Kabanata 14

97 24 0
                                    


Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon sa totoo lang. Iiyak ba ako dahil wala na si lola o tatawa dahil sa mga pinag gagawa ni James at Ivan. Para silang mga aso't pusa , ako lang ang nakakapag patigil sa dalawang ugok na'to. Nandito kame ngayon sa maliit kong ginawa dati na bahay kubo sa taas ng puno may hagdan naman kaya di kame mahihirapan sa pag akyat. Pangatlong araw na ngayon ng burol ni Lola kaya naisipan kong dalhin muna sila dito. Dito ako palagi tambay nung mga bata pa kame dahil tahimik at nakakapag isip ako nang mabuti pero sa ngayon kabaligtaran non. Dahil nag aaway ang dalawang ugok.

"Alam mo pre , kung ako sayo uuwi nako wala naman ka naman mapapala dito e". kuno't noong saad ni James kay Ivan.

"At ikaw meron? , tsh tigilan mo'ko ang panget mo". iritang sagot naman ni Ivan kay James.

Kanina pa sila ganyan simula pagdating namin dito sa taas , hindi ko alam kung ano pinag aawayan nila basta hindi sila mag kasundo parang mga bata.

Napatingin ako sa relo ko , 5:20pm. Madalim naden ang kalangitan na para bang uulan. Kaya tumayo ako at sasarahan sana ang bintana ngunit nang may biglang kung anong lakas ng kalabog na'yon ang nang gagaling sa ibaba at di ako pedeng magkamali , don yon sa kubong pinang gagamutan ni lola. Malapit lang dito yon siguro kung bababa kame dito mga sampung hakbang lang ay nandon na kame.

Napatingin ako sa dalawa bakas den ang gulat sa mukha nila. Sinenyasan ko silang wag maingay at lumapit saken ng dahan-dahan.

Naglakad ako patungong bintana at mabilis na sinara yon , isa lang ang bintana dito at sinara na den namin yung pinto pag pasok namen. Kumpleto ang gamit ko dito sa kubong to dahil mas madalas dito nako kumain at matulog noon. Kaya naghanap ako ng lighter at kandila sa isang cabinet ko. Hindi naman ako nabigo may nakita ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang sulok na may butas kung saan talagang makikita ko ang kubong pinang gagamutan ni Lola. Ang dalawa naman ay naka sunod lang palagi saken sanay na sa gantong set up si James dahil nung bata kami. Kami pa mismo gumagawa ng paraan para lapitan ng kung ano ano pero ngayon sila na ang nalapit sa amin. At si Ivan naman? hindi ko alam pero baka di nya kayanin to.

Pinahawak ko kay James yung kandila at sumilip sa butas.

"A-ame anong nangyayare? a-anong s-sinisilip mo dyan?". takot na sabi ni Ivan , madilim kase dito wala nang ilaw tanging kandila lang ang liwanag namin. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Wag kang aalis sa tabi namin ni James ha , mamaya ko na ipapaliwanag sayo at wag kang maingay". bulong ko sakanya. Takot naman syang tumango at lumapit bahagya saken. Naka alalay naman si James sakanya kahit mag kaaway pa sila kilala ko si James mabuti syang tao hindi nya ipapahamak kapwa nya kahit galit pa sya dito.


Sumilip nalang ulet ako sa butas , at hindi ako makapaniwala sa nakita ko!.


May isang babae na sa tingin ko ay kaedad ni tita Zoey ang nasa loob ng pagamutan ni Lola na tila bang may hinahanap.

Ang mas nakakagulat pa don ay hindi sya tao , kundi multo!

Ang lakas ng tibok ng puso ko! Sino sya? at anong kailangan nya? anong hinahanap nya.

Mga tanong sa isip kong sya lang ang pedeng sumagot.

Galit na galit sya kung maghanap , kalat kalat na ang mga gamit ni Lola.

Hindi pa kaya to napupuntahan nina Tita Claire?

Nung maisip ko yon , humarap ako kay James at bumulong."Hindi pa'ba napupuntahan nina Tita Claire tong kubo?". Umiling si James. Kaya naman pala ganto.

Pag silip ko ulet , ayun na naman yung panibagong gulat saken! nakatingin yung babae dito sa direksyon kung nasan kaming tatlo!

Hindi ko maaninag mukha nya , dahil malabo ang mata ko at madilim sa part namen!

Dahan-dahan naglakad yung babae , napatingin ako kay na James at Ivan. Si James lang ang takot na takot dahil nakikita nya den ito samantalang si Ivan hindi alam ang gagawin.

"J-James d-dala mo yung librong m-maliit?". utal na tanong ko sakanya. Nakita ko naman ang paglunok ni James.

"H-hindi k-ko d-dala A-ame , nakalimutan k-ko s-sorry". kabado nyang sagot saken. Pinikit ko nalang mata ko para kumalma at nang pag silip ko ay eto na sya nakatayo na sa harap ng kubo! nakatingala na sya ngunit di ko paren maaninag ang mukha nya.

God! pls help us.

Saktong pag lingon ko kay Ivan , ay nakita ko ang kwintas nyang krus at silver pa'to.

Hindi ako nag alinlangang hablutin to sakanya , gulat naman sya pero hindi ko na yon pinansin.

Pumunta ako sa may pinto at sinabit yung kwintas ni Ivan.

Kumuha ako ng telang pula , at ginawa kong headban.

"A-ame? wag mong gagawin yan! H-hell no Ame! pls!". mangiyak-ngiyak na sabi ni James pero hindi ko sya pinakinggan.

Biglang lumakas ang hangin at talagang dumampi ito sa balat ko na para bang isang haplos.

At don ko nalang napag masdan ang hangin iyon ay si Lola! Napaluha ako sa di malamang dahilan!

"Wag mong idamay ang apo ko , don tayo sa pagamutan ko mag usap".

Bigla akong bumagsak ng mawala ang tensyon sa pagitan naming lahat.

Inalalayan ako nina James at Ivan kahit hindi nya alam kung ano nangyare. Sinabi ko nalang sakanila na tawagan si Tita Claire para masundo kami.

Maya-maya lang ay , marinig na kaming ingay at yabag ng mga paang patungo dito sa taas.

"James! Ame!". para akong nabunutan ng tinik ng marinig ang boses ni Tita Claire. Binuksan naman agad ito ni Ivan at nang makita kami niyakap ako ni Tita at inalalayang bumaba sa bahay nalang daw kami mag usap usap.

Nang makarating kami sa bahay , kumpleto sina Daddy kita ko ang pag aalala nila.

"O my god! Ame iha!". salubong ni tita Zoey sakin.

"Ano ba Ame! di mo sinasagot tawag namin sayo kanina dahil bigla nalang kayong nawala nina Ivan! alalang alala kami sainyo! , san ba kayo nag punta!". galit na sabi ni Daddy , magsasalita palang sana ako ng maunahan ako ni tita Claire.

"Wag mong ugaliing pumunta don sa kubo na ikaw mismo ang gumawa , may nakaka kita sainyo Ame. Kung nagkataong hindi agad nakapunta ang lola mo malamang kinuha kana nila". seryosong sabi nya nang nakatingin sa mga mata ko , kinabahan ako. Marahil ay sa tagal nang di ako nakakapunta sa kubo na'yon di ko na alam kung ang mga pangyayare sa loob noon.

Biglang sumakit ang ulo ko , at biglang nag dilim ang panigin ko.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

-Simula.

If u a part of my Story ⤵️

Don't Forget To Vote & Comment and Share.

Thankyou for reading , and Welcome to my Family Astrem's.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now