Nang matapos ang klase dumiretso ako sa palagi kong tinatambayang puno sa likod ng building namin. Ang daming nangyari ngayong araw na'to pagod nako at pagod na din ang utak ko letseng math yon pinasakit ulo ko dagdag mo pa yung ginawa ni Ivan kaninang umaga hayssss.Huminga ako ng malalim , kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong mauwi to sakit.
Nakasandal ako ngayon sa puno , magka krus ang mga braso at direstong nakatingin sa isang lalaking paparating. Dahil malabo ang mata ko di ko talaga maaninag kung sino sya. Pero nang papalapit ng papalapit don ko napagtantong si Ivan yon.
Speaking off!Ano naman kayang kailangan ne'to saken? tsk
Pumikit nalang ako para di ko na sya makita pa at matutulog nalang sana pero wala pa mang seconds ang pagpikit ko ng pitikin nya ang noo ko.
Wth? ano bang problema ng lalaking to!
Oo gusto ko syang makita , makasama pero pagod ako ngayon wala akong gana.
"Aray!!! ano ba ha! ano bang problema mo?! nananahimik ako dito at kita mong nag papahinga yung tao!". angal ko sakanya , ayoko syang sungitan dahil baka layuan nya ako dahil sa pag iinarte ko pero di ako nag patinag kuno't parin ang noo ko habang nakatingin sakanya.
"S-sorry kanina , ayoko lang kasing binabastos ka sa harapan k-ko dinalhan kita ng favorite mong fries at moo sana magustuhan mo. A-alis nako ah sorry ulet naistorbo ko pahinga mo syaka kainin mo yan ah". natulala ako sa nilapag nyang pagkain sa harapan ko isang malaking fries at malaking moo grabeeee! busog na busog ako neto!. nakayuko lang sya habang sinasabe yon.
Nasagi nya yung paa ko , don ko nalang namalayang aalis na nga sya pero di ko sya pinigilan. Nakatingin lang ako sa likod nya habang papalayo sya ng papalayo sa akin.
Ay oo nga pala , alam ko na dahilan kung bakit nya ginawa yon. Eto naman kasing si poging lamig cute sana jusko manyak naman! abay pinagsasave pic ko don sa cellphone nya then pinagnanasahan daw umamin naman sya at ayun nga nalaman ni Ivan kaya binugbog nya.
Ang pogi pa naman sana non tsk.
~KrOookk~
Wag ako! tunog yan ng tyan na gutom! huehue.
Napahawak ako sa tyan ko ng tumunog yon , napatingin muli ako sa dalang pagkain ni Ivan yes favorite ko nga'to napansin nya kasing yon palagi ang bitbit kong baon pag magkasama kami kulang nalang daw maging patatas nako e.
Binuksan ko yung plastic at kumuha ng fries mukhang bagong luto pa dahil mainit init pa , nakakagutom naman talaga ngayon araw na'to pero sabagay di naman ako nag umagahan sa pag mamadali dahil kasabay kong pumasok si Catalina ewan ko ah? pero parang bumait na sya ngayon di na kagaya noon. Hindi na nya ako sinusungitan at talagang gustong gusto nya yung lugaw ko at eto pa pinapasabay nako sa pagpasok.
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Mystery / ThrillerAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...