Kabanata 13

106 24 0
                                    


          Naglalakad na kame pabalik ni James , pag kaalis nung dalawa ay umalis na den kami. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko at tiningnan yon. Maliit na bote as in maliit alam kong alam nyo'to dahil nung bata siguro kayo ay nalalaruan nyo'to. Para syang may tubig sa loob tapos kumikinang kinang , simula nung binigay ni lola saken to hindi ko pa'to nabubuksan. Dahil sabi nya ay may mas mahalaga pa akong pang gagamitan nito at yon ang labis na gumugulo sa isipan ko.

"Ame what if mahalaga talaga yan?". nakatulalang tanong ni James marahil ay nacucurious den sya sa hiwaga nitong kwintas na suot ko , pero kahit ako ay hindi alam kung ano ba'to kaya napa buntong hininga nalang ako bilang sagot.

Malapit na kame sa bahay ni Lola , lalong dumadami ang tao sa labas. Ganon nalang talaga kadami ang nagmamahal kay lola napangiti ako ng mapait. Tumingin ako kay James , walang nagbago sakanya mahilig paden syang gulatin ako lalo syang pumo-pogi habang lumalaki. Alam kong may gusto saken si James bata palang kaming tatlo pero si Kleighn ang may gusto sakanya , kaya hindi ko rin sya magawang magustuhan dahil gusto sya ng kaibigan ko as up now kaibigan lang den ang turing ko sakanya isang nakababatang kaibigan.

Pero kahit ganon alam kong may something pa ren sa mga tingin at pinapakita nya saken. Hindi ko nalang pinapansin.

"Ano may dumi ba sa mukha ko? o ang pogi ko?". nagulat ako sa sinabe nya , napagtanto ko nalang na nakatulala na pala ako sakanya napatawa nalang ako at humawak sa braso nya para sabay kaming maglakad.

Agad kaming pinagtinginan ng mga tao na nasa labas yung iba ay mga kamag anak namin , yung iba naman ay kapit bahay namin dito sa Cebu.

"Amethyst! iha!". Napatingin ako sa babaeng tumawag sakin , si Tita Claire mama ni James.

"Ma!". tawag ni James sakanya , pero inirapan lang sya ng mama nya kaya napatawa ako bumitaw ako sakanya at tumakbo para salubungin ang mama nya. Niyakap nya ako at inamoy amoy kagaya ng palagi nyang ginagawa saken noong mga bata pa kame.

"Ang bango bango mo na Ame , ang ganda mo na ding bata ang laki mo na anak". halata naman sakanyang tuwang tuwa syang makita ako , kaya ganon nalang den ang tuwa ko dahil miss ko na den sya at mga luto nya.

"Nga pala may binigay saken si Lola Desa mo na box , hindi ko binubuksan dahil ayaw nya sayo daw yon kunin mo nalang mamaya sa bahay ah". naka ngiting sabi nya pa , napa kuno't ang noo ko pero tumango nalang bilang sagot.

ano naman kaya yon? hmmmp.

Nagpaalam ako kay tita Claire para hanapin sina Daddy , at si James naman ay inutusan ni tita para kunin yung ubeng ginawa nya para sakin.

Tumingin ako sa palagid , parang ang weird hindi ko alam kung ano yon pero basta parang may kakaiba.

Nandito ako sa may salas , pero wala sina Daddy. Kaya ang gagawin ko nalang ay pupunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pero hindi pa ako nakaka hakbang sa hagdan ay may kung anong pabango na akong naamoy tila pamilyar saken ang amoy na'yon. Kaya nagpatuloy ako sa pag akyat. Tatlo ang kwarto dito sa second floor at malalawak ang space. Ang kwarto ko ang nasa pinaka gitna.

Tumingin ako sa kaliwa , at nag masid ngunit wala naman akong naramdaman. Ganon den sa kanan. Ngunit nang mapatapat ako sa pinto ng kwarto ko. Ganon nalang ang lakas ng hanging dumampi sa mga balat ko senyales na may kakaiba nga.

Kaya dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob. Hindi ako natatakot sa kung ano mang mangyayare or makikita ko dahil para saken maikli lang ang buhay pare-pareho lang tayong mamamatay.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko , kaya malakas na pwersa kong tinulak ang pinto ng kwarto. Ngunit pag bukas ko ay wala naman tao. Nilibot ko ang mga mata ko , may kakaiba talaga pero kampante paren ako.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now