Kabanata 8

110 30 0
                                    

A/N : (dito sa part na'to kakatapos ko lang umiyak , so damay damay na'to ily'all).

            Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa ren nakikita ang multong ubod ng ganda si Kryza. Huling pagkikita namin non ay yung sinabi nya lang saken ang mga dapat kong gawin at pagkatapos non di ko na sya nakita pa , nasan naman kaya yon?

Matapos ang dramahan nung weekend , di ko na muling nakausap pa si Daddy sa totoo lang natouch ako sa mga sinabi nya na babawi sya saken. As if naman na totoo yon diba? hays sa totoo lang inggit na inggit nako sa half sister ko , dahil sa pagmamahal ng magulang na kailanman ay di ko naranasan. Maswerte sya dahil nung pinanganak sya sa mundo nasa harapan na nya lahat.

Kung nandon lang siguro ako sa Cebu? hindi ganto buhay ko dahil don lahat kakampi ko. Kailan kaya ako makakabalik ng Cebu? namimiss ko na si lola maaari ko naman syang tawagan kaso wala akong cellphone kase nga nasira at hanggang ngayon wala akong perang pambili.

Nandito ako ngayon sa room namen , vacant ngayon iniwan lang ako dito ni Kleighn para bumili ng pagkain naming dalawa. Sabi ko nga wag na pero libre e , nagugutom na den naman ako magiging choosy paba ako?.

Habang nag aantay hikab ako ng hikab maluha luha na ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod.

Inaantok pa ako dahil maaga akong gumising kanina para ipagluto ng lugaw si Catalina dahil yun ang request nya sa araw araw at luto ko lang ang gusto nya. Wala pa din akong kain sa pagmamadali. Isinubsob ko ang ulo ko sa desk sa sobrang antok pero papikit palang ako ng may bumatok saken.

Napatayo ako dahil don , agad nag init ang ulo ko sa mayabang na hambog walang modong si Ivan.

"Ano bang problema mo ha?!". gigil na tanong ko sakanya , nako nako wag nya akong uumpisahan ngayon dahil kulang ako sa tulog at gutom pa ako makakatikim talaga to saken.

"Ikaw ang problema ko!". seryosong saad nya na nakatingin sa mga mata ko , napa kuno't ang noo ko ano ba 'tong mokong na'to gutom den? lintek makapag sabi ng ako ang problema nya e wala nga akong ginagawa sakanya!

"Hoy! anong ako ang problema mo? ano to? teleserye? nananahimik ako dito tapos pupunta ka dito para lang sabihing ako ang problema mo!?". umayos sya ng tayo at pumunta sa harapan ko sa sobrang tangkad nya napatingala ako.

Kahit sang anggulo tingnan napaka pogi mo , kaso meron nang nag mamay ari sayo at syaka masama ang ugali mong mokong ka!!!

Nakipagtitigan lang ako sakanya , hanggang sa sya yung sumuko at tumalikod saken. Kala mo ah maiisahan moko sa ganon? tsk!

Nakakagulat naman kase talaga ang pabigla bigla nyang pagsulpot sa harapan ko , dahil ayaw naman nya akong makita at lalo na kung sasabihin ko lang den naman ay yung tungkol sa girlfriend nya.

Ang natatandaan kong pagkikita namin ay yung nakita ko syang kumakanta.

"Please layuan mo'ko , ang saket saket kase". natulala ako sa likod nya ng sabihin nya yon , baket sya masasaktan? anong ginawa ko sakanya?

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya bago takpan ang mga mata nya.

"K-kase naalala ko sayo si Kryza , Ame ang saket kase. Nung oras na kumakanta ako naalala ko yung una nating pagkikita na katulad den ng samin ni Kryza t-tapos minsan naiisip ko baka ikaw sya". kahit na nakatalikod sya , sa mga pag angat palang ng balikat nya alam kong umiiyak sya.

Biglang lumambot ang puso kong kanina lang ay galit sakanya.

How i can feel you better Ivan? ayokong lumayo sayo dahil nangako ako sa girlfriend mo.

Pero mas natatakot ako sa nararamdam ko sayo.

Pinikit ko ang aking mga mata , huminga ng malalim at pag mulat ko.

Natatakot man humakbang paren ako papalapit sakanya .

Limang hakbang patungo sa kinatatayuan mo.

Apat na hakbang papunta sayo.

Ikatlong hakbang para mapunta ako sa tabi mo.

Pangalawang hakbang malapit nako sayo sinta ko.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko , sa huling hakbang nakayakap nako sayo.

"I-ivan nandito lang ako sa tabi mo , di ako aalis sayo. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan , ipahiya at kung ano ano pa nandito lang ako". impit na hikbi ang ginagawa ko , para hindi nya marinig ang pag iyak ko.

Pano ko ba naman tutuparin ang gusto mong paglayo ko sayo kung mahal na kita? minamahal kita ng di mo alam , minamahal kita ng ako lang ang may alam . At mamahalin parin kita kahit di mo suklian.

#martir ang lola nyo.

"Pero kung si Kryza lang naman ang makakapag pagaan ng loob mo tutulungan kita". kasabay ng mga salitang binitawan ko ang pagtulo ng luha ko.

Kumalas si Ivan sa pagkakayakap ko , at humarap saken.

"Paano mo'ko matutulungan? patay na si Kryza". nang makaharap sya saken natawa pa ako dahil ang pogi nya pa den.

"H'wag mo akong tawanan , walang nakakatawa". tinigil ko ang pagtawa ko , at ngumiti sakanya buti nalang bago sya makaharap napunasan ko na luha ko.

"Shhhh , tahan na. Tutulungan kita alam ko kung nasan si Kryza". ganon nalang ulet ang pagkaseryoso ng mukha nya dahil sa sinabi ko totoo namang alam ko kung nasan gf nya e.

"Ako ata ang trip mo ah! alam ko den kung nasan si Kryza kaya wag kang paulit ulit dyan!". ganon nalang talaga katigas ang paninindigan nya , kaya tinanong ko sya.

"Sige nga kung alam mo nasan sya?".

Tiningnan nya ako ng diretso.

At sinabing....

"Nasa langit".

Ganon nalang talaga ang pagkawala ng malakas kong tawa dahil yung itsura nya ay seryoso na talaga namang kala mong sya ang dehado!

"I said , h'wag mokong tawanan! di mo na nirespeto yung girlfriend ko!". napatakip ako sa bibig dahil don.

Pero kahit na ganon masaya ako dahil eto na siguro yung umpisa ng pagiging malapit namin ni Ivan.

"Basta tutulungan kita , pero".

"Pero , what?".

"Wala nang malaking pader ang nakaharang sa pagitan naten , bati na tayo?". ganon nalang talaga ang saya ko pero deep inside sobrang saket dahil para sakanila ang gagawin kong to hindi para samen.

"Sure , sorry for what i did to you". yon lang at inabot nya ang kamay nya saken , naalala ko yung scene na'to eto yung unang araw ng pagkikita namin na una akong naattract sakanya.

Inabot ko den ang kamay ko sakanya.


It's the feeling of my love , that melts my heart all the way.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••


-I love the way , u smile at me.

If u a part of my Story ⤵️

Don't Forget To Vote & Comment and Share.

Thankyou for reading , and Welcome to my Family Astrem's.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now