Kabanata 5

134 31 0
                                    


"Please Ame , tulungan moko magpapagaling lang ako babalik ako promise ....not now but gagawin ko..... please help me ikaw lang makakatulong saken. After that i can help you too".

Parang sirang plakang paulit-ulit sa tenga ko ang mga sinabi ni Kryza kanina bago ako umalis , totoo naman kayang tutulungan nya den ako pag galing nya?

Nakahiga nako ngayon at nag iisip , di pa ako nakaen at nagpapalit ng damit basta nalang ako humiga dahil sa sobrang pagod.

Baket ko ba sya kelangan tulungan? baket ako?

Maniniwala ba ako sa isang multo? hays.

Napabaligwas ako sa pagkakahiga ng marinig ang malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Di pa man ako nakakatayo ng ayos bumungad na saken ang isang malakas na sampal.

"Tarantada! wala ka talagang kwenta kahit kailan! oras ba ng uwi ng matinong babae to ha Amethesya!".

Pagkatapos ng isang malakas na sampal , yan na ang kasunod .

Hindi ako makasagot o makagalaw man lang dahil napakasakit ng pagkakasampal saken ng step mother ko.

Oh yes! step mom ko lang sya , dahil di ko na alam kung nasan ang totoong Mommy ko.

Bata palang ako wala nakong nakasamang ina nag alaga saken hanggang ngayong paglaki ko. Tanging lola lang ang nakasama ko.

"Ano Ame? ganyan ka nalang? isusumbong kita sa Daddy mo bukas! walang kang kwenta!". sigaw na naman nya , at dali daling lumabas ng kwarto ko.

Pag kaalis nya don palang ako nakahinga at nakagalaw ng ayos.

Bumukas muli yung pinto ... pumasok sina ate Glenda at ate Gema sila yung kasama kong mga maids. Lima kami kaso yung dalawa diko close si Saly at Nami.

"Ame , iha ayos ka lang ba? jusko iha san ka naman ba kase nanggaling nag text kami sayo mga bandang alas dyes ata yon.... diba gema". bungad saken ni ate Glenda , kitang kita ko sakanila ang pag alala pero wala naman akong magagawa dahil halos araw araw may eksena yung step mother ko sa buhay ko.

"Oo nga Ame , nakailang text at tawag kami sayo kanina ... nabawasan pa nga ipon ko para makapag paload e kaso di ka sumasagot sa tawag namin ... kanina kapa hinahanap ni Madam". dagdag ni ate Gema , malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumingin sakanila.

Ngumiti ako at nag thumbs up , para sabihing okay lang ako pero maya maya lamang biglang nag init ang mga mata ko.

Kinuha ko yung cellphone ko , at inabot sakanila.

"Hoy A-ame? ano naman gagawin namin dito sa cellphone mong sira?". sabi ni ate Glenda sya kase ang kumuha.

Napatawa ako sa inasal nya "Ano pa ba? edi itapon... ayaw na magbukas e". yon lang at humiga na ako tumalikod ako sakanila dahil nag uumpisa na akong lumuha..

Oo nasira nga yung cellphone ko kanina habang tumatakbo papauwi kaya di ko na nabasa ang mga text nila at di ko nasagot mga tawag nila.

"Ame , labas na muna kami ah puntahan mo lang kami sa kwarto namin kung kelangan mo ng kausap ah". sabi ni ate Glenda.

"O-opo". yon nalang naisagot ko.

Narinig ko ang pag lapat ng pinto , senyales na nakaalis na sila.

At don ko nalang naibuhos lahat... ang luha kong kanina pang gustong lumabas.

tangina , ako ba'to? may mali e ang hina hina ako ngayon samantalang hindi lang naman to yung araw na sinampal nya ako at pinamukhang wala akong kwenta.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now