago naisipang pumasok. Dahan-dahan lang ako kung humakbang bawat madadaan ko ay sinisipat kong mabuti dahil wala pa akong kilala dito maliban sa bestfriend kong si Kleighn dito sya napasok since day one.

Ewan ko ba pero parang ang weird ng pakiramdam ko sa School na'to. Pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.


May usapan kasi kami ni Kleighn na don nalang magkita sa hall pero hindi ko alam kung saang banda yon , at habang palinga-linga sa paligid.



Hindi ko namalayang....


“Argh!”. ungot ko habang hawak hawak ang kaliwang braso , nang tumama sa kung sino.


Nabitawan ko tuloy lahat ng librong hawak ko. Haysss!


May bumunggo saken! , at syempre hindi ko kilala.


“Are you okay miss?”. malumanay na tanong ng isang boses lalaki sa likuran ko. Hindi ko sya sinagot sa halip ay pinakakalma ko ang sarili ko.


“I said if you are okay?!”. medyo inis nyang tanong! kaya dali dali akong humarap sakanya.


“Masasabi mo bang okay ako? e hind-”. hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pag harap ko sakanya bumungad saken ang napaka gwapo nyang pag mumukha!


Napatulala talaga ako ng sobra!


Baket naman napaka gwapo mong nilalang? . Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Disente , gwapo , mabango , may pagka maangas at mukhang masama ang ugali.


Peroooo....


Ang gwapo nya talaga ,naalala ko tuloy si James kababata ko sya na alam kong may gusto sakin pogi talaga yon! at laging amoy baby! pero iba tong isang to para bang may gayuma. Habang patuloy na nag iisip.


Natauhan ako nang bigla nya akong hawakan!


“Bingi kaba? sabi ko kung okay ka lang? ngingiti-ngiti ka pa dyan”. masungit nyang saad , nagulat ako sa tono ng pananalita nya ... tsk tsk kalalaking tao e masungit.


At isa pa? ano daw yon nakangiti? nang maisip kong kanina pa pala ako nakatitig sakanya pandalas ako ng ayos ng tayo at sinimangutan sya... kunyari ay galit ako! kahit na ang totoo ay hindi pero masakit ang kaliwang braso ko.


“Anong nakangiti sinasabi mo dyan? assuming ka! at syaka mukha ba akong okay ha? tingnan mo nga gamit ko nalaglag na hindi mo man lang magawang pulutin”. mataray ko ding sagot sakanya , pero kumuno't lang ang noo nya na para bang nayayamot na talaga tsk sungit talaga.


“Mukhang okay ka naman e , so aalis nako”. irita nyang sagot at mabilis na tumakbo.


Hahabulin ko pa sana sya , kaso naalala ko mga gamit ko kaya eto nalang inintindi ko.


Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now