T'DUP Kabanata 23

87 21 0
                                    


"So kaya pala kilala mo si kuya Ivan ..... dahil lang sa favor ni Kryza?". narinig ko ang tanong ng kapatid ko , ngunit hindi ko magawang magsalita .... dahil dito sa babaeng nakatayo sa di kalayuan samen.

*Imaginary Purposes*

Puting puti ang kanyang kasuotan , at mahaba ang kanyang buhok.

Hindi pa malinaw saken ang iba pa nyang awra dahil wala akong suot na salamin ngayon.

Tumayo ako para puntahan ang babaeng iyon.

Naririnig ko ang mga tawag .... na tila nag aalala , marahil ay si James at Catalina lang yon.

Ngunit wala akong balak lingunin sila , seryoso lang akong nakatingin sa babaeng nakatayo.

Dahan-dahan lang akong naglakad hanggang sa malapit nako sakanya.

Huminto ako at akmang kakalabitin sya .... ngunit bigla syang humarap saken! at mabilis akong sinakal!

Kung gano ka puti ang suot nya , kabaligtaran non ang mukha nya! sobrang itim! matatalas na ngipin! at ang mga mata nya nanlalaki na! at halos lumuwa na ito saken!.

Bukod don matutulis den ang kanyang kuko , na talaga namang bumabaon sa leeg ko dahil sa pagkakasakal nya saken!

"B-bitawa-an m-moko!". hingal na saad ko!. Ngunit ayun sya nagagawa pa nyang tumawa.

"Hindi kana dapat nangealam! Mamamatay ka den! .... pero bago ka nya patayin ... babalaan ko na sya! hindi sya magiging masaya kapag pinatay ka nya!". ganon na lamang katalas ang mga tingin nya saken! Naguguluhan man ako sa mga sinasabe nya ngunit tinatagan ko ang loob ko!.

Buong pwersa ko syang tinulak at maya maya lamang ay nawala sya!

Usok na lamang ang tanging nakikita ko , kasabay ng mga usok ang pag bigat ng talukap ng mata ko.

Hanggang sa nakita ko na lalo ang dilim.....

Sunday , 12 am.

"Ate , did you hear me na ba?". may narinig akong boses na parang umiiyak....

"Wala pa rin ba syang malay?". tanong nang isa pa , nabobosesan ko sya ... pero kapag napapaisip ako sumasakit ang ulo ko.

Gising na ang diwa ko ngunit ayaw kumilos ng katawan ko.

"Gising na sya , nararamdaman ko. Alam kong naririnig na nya tayo". sabi ng isa pa.

"H-how po? parang wala pa ren naman po syang malay e". si Catalina.

"Ay nako , mga bata pa talaga kayo. Gagawa-gawa kayo ng ganyan ngunit hindi ninyo kayang mapanindigan".

"I'm sorry yaya , but hindi namin ginusto yon. Nakita nalang namin si ateng bumagsak after nyang tumayo".

"Ate Glenda kumalma ka , hayaan mong ipaliwanag ko kay Catalina ang nangyare sa ate nya".

Taimtim lang akong nakikinig sa usapan nila , nakakagulat man pero parang halos lahat kami sa bahay ay may alam sa mga multo.

"Ate Gema? how did you know po?".

"Mahabang kwento iha e , basta".

"Ah okay po".

"Okay ganto yan Catalina , yung nangyare sa ate mo is Premonitions".

"Parang ngayon ko lang narinig yan ate Gema". si James.

"Ngayon lang talaga , lalo na sa mga batang kagaya nyo na makukulet inaalam nyong lahat ang tungkol sakanila ngunit hindi nyo inaalam ang epekto nito sainyo".

"Ituloy mo na Gema". si ate Glenda.

"So yun nga , Premonitions.... para sa mga kagaya nyong di pa alam to. May dalawang uri ang Premonitions ... ito yung nananaginip ng gising at nananaginip ng tulog".

"Yung nangyare sa ate mo , nanaginip sya ng gising based sa kwento nyo. Sa sobrang hallucinate nya sa isang bagay.... may mga pumapasok tuloy sa isip nya na negative .... at yung nangyare sakanya don sa panaginip nya is totoo".

"Don naman sa nananaginip ng tulog , normal sating mga tao yon .... pero ibahin nyo sa taong na comma na".

"Pero bakit nawalan ng malay si Ame?". si James.

"Marahil ay may kumausap sakanya don sa panaginip na ikinaubos ng lakas nya... kaya ganon".

"Eh yung sa na comma yaya , pano yon?". Catalina.

Bumukas lalo ang interes kong makinig sa kwentuhan nila , sa nangyare saken.

"Alam nyo ba ..... tayong mga tao deserve talaga ng second chance... pero hindi yung tipong sinaktan ka na nung una ....... is bibigyan mo pa ulet sya ng isang pagkakataon pa para saktan ka ulet .... hindi ganon...".

"Dahil kagaya ng pagpapatawad ng ate mo sa Daddy ninyo, may second chance den tayo para mabuhay...".

"But yaya , how? is it after life?".

Napatawa si ate Gema sa tanong ng kapatid ko , totoo lahat ang sinasabi ni ate Gema pero hindi after life ang tawag sa taong na coma. Marahil ay naglalakbay lang ang kaluluwa nito at may inaantay para muling makabalik.

At ang tawag don ay Premonitions , kung san makikita mo ang anghel na gumagabay sayo at maghahatid sayo hanggang sa huling hantungan . Kakausapin ka nila at itetest kung handa kana ba talagang mawala sa mundo.

Totoo naman na... ang diyos ang kukuha sa buhay mo dahil sya rin ang nagpahiram sayo nito , mapagpatawad ang diyos satin.... tayong mga tao lang talaga ang abusado.

Kapansin-pansin naman na... kung sino ang mababait or kung sino pa yung may puso sya ang maagang sumasakabilang buhay.... ngunit lingid sa ating kaalaman na lahat ng maagang namamatay ay tapos na ang kanilang misyon sa mundo. At ang mga masasamang tao ay binibigyan pa ng diyos ng pagkakataon mabuhay para magbago.

"Ganon pala yon , pero pano po magkakamalay si Ame?". tanong ni James.

Oo nga , pano kaya ako magkakaroon ng malay nito? kung parang binangungot pala ako.

"Wag kayong mag alala , kung anong oras sya nawalan ng malay ganon den ang pag gising nya". ha? teka anong oras nga ba ako nawalan ng malay non? anong date naba ngayon? aisshhhh.

Pero sa ngayon , wala akong nararamdaman na kahit ano gising na gising ang diwa ko ngunit ang katawan ko ay ayaw magsikilos.

"Catalina iha , eto ipakain mo sa ate mo pag ka gising nya". hindi ko alam kung ano yon , pero hindi den ako nakakaramdam ng gutom.

"Okay po , kami napo ang bahala kay ate thankyou po yaya".

"O sya sige , James mauna na kami sainyo ah
.... tawagin nyo nalang kami pag may kailangan kayo".

"Opo salamat po". si James.

"Haysssss!". buntong hininga ni Catalina.

"Lalim nyan ah , ..... hmmm pero ibig sabihin ganon pala ang nangyare kay Kryza?  ..... na coma sya tapos naglalakbay lang yung kaluluwa nya?". paliwanag ni James.

"Siguro nga ganon , but i didn't know talaga .... na yung bestfriend ko ang tinutukoy nyo .... hindi ko man lang sya maramdaman bakit kaya?".

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now