Habang nag tatawanan hindi namin namalayan na nakarating na kame sa room , nagpaalam naden samin si Catalina para pumasok na den sa room nya. At nang makaalis sya ay pumasok na kami .... agad naman kaming pinagtinginan ... may nagbubulungan at kung ano ano pa , ngunit hindi ko sila pinansin dire-diretso lang akong naglakad papunta sa likod kung nasan ang upuan ko.Sakto namang pag-upo ko ... dumating na si Miss nagulat pa sya nang makita ako.
"Oh h-hi Ame , are you okay now? ... Your sister said ..... you're sick". naiilang na sabi nya , napakuno't ang noo ko pero agad ding sumagot.
"I'm okay now po Miss , thank you for concern". nakangiti kong sagot sakanya , ngunit naiilang na ngiti lang ang sinagot den nya sakin.
Nagtataka man ngunit hindi ko na iyon pinansin pa , agad naman nahagip ng mata ko ang kaibigan kong si Kleighn na kakapasok lang .... hindi naman sya napansin ni Miss kaya dire-diretso lang sya papunta saken. Ngumiti naman agad ako sakanya.
"Friend!! Mygod! ano bang nangyare sayo ha? may hindi ka sinasabe saken no? psh! baliw ka talaga!!!". bungad nya sa aken , nginitian ko lang sya at hinahanap ng mata ko si James na kasalukuyang kausap ni Miss.
"Hoy! wag mokong ngitian dyan! anong ganap ba ha? syaka baket nandito si Edrick!!!!!!! huhu!". iling-iling nalang ako sa mga sinasabe nya , dahil hindi ko naman alam kung san ako mag uumpisang mag kwento sakanya.
"I didn't know kung anong nangyare saken , pero isa lang masasabi ko .... Kleighn nakikita ko sila". agad namang nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
Napabuntong hininga nalang ako , alam kong matatakutin sya pero wala akong magagawa kailangan nya den naman malaman.
"T-teka!!! mamaya mo na nga ikwento y-yan! mag uumpisa na si M-miss oh!". utal at takot nyang sabi saken , tumango nalang ako.
At maya-maya lamang ay nag umpisa na nga den kaming magklase.. Habang patuloy sa pag didiscuss at pagdating ng iba pang teacher may napansin ako sa sarili ko...
Lagi akong nakakasagot sa mga tanong ng bawat teacher namen , na ipinagtaka den ni Kleighn. Alam nya kasing kahit alam ko ang sagot ay hindi ako mag aaksayang magtaas ng kamay para sumagot bagkus ay sinasarili ko nalang o kaya naman ay sinasabi ko sakanya ... Ngunit ngayon ay nakikita ko ang sarili ko bilang isang bida bida sa klase.
Malapit na mag break time , ngunit hindi nako mapakali kaya agad akong tumayo at nagpaalam sa lalaking guro namin.
Pumayag naman sya , kaya't pandalas ako ng takbo sa cr!. Dumiretso ako sa washing area at nag hilamos..
Ano bang nangyayare saken? baket ganto? tanong ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin.... pilit kong inaalala ang mga nakaraang pangyayare ngunit wala akong maalala tila ba burado na sa isipan ko.
Fvckkk!! i hate this feeling! ...
Napahawak ako sa ulo ko , pinupukpok na ito dahil para akong tangang pilit na inaalala lahat ngunit wala na.
"Oh , look who's here... the freaking b*tch ... at anong ginagawa mo? hahaha you look so weird". agad akong nag angat ng tingin sa babaeng nagsalita , at tama nga ako si espasol to si Mitch.... yung babaeng trying hard to being bully.
Yung tipong nasaket na nga ang ulo mo , dadagdag pa sya.
Napabuntong hininga nalang ako , at syaka dahan-dahang umayos ng tayo. At nang magpantay kaming dalawa... syaka ako nagsalita.
"You look me so weird?". tanong ko sakanya , ngumisi naman sya na akala nya kinaganda at kina-cool nya. Tsk!.
"Yes! bcoz' you're so paepal!..". mataray nyang sagot. Agad namang nag init ang ulo ko sa sinabi nya... para syang bata psh! hindi naman inaano pero nang aano.
Pag naman pinatulan ko'to para na din akong sumali sa club nilang mga bata peste!.
"Huling hirit.... wag na wag kang tatayo sa harapan ko , kung ayaw mong makita ang pagmumukha mong nakakaawa sa pagiging trying hard bully!.... Tabi!!! mga peste!!!". at don ko nga tinapos ang usapan namin , talagang sinundan pa ako sa cr no? mga walang magawa sa buhay.
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila basta nalang akong umalis ... naisipan kong pumunta sa palagi kong pinagtatambayan ... sa likod ng room namin.
Habang tinatahak ang daan papuntang likod ng room sa may bandang dulo. Agad akong may naramdamang kakaiba na parang may sumusunod saken.. Hindi ito isang multo dahil alam ko ang presence ng isang kaluluwa na.
Pero habang nag iisip at nag mamasid bigla akong may nabunggong lalaki!
Alam nyo na kung sino! syempre si Ivan!
"Wth?". pero hindi sya sumagot o gumalaw man lang... bigla nalang may humawak sa kanan at kaliwa kong braso na talaga namang kinagulat ko!..
Agad akong nag pumiglas , sisigaw na sana ako p-pero!
"Wag mo nang tatangkaing sumigaw haha". sabi ng isang lalaki sa likod ko , madami kase sila.. si Ivan nasa unahan may nakahawak sa kaliwa't kanang braso ko at may nasa likod ko.
Kaso ang tanong.... kikidnapin ba nila ako? putcha mare! hindi na nila kelangan ng pampatulog kase etong nasa likod kong lalaking nag sasalita .... ANG BAHO NG HININGAAA!!! BWAKANANGSHET!
Pigil hininga kong hinila ang mga braso ko sakanila at sabay ikot ng nakaupo para di nila ako mahawakan pa!.. Walang tao dito sa part ng likod ng room namin hindi kami kita dito kaya ganto nalang kalakas ang loob ng mga to.
Hindi lang ako makapaniwala na tropa ni Ivan tong lalaking mabahong hininga! grabe walang wala naba sya?!
Sakto namang ihahampas sana nung lalaking humawak sakin yung isang tubo nang biglang nagsalita si Ivan ... waw naawa pa ha!.
"Tama na'yan , wag mong lagyan nang dugo yang tubo na yan. Para don yan sa isa". seryosong saad nya at biglang umalis.
Nagsitigil naman silang lahat , at maangas na tumingin saken at sumunod kay Ivan.
Inambaan pa'ko ng isa pero , binatukan ko sya kaya agad syang tumakbo.
"Mga buset! panira ng araw". iritang saad ko , habang nag papagpag ng damit.
Ngunit pag talikod ko ay nagulat ako kase nandito pa yung lalaking mabaho ang hininga!!!
"Oh ano pang ginagawa mo dito? ayun na yung mga ka team mo!".
"Ang ganda mo pala no? at angas mo". nakangisi nyang sabi saken... pero pinag kunutan ko lang sya ng noo at sinabing....
"Shut the fvck!!". sigaw ko sakanya , at kinuha ang wallet ko na nasa blacer. Kumuha ako ng bente at inosenteng inabot sakanya.
"Tsk! anong gagawin ko sa bente mo?". ako naman ang ngumisi sa tanong nya...
"Bumili ka ng toothbrush , dalawahin mo kung kasya ... ang baho kase ng hininga mo!". mataray kong saad sakanya at inirapan sya... binigay ko naman sakanya yung bente... kita ko sa mata nya na nahihiya at gulat. psshhh!!
"H-hoy!!!".
Ngunit hindi ko na sya pinansin pa , babalik nalang ako sa room. Para mawala ang masamang simoy ng hangin..
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Misterio / SuspensoAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...