Habang pabalik ng room , ayun na naman ang pakiramdam na may sumusunod sayo... pero maya maya lamang ay alam ko na kung sino ang nakamasid saken.Nawala lang ang tensyon sa pagitan namin ng biglang tumunog ang bell .... senyales na tapos na ang klase at break time na. Sumandal ako sa may pinto at hinayaan ang mga kaklase kong mag si labas muna bago ako tuluyang pumasok.
At nang maka labas na lahat , ay syaka ako pumasok ... kaming tatlo nalang nina James at Kleighn nasa loob ....
"Huy! bakit ganon? ang daya nyo naman e! hindi ko alam nangyayare! tapos bigla nalang sumulpot tong si Edrick!! kwento nyo saken dali! makikinig ako!".
Nagka tinginan kaming dalawa ni James at ginulo naman ni James ang buhok ni Kleighn. Kita ko sa mata ni Kleighn ang galak sa ginawa ni James sakanya.
Nga pala di ko nabanggit , si James at Edrick ay iisa dahil ang totoong pangalan nya ay James Edrick Herson. Pangalan palang ang gwapo na what if makita mo pa diba.
Napakuno't ang noo ko sakanila , at maya maya lamang ay tumingin saken si James ... nagulat ako sa bigla nyang pag lingon saken... umayos lang ako ng tayo syaka sumenyas na lalabas muna dahil alam kong madami silang pag kwekwentuhan.
Tumalikod nalang ako at hindi ko na sila pinansin pa , basta nalang akong umalis at pupunta ngayon sa cafeteria dahil nagugutom nako!.
Habang naglalakad natanaw ko sa field si Ivan , mag isa lang sya. Lumingon pa'ko sa paligid ngunit wala masyadong estudyante nasa cafeteria halos karamihan sakanila.
Nagpasya akong puntahan sya , nilagay ko lang sa bulsa ng blacer ko ang mga kamay ko at chill na naglakad patungo sakanya.
Ngunit bago pa man ako makarating sa kinauupuan ni Ivan , ay nahagip ng mata ko si Kryza na nakatingin saken ....mukha syang galit na galit kaya't inirapan ko lang sya at nagpatuloy kay Ivan.
"Bakit ka nandito? at bakit mag isa ka lang? nasan mga kasama mo?". sabi ko nang makarating sa pwesto nya , gulat naman syang tumingin saken at biglang sumeryoso.
"Sinabi ko bang sumunod ka dito?". maangas na tanong nya saken , nginisian ko lang sya at sinabing...
"Wala ka ngang sinabi , pero feeling ko obligasyon kong puntahan ka". kumuno't ang noo nya.
"Wala kang obligasyon saken , kaya umalis kana! magsama kayo ni James!". seryosong saad nya , mas lalo akong ngumisi.
"Nagseselos kaba? haha dahan dahan ka sa mga sinasabe mo , at baka mag selos den ang girlfriend mong multo".
Nagbago bigla ang postura ng mukha nya nang sabihin ko yon .
"N-nandito si Kryza?". umayos ako ng tayo , at tumango sakanya.
"Oo nandito sya , at binabantayan ka nya". bulong ko sakanya at tinapik ang balikat nya.
Hinayaan ko nalang na marealize nya ang sinabi ko , at iniwan sya don dumiretso ako kung nasan si Kryza.
Hindi naman ako nagkamali na puntahan sya , dahil alam kong hindi sya aalis hanggat di ako nakakausap.
"Ang kapal den naman ng mukha mo'no?". paunang saad nya nang makaharap ako sakanya.
"Sinisira mo ang usapan naten!!".
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Wala akong sinisira Kryza , ikaw ang sumira sa kung anong usapan meron tayo".
"Kaya mo lang naman ginagawa to para pag takpan mga ginawa ng magulang mo sa magulang ni Ivan diba?".
"Ayaw mong malaman ni Ivan ... na magulang mo ang may pakana nang lahat to diba? sa tingin mo ba , hindi rin sya magagalit sayo kapag nalaman nya na alam mo yon?".
"The heck! Kryza! ... matalino kang tao pero ang tanga mong gumawa ng plano! nag uumpisa ka palang sa plano mo alam ko na agad kung san to patungo".
"Ano bang pinagsasabe mo Ame! Umo-o ka sa plano ko diba! bakit ka ganyan ngayon?!". galit na sigaw nya saken.
"Oo! Umo-o nga ako sayo , dahil hindi ko alam kung ano ba talaga plano mo! sinabi mo lang saken na tulungan kita dahil ganyan ... ganon! such a b*tch Kryza ... hindi ka nag iisip. Ngayong alam ko na sapalagay mo ba papayag akong mag tagumpay ka? then fvck u! go to hell!". galit ko din sigaw sakanya , tinalikuran ko na sya at dali-daling umalis ngunit di pa'ko nakakalayo ng sumigaw ulet sya...
"Yes Ame! Both of us are go to hell! hintayin mo pagbabalik ko! lahat mawawala sayo!". napatigil ako sa paglalakad at humarap ulet sakanya , ngunit wala na sya.
Tf? anong ibig nyang sabihin!?.
Nag papadyak ako sa inis dahil sa huling sinabi nya , huminga ako ng malalim at umalis kung san kami nag usap ni Kryza sa likod ng puno na malayo layo sa pwesto ni Ivan kanina.
Wala ako sa wisyo ng makarating ako room , akala ko ay nandito pa sina James ngunit wala na sila.
Hindi ko na sila pinag aksayahang hanapin pa , dahil baka mabadtrip lang ako kase alam kong magkasama sila.
Sumandal ako at pinikit ang mga mata ko , pero biglang nag echo lahat ng sinabi saken ni Kryza kanina.
"Yes Ame! Both of us are go to hell! hintayin mo pagbabalik ko! lahat mawawala sayo!".
"Yes Ame! Both of us are go to hell! hintayin mo pagbabalik ko! lahat mawawala sayo!".
"Yes Ame! Both of us are go to hell! hintayin mo pagbabalik ko! lahat mawawala sayo!".
"Fvck!". sa pag sigaw kong yon , biglang dumating si James at Kleighn.
"Ame! Friend ... ano ba! kung saan-saan ka namin hinahanap nandito ka lang pala. Saan kaba nagp-".
"Shut up". pigil ko sa sasabihin nya , dahil nakita kong nakahawak pa sya sa braso ni James!
Buset! Ame ano ba! nagseselos kaba?! tigilan mo yan! Mag focus ka sa mga gagawin mo! at paghandaan mo yung sinasabe ni Kryza!!!.
Huminga ako ng malalim , at tiningnan si Kleighn mukhang naguguilty sya sa ginawa nya bumitaw naden sya kay James at umupo nalang sa tabi ko.
Hinawakan ko naman balikat nya , at sinabing..
"Sorry , pagod lang ako". ngumiti naman sya at niyakap ako.
Potek ang hirap naman neto! kaibigan mo magiging karibal mo!!!
Aisssshhh!!!!!
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Mystery / ThrillerAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...