Kabanata 4

172 36 6
                                    

    
             Pag baba ko sa village namin , walang nang tao maliban samin ni kuya guard. Pinagbuksan lang nya ako ng gate , at tinanguan ngumiti nalang ako.

Malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan ko , bago magsimulang mag lakad ulit.

Mga liwanag nalang mula sa poste ang tanging nakikita ko , may ilang bahay pading bukas ang ilaw pero mas marami ang mga nagpapahinga na. .. ganon talaga dito ang mga tao ayaw pumanget kaya ayun maaga nagsisi tulog hahahahaha.

At habang nag lalakad , may nakita akong batong maliit pinag sisipa ko yon hanggang sa napalakas ng biglang....

"Ouch". nag angat ako ng tingin ng marinig ang isang boses ng babae.

Hala! diba walang tao? ako lang nandito!! omoo! lord.... lupa lupaaaa! kainin mo na ako ngayon na!!

Nagpalinga linga ako sa paligid at dahan dahang naglakad pero hindi pa man ako nakakalimang hakbang ng may biglang nagsalita....

"Hi Ame". ganon nalang kabilis ang paglingon ko sa likuran at bumungad saken ang puting-puting s-si...

"K-kryza? Kryzaaaa waaaaahhhh".. sigaw ko at mabilis na tumakbo diko alam kung san ako dinadala ng mga paa ko pero dito ako napadpad sa isang malaking puno nagtago ako sa likod non at panay antanda jusko lord! wag ganto! kala ko nakikita ko lang sya! pero hindi ako bingi nagsalita sya kaninaaaaa! omgggg! puno pleaseee kainin mo na ako.

Mga ilang minuto pa akong nag stay dito sa likod ng puno , tumingin ako sa cellphone ko 9:26pm na paniguradong sermon na naman ang abot ko sa bruha na'yon ... tsk epal kasi tong si Kryza... pero teka? bakit nga ba ako natatakot sakanya? feeling ko may kailangan sya kaya ganon nalang pursigi nyang takutin ako! kahit dis oras na ng gabi!

Naikwento sakin ni lola noon na kapag ang isang kaluluwa ay nag paramdam sayo , may kailangan at hindi ka nito tatantanan kapag naramdaman mo na sila.

Umupo muna ako , at binuksan ang bag ko naalala kong may tira pa akong tubig dito hingal na hingal nako kaya kailangan ko ng lakas.

Nang makuha ko na ang tubigan ko , binuksan ko na at dire-diretsong ininom hanggang sa...

"Hays nandito ka pala , kung san san kita hinanap!". ganon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata ko at naibuga ko sakanya yung tubig na nasa bibig ko! nang mapunta sya sa harapan ko!

"Ay". react nya at kunyaring pinupunasan ang suot nya na akala mo naman talaga nabasa!

Napatayo ako sa gulat at dinuro sya!

"H-hey K-kryza?! ano ba! papatayin mo ba ako sa takot o gulat?". di makapaniwalang sabi ko , baket kase kaninang kinakausap ko sya di sya sumasagot at ngayong gabi na at ako nalang mag isa! sinusundan at kinakausap nya ako!

Ano ba'to multo! o baliw! badtrip sya ah!

"S-sorry na , gusto lang naman kitang kausapin eh". pilit na ngiting sabi nya at tumayo para pumunta sa tabi ko!

"H-hoy wag kang lalapit! kaninang umaga kinakausap kita e! ayaw mo magsalita tapos ngayon! aisshh! baliw kaba!"

"Ts! kung kinausap kita kanina edi sana nasabihan kana talaga ng mga student don na baliw ka". may point sya , pero hindi!!! baket kase ngayon pa!

"At syaka pede bang kumalma ka , di naman kita kakainin dahil ang kunat mo". aba letse tong multong to! makunat daw ako? e kung basagin ko kaya bungo neto!.

"Hoy anong makunat pinagsasabi mo dyan!? kainis to!". nagulat ako sa bigla nyang pagtawa , multo na baliw? lintek ka ah!

"Hays , di ako mag tataka kung bakit isang araw magustuhan ka ni Ivan". kung kaninang di ako interesado sakanya , ngayon meron sa loob loob kong handa nang makinig sakanya.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now