T'DUP Kabanata 21

95 22 0
                                    


              Matapos ang isang linggong pamamalagi namin sa Cebu , nandito na ulet kami sa Manila. At matapos ang dramahan namin ni James nang hapong 'yon ... ay hindi ko pa sya nakakausap samantalang kasama namin sya dito sa Manila at nasa iisang bahay lang kami. Pero ayun sya iniiwasan ako simula nang makarating kami kanina.

Pag katapos ng libing , at pag kauwi ng mga natirang bista naglinis lang sina Tita Claire at nag impake na kaming lahat. Umalis kami ng madaling araw at nakarating kami kaninang 10 am. Friday kase kahapon mas pinadali na ni Daddy ang pag papalibing kay Lola para makabalik na kami dito sa Manila dahil may business trip sila ni Mommy Zoey.

At mamaya na ang alis nila , 2weeks silang wala dito sa bahay.  Kaming tatlo lang nina Catalina at James ang maiiwan dito pati mga maids.

Sabado ngayon , at pag dating ng lunes makikita ko na ulet ang buong University. Namiss kong pumasok kamusta na kaya sina espasol? hahaha. wtf! oonga pala paniguradomg may welcome back surprise / bully na naman ako don pag pasok pshhh!!.

At habang nagpapahinga sa loob ng kwarto di ko namalayan ang oras. Pagtingin ko sa relo 3pm na nang hapon aalis na sila Daddy!. Agad akong pumunta ng cr para maligo , at nang matapos kinuha ko yung bago kong dress... color yellow sya at may ilang bulaklak sa gilid bigay to ni James saken sana matuwa sya pag nakita nya na suot ko'to.

Dali-dali akong bumaba , pero nakasalubong ko si Daddy sa may hagdan.

"Oh Ame , wow nice dress". si Daddy. Napangiti ako sana si James den mapansin nya!.

"Aalis napo ba kayo?". pag iiba ko ng usapan.

"Yes beautiful". napatingin ako sakanya dahil sa tono ng pananalita nya ay parang nanunukso!.

Nag init agad ang pisngi ko at hinawakan ito.

"Daaaad! , i'm asking you if you both leaving na! don't tease me". napatawa si Daddy samantalang ako hiyang hiya! dahil baka marinig ni James mga sinasabe nya.... kung ano pa isipin non isa ding assuming yon e.

Pero nga naman , ibang iba talaga tumay-ming ang pag-ibig akalain mong biglang sulpot sa gilid namin ni Daddy! nagmano sya at bumati.

"Hi Tit-". hindi na nya natuloy ang kanyang sasabihin ng mapatingin saken , nagkatitigan kaming dalawa at bumaba ang mata nya sa dress na suot ko.

Agad akong nanlambot sa di malamang dahilan para bang ang mga titig nya ay hinihigop ka!..

At nang mapagtanto kong wala saken ang paningin nya , don ko lang den sya natitigan! ang pogi! grabe lalo na sa suot nyang plain tshirt na black at may kaigsiang short na uso ngayon sa mga lalake.

Jusko! masamang tao naba ako? kung iisipin kong.....

"Anak".

Mulo ulo hanggang paa , tiningnan ko si James ang linis nyang tingnan. At ang gupit nya jusko! talagang masasabi nyong ibang klase! i didn't know kung anong tawag sa gupit na'yon e haha.

A/N , Ps .. But if you know Tantan Luceno? he is tiktok influencer ... parang nafefeatured ko sakanya personality ni James and ganon den ang gupit kindly check her tiktok acc for out imaginations haha. (hindi pa po uso tiktok noon , i'm just saying lang po na nakikita ko sakanya yung gusto kong James in this story)...

"Anaak". napaayos ako ng tayo sa sigaw na ni Daddy , pero tawa-tawa lang sya ng mapagtantong nakatulala ako kay James.

"Haha , i knew it... Btw. i'll go na .. Iha kindly check your sister everyday okay? you're Mommy is in the car na ... hindi na sya bumaba kase malalate na kami sa flight. Alam mo naman yon makikipag chickahan pa yon if ever na magpaalam sainyo haha". napatawa ako , totoo kase sinabi ni Daddy ... nalalate sila lagi gawa ni Mommy Zoey hilig magkwento for their business bago umalis..

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now