Kabanata 16

113 23 0
                                    


~Kringggggg-Kringgggg~

(Tunog nang cellphone yan! wag kang ano haha).

Napatigil kami sa pag-iisip ni Ivan nang biglang may tumunog , kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong dalang cellphone napatingin ako kay Ivan sakanya pala yon.

Dali-dali nyang kinuha ang cellphone sa bulsa nya at sinagot ito.

"Anak nang! Hoy! poging lamig nasan ka ha? kasama mo ba si Ame hinahanap sya ni Mama ,.. tsk babaeng yon! hindi sinasagot tawag ko!". napatingin sakin si Ivan , si James yung tumawag niloud speak nya kaya dinig na dinig ko ang sinabe nya.

Umiling ako at sumenyas na wala akong dalang cellphone.

"O-oo k-kasama ko sya , nagpapahangin lang kami". sagot ni Ivan.

"Ano? nagpapahangin bulag kaba? o baka naman bingi!? naulan oh! Tsk! bumalik na kayo dito!". yun lang ang at binaba ang linya.

Tawa-tawa naman akong nilingon ni Ivan. "O-oh? baket? anong nakakatawa?". takang tanong ko sakanya. "Ang init palagi ng ulo saken ni James , nalamangan ko lang sa kagwapuhan palagi nakong inaaway haha".

Napatawa ako sa sinabe nya , pansin ko den naman. "Ah , haha hindi kase sya sanay na may kaclose pa akong ibang lalaki bukod sakanya". nawala bigla ang ngiti sa mukha nya napaltan ito ng seryoso. "May gusto sayo si James no?...A-ah pero kahit di ko naman itanong halata sakanya na may gusto sya sayo". Napabuntong hininga nalang ako.

Ano bang dapat kong isagot?

"N-nako lika na , baka hinahanap na tayo". yun lang at tumayo nako at nagpaunang maglakad.

Ang bilis ng tibok ng puso ko , tama ba yung nakikita ko sa mga mata nyang lungkot? nung sinabi nyang may gusto saken si James?

May gusto kana rin kaya saken? hmmmmp.

Palihim ko syang tiningnan , seryoso at diretso lang syang nakasunod saken.

Gusto kong pigilan yung nararamdaman ko sayo Ivan , kaso mukhang tadhana na talaga ang naglalapit palagi satin.

Iling-iling nalang akong nagpatuloy sa paglalakad..

Ilang minuto lang ay nakarating na agad kaming dalawa sa bahay , agad naman kaming sinalubong ni James na salubong na salubong ang mga kilay! taka ko syang tiningnan pero napako ang tingin nya kay Ivan!.

"Hoy! poging lamig!". maangas ngunit bakas ang galit na saad ni James. Tiningnan lang sya ni Ivan na para bang isang bagay lang syang walang kwenta. "Not now , i'll take a rest". malamig nyang sagot kay James at tinalikuran na kame. Taka naman syang sinundan ng tingin ni James at bago tumingin saken.

"Anong nangyare don?". sabi nya , napailing nalang ako at umupo. Binigyan naman nya ako ng tuwalya at habang nag pupunas. Biglang nagsalita si James.

"Ame?".

"Mmmm?".

"Alam naba ni Ivan?".

"H-ha? ang a-alin?". maang-maangang tanong ko sakanya , inirapan naman nya ako tsk baklaaaa!.

"Yung tungkol sayo! sa mga nangyayare sayo!".

Napabuntong hininga nalang ako. "Oo alam na nya! , t-teka nga! wag mo'ko sigawan dyan! makasigaw ka dyan para kang babae!". iritang sagot ko , nag peace sign naman sya saken pero inirapan ko lang sya.

"Oh e pano mo sinabe? anong sabi nya?".

"T-tsk! ano namang sasabihin nya! diba nga kasama natin sya nung nandon tayo sa kubo hindi na sya dapat magulat".

"Sabagay , alam mo? may something dyan kay Ivan e. Hindi ko lang alam kung ano yon basta meron". nakahawak pa sya sa baba nya ng tila nag iisip , napatingin nalang ako sakanya at binigyan sya ng wtf look?.

"Wag moko tingnan ng ganyan , malalaman mo den yon!". seryosong saad nya , at umalis sa tabi ko tatanungin ko palang dapat sya kung ano ba yon kaso nilayasan na nya ako kaya sinundan ko nalang sya ng tingin at napa buntong-hininga.

Ano naman kaya yon? malakas naman akong makaramdam pero baket wala akong nararamdamang iba sakanya kundi pagmamahal.

"Oh Ame! iha! nako! kanina pa kita pinapahanap kay James e! .. San kaba galing ha?". bumalik lang ako sa ulirat ng magsalita si Tita Claire sa likuran ko galing syang kusina.

"A-ah tita sa labas po hehe".

"Ano ba yan! basang basa ka! hindi ka man lang binigyan ng tuwalya ni James nako hayaan mo iha... hindi makakakain yon mamaya". napatawa nalang ako sa sinabi ni tita at kinuha ang tuwalyang binigay nya.  Kinuha na kase ni James yung tuwalya bago sya umalis kaya akala ng mama nya wala syang binigay saken.

Nagpunas nalang ulet ako at ininom yung kape na inilapag nya sa harap ko bago sya umalis.

Habang umiinom ng kape , tumayo ako at pumunta sa may bintana. Makulimlim na kalangitan , malakas na ulan , malamig na hangin , putik na daan. Ilan lang yan sa mga nakikita ko ngayon sa labas ng bahay namin.

Habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan , may naaninag akong kakaiba sa may puno medyo malayo sya at malabo ang mata ko at gawa na ren ng ulan kaya hindi ko maaninag.

Siningkit ko pa ang mga mata ko upang makita ng ayos , pero napahinto ako sa balak na pag inom ulet ng kape dahil biglang may humila saken at sinenyasan akong wag maingay.

"I-ivan? a-anong ginagawa mo?". pabulong kong saad sakanya , pero kita ko ang pagkabalisa sa mga mata nya.

"N-nakita mo sya?". kabadong tanong nya saken na talaga namang pinagtaka ko!.

Napatingin ulet ko sa may bintana , ngunit wala na yung nakita ko kanina pero ganon nalang gulat , talon at sigaw ko nang makaharap kay Ivan! dahil nasa tabi nya! yung babae! nakayuko! basa! basang-basa!

"A-ameee?". aligagang sigaw ni tita Claire sa pangalan ko , marahil ay narinig nya ang sigaw ko. Napatayo din si Ivan at inalalayan ako!

"S-sino ka!? b-baket ka nandito! anong kailangan mo!". malakas na tanong ko sakanya!.

Pero eto na naman ang bagong gulat sa mga mata ko ng bigla syang tumawa nang nakayuko! tawang hindi mo gugustuhing marinig! nakakarindi! ang saket sa tenga!

"HA-HA-HA-HA-HAAAAAAAAAAAAA-HAA-HAHAHAHAHAHAHA".

"A-ah!". si Tita Claire.

"H-hoy A-me! wag ka ngang kumanta dyan ang panget ng boses mo!". si James pero hindi ko magawang tingnan sya dahil sa sakit na dulot ng tawa nang babaeng nakita kong nakatayo sa may puno kanina!

"HA-HA-AHAHAHAHAHA-HAHAHAHA-HA-HAHAHA".

"S-sa ngalan n-ng A-ama ng anak". dasal ni tita Claire , at parang unting unti nawawala ang malakas na tawa ng babae.

"HA-AH-HA-HA-HAaaaaaaaa".

At nang tuluyang mawala ang malakas na tawa ng babaeng yon , at pare-parehas kaming naghahabol hininga.

Pero kahit hingal na hingal , pinilit ko padin magsalita upang tanungin si Ivan!.

"I-ivan s-sino sya?". pero ubo-ubo lang sa tabi ko si Ivan , napapikit sya bago tuluyang magsalita.

"S-si m-mama , s-sya yung tunay k-kong i-ina aAhhh".

Para akong nawindang sa bago ko na namang nalaman , gulong gulo na isip ko! ano paba meron pa ba?

Kase kung oo! ang saket nyo sa u-ulo napapagod na utak ko kakaisip kelan ba masasagot mga tanong ko!?

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now