•••••
Habang naglalakad papunta sa kung saan , may naamoy akong sigarilyo at sa tingin ko ... ito ay tabako. Napatayo ako ng tuwid ng maisip kung kanino at saan galing iyon .. doon ko lang naalalang nasa gitna pala kami ng kagubatan at sobrang dilim.Nasa likod ko si James at nasa unahan ko si Catalina at ang kanyang grupo seryoso silang naglalakad habang ako ay hindi na mapakali sa kinatatayuan ko.
Matagal nakong nakakakita ng iba't ibang elemento , pero sa kapre lang talaga ako natatakot! hindi ko alam kung bakit! ang pangit pangit nya kasi! huhu!!!
“Sandali lang”. sabi ni Azur , huminto naman kaming lahat at napatingin din kami sa kanyang tinitingnan at yun ay sa itaas nang puno.
“Kaibigan , hindi kami kalaban ako ito si Azur at ang aking grupo”. teka sino ba kausap nya? sa taas ng puno? seriously?
Nakita kong papalapit sakin si James , inunahan ko na agad sya dahil alam ko na ang itatanong nya. “Hindi ko alam kung sino ang kausap nya”. taka nya akong tiningnan pero tinawanan ko lang sya.
“Wala pa nga e , sumagot kana agad”. kamot ulong sagot nya.
Magsasalita palang sana ako ngunit naunahan nako ni Azur. “Nais lang sana namin na dumaan saiyong lagusan papunta sa Voudevia (Bow-debiya)”. napatingin ako kay Azur , saan naman yon?. Nagtinginan kaming dalawa ni James at muling tumingin kay Azur.
“May dala kami para sainyo kaibigan h'wag kang mag-alala”. giliw na saad ni Azur. At ganon nalang ang gulat namin ng biglang lumindol!
Kaya't nagsi tumba kaming lahat , ngunit hindi pala lindol yon! dahil mula sa itaas ng puno ay bumaba ang kapre na kausap ni Azur!
“Maaari kayong dumaan sa aking lagusan ngunit sa isang kondisyon”. sagot ng kapre kay Azur ... ang laki ng boses nya at ang hangin na dumadampi sa balat namin ay hininga nya! hindi naman mabaho ngunit amoy tabako.
“Ano iyon kaibigan?”. si Azur.
“Buntis ang aking asawa ngunit gusto nya ng mangga , hindi ko alam kung saan ako makakakuha noon dahil ang prutas na nandito ay ayaw nya”. gusto kong matawa sa sinabi nung kapre , akala ko pa man din ay papahirapan nya pa kami ngunit hindi pala para lang pala sakanyang asawa ang kondisyon na iyon.
At doon ko lang napagtantong hindi lahat ng elemento ay masasama , kagaya ng kapreng to gagawin nya lahat para sa asawa nya hindi nga lang sya pwedeng magpakita sa mga tao para kumuha nito. Napangiti ako at nagtaas ng kamay
“A-ah hehe , eheeemm... ako na. Ako na ang bahalang kumuha ng mangga para sainyo k-kaibigang kapre”. kinulbit ako ni James at lumapit upang bumulong. “Are you serious Ame? gabi na mukhang wala nang bukas na bilihan ng mangga”. hindi ko sya pinansin.
“Amethyst? sigurado ka'ba? maaari naman muna tayong magpalipas ng gabi dito at bukas na bukas hahanap na tayo ng mangga”. saad ni Azur sakin , naisip ko na naman ang mga naisip nila ngunit naiintindihan ko ang buntis kaya't tumango ako.
“Oo sure ako , ahm.. ganto kasi meron akong pickled mango sa kotse ... sa bag ko. Kapag stress kasi ako yun ang kinakain ko hehe”. napa ahh silang lahat kaya pilit na ngiti nalang ang ginawad ko.
“Samahan na kita”. si Azur.
“A-ah hind-”. hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si James.
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Mystery / ThrillerAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...