Kabanata 17

106 21 0
                                    


         Nalilito , naguguluhan , at wala akong maintindihan. Wala nang katahimikan ang mga nasa paligid ko. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko sa dami nang tanong sa isip ko.

Bakit ganon? , bakit ako? anong koneksyon ko sakanila.

Sa dinadami ng tao sa mundo , bakit saken pa? hindi ko talaga alam. Parang math lang na kahit anong intindi ko ay di ko maintindihan sa pagka lutang.

Pero sabagay kahit naman sa totoong buhay hirap akong intindihin yung math na'yon hays. At sa ngayon..

Iniisip ko paren yung nangyare kanina. Hapon na ngayon ,  ang dami nang tao dahil nga huling araw na ni lola ... pero di ako makapag asikaso ng ayos dahil sa sobrang pagka lutang ang gara kase e. Iba talaga as in.

Si Kryza ang una kong nakilala bago si Ivan , saken sya humingi ng tulong para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Ivan .... na ang dahilan ay ang mga magulang nya ... so it's means handa nyang ipakulong ang mga magulang nya mabigyan lang ng hustisya yung magulang ng taong mahal nya!?

Grabe pala talaga nagagawa ng pag-ibig no? hahamakin ang lahat para makamtam mo lang ang kaligayahan dito.

What a love is? hays....

Pero ang iniisip ko ngayon , yung Mommy ni Kryza na sinasabe ni Ivan ay isang multo .... pero bakit ganon? hindi ko man lang nararamdaman dahil ba hindi ko pa nakikita yung Mommy nya kaya ganon? peroooo....

Yung Mommy den ni Ivan ay nagpaparamdam ng kusa saken kagaya nga ng kanina pero shet! uy! ang ganda ko naman para sa ganto di ako inform! di ko pa masagot lahat.

Dahil sa kagaya mong binabasa to , naguguluhan den ako sa totoo lang ..... siguro ay dahil wala pa tayo sa plot no? hmmmm.

Ano kayang purpose ko sakanila , bakit ako ang ginugulo nila? bakit ako? bakit saken?

"Hoy Ame! hinahanap ka ni mama , nandyan ka lang pala... anong ginagawa mo dyan? gabi na ah , dapat nag aasikaso ka don kase last night na ni lola Desa". dire-diretso saad ni James nang makaupo sa harapan ko , dahil nandito lang ako sa kusina mula kanina. Tinitigan ko lang sya na kanya namang pinagtaka.

"Wag mo'ko titigan ng ganyan , baka isipin kong gusto mo na din ako". mas napatulala lalo ako sa biglang banat ni James saken na ganon.

Grabe naman tong lalaking to! napaka oa! masama na bang tumitig ngayon? pssshhh!

"Ang kapal mo naman no? tumitig lang e psh! panget mo!". malditang saad ko sakanya , ngunit sya ay parang tangang naka ngiti lang...

"Nakita ko pala si Ivan kanina don sa labas , nakatulala si poging lamig .... malalim ata iniisip baket kaya no? dahil don ba sa kanina?". biglang tanong nya , napaisip ako...

Di naman siguro masama magsabi sa kupal na'to no? share ko kaya sakanya mga nalalaman ko para naman di lang ako ang may problema at hahanap ng solusyon.

Oo nga! tama! tama! sabihin ko sakanya.

"Ame , nga pala kasama nyo'ko pabalik ng Manila. Don na din ako mag aaral pumayag na si mama at papa .... inayos na nila lahat pag balik nyo mag start naden akong pumasok hehe". sabi nya ulit , kumuno't ang noo ko.

"Sino nagsabe? at baket kailangan mong lumipat?".

"Daddy mo nagsabe ... nung nalaman nyang magkababata tayo kinausap nya ako at nagtanong tungkol sayo .... marami ata akong nasabi hehe. Kaya ayun nabanggit nya ... tatanggi pa ba ako don? e gusto den kitang makita palagi". nag init ang pisngi ko , sa sinabi nya! walang hiyang bibig yan! walang preno amp! kahit na sabihin mong wala akong gusto sakanya pero pag galing sakanya kingina! lupa kainin mo na ako!. Inirapan ko nalang sya , at di na sumagot wala na naman din akong magagawa dahil pag di ako pumayag kukulitin nya ako at baka magtampo pa.

Nawala na sa isip kong sabihin sakanya ang dapat kong sabihin dahil bigla kaming tinawag ni Tita Claire para tumulong sa pag aasikaso.

Ilang oras kaming nasa ganong sitwasyon hanggang sa nakita ko si Ivan , simula nung nangyare kaninang umaga ngayon ko nalang ulet sya nakita.

Nilapitan ko sya , nilapag ko muna sa lamesa ang mga dala kong kape at umupo sa tabi nya.

"Ang lamig no?". pag papauna ko , pero di sya sumagot nakatingin lang sya sa langit.

"Ivan? mahal mo ba si Kryza?". di ko alam kung baket yun ang nasabi ko , pero yun ang laman ng isip ko. Naguguluhan paden kase ako.

Hindi ulet sya sumagot , kaya napa buntong-hininga nalang ako.

Akmang tatayo na sana ako , nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at nagsalita.

"Mahal ko si Kryza , pero simula nung nakilala kita palagi ko kayong pinagkukumpara at nasasabi kong sana ikaw nalang sya". bigla akong nanlambot sa mga narinig kong sagot nya sa tanong ko.

Psh! baket ba ako nasasaktan! wala naman akong karapatan e! mahal nya pa yon Ame! wag kang tanga!

"Pero gaya nga ng sabi ko , hindi ka mahirap mahalin Ame ... sa twing nakakausap at nakakasama kita nakakalimutan ko sya. Hindi man buong mawala nararamdaman ko para sakanya , handa naman akong ibigay lahat sa susunod kong mamahalin hanggang sa mawala yung nararamdam ko sakanya". napatitig ako sakanya , ganon din sya saken ng sabihin nya lahat ng yon .... parang may bulate sa harapan ko na nilagyan ng asin dahil sa sobrang kilig!

teka nga! baket ba ako kinikilig! nakatingin lang sya saken pero di ibig sabihin non ako na yon! okay?! tsk!

Binitawan nya ang kamay ko at tumalikod na , pumasok sya sa loob at tumulong kay na Daddy.

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan nya kanina , parang ang weird nya ngayon. Kung dati kinukulit nya ako sa mga oras na di ko sya pinapansin pero ngayon parang sumobra naman ata sa tahimik non baket kaya..

Napaupo nalang ulet ako , at tumingin sa langit..

Papa God , alam nyo po kung gaano ko kagusto si Ivan umpisa palang.. pero ayokong masaktan ko si James .

Anong gagawin ko? hahayaan ko nalang ba sila sa palagid ko? at mag kunwaring manhid huhuhuhuu!!!!

Pleaseeeee help me po! kase di ko na talaga alam!

Masaket na nga ulo ko kakaisip ng sagot sa mga tanong ko e! tapos masaket pa puso ko haysssssssssssssss!

"Iha! Ame! tulungan mo'ko dito". napatigil ako sa pag iisip ng biglang sumigaw si Tita Claire , kaya napa buntong-hininga nalang ako at tumayo.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now