Kabanata 15

107 22 0
                                    


            Nagising ako sa init na nag mumula sa paanan ko , gising na ang diwa ko ngunit ang katawan ko ay ayaw pang kumilos. Ramdam na ramdam ko ang init pero parang wala akong pakialam inaalala ko paren ang mga nangyare noong nakaraang gabi. Nawalan daw ako ng malay pagtapos non , ngunit di lahat ay natatandaan ko. Nag alala ako sa kung ano pang pedeng mangyare sa susunod na mga araw kaya kailangang makaalis na kame dito.

Huling gabi na ngayon , paniguradong mas maraming tao ngayon kesa nung mga nakaraang araw. Bumangon ako at uminom ng tubig. Nag stretch- stretch ng konti at kumuha ng towel at dumiretso sa banyo.

Habang patuloy sa pagdaloy ng tubig sa aking katawan , iniisip ko kung ano nga bang posibleng maging dahilan kung baket umaabot sa ganto ang lahat. Dahil kung ako ang tatanungin , maayos naman ako noon at tahimik ang buhay ko nung lumipat ako sa Manila at yun nga ay sa bahay ng Daddy ko. Nakakapag taka lang na simula nang makilala ko si Kryza at Ivan kung ano ano nang mga nararamdam at nangyayare saken.

Hindi k-kaya? . Nooooo!

Pandalas ako ng iling sa naiisip ko , hindi e! imposible yon! pero baket nga ba ako ang naisipan nilang hingian ng tulong? dahil ako ba ang mas malapit? ganon ba yon?.

Gulong gulo na ang isip ko , nilaksan ko yung shower at nagpalunod nalang sa tubig hindi sa problema.

At nang matapos , agad akong nagbihis at lumabas. Wala nang kain-kain diretso labas na agad.

Tinatawag nila ako pero wala ako sa wisyo lumingon sakanila , kaya di ko namalayang nakarating ako dito isang swing malapit sa bahay ni Lola. Huminga muna ako ng malalim at umupo.

Mula sa di kalayuan kitang kita ko ang buong palagid , tila walang problema na dulot ng mga tao. Bigla akong nanlambot sa malakas na hanging dumampi saken naalala ko si Lola.

Akala ko'y di nako muling iiyak pa dahil sakanya , pero eto na naman baket ganon?. Nagpatuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha , hindi ko na'to pipigilan pagod nako ng sobra gusto ko nalang muna mapag isa. Dahil may kasama man ako o wala hindi ko paren makakalimutan lahat.

Tumayo ako , at nag umpisang maglakad ulet. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta gusto ko munang lumayo.

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad tila ba'y nasa buwan. Sana'y kagaya ng buwan ako'y sumapit na den. Huminto ako sa paglalakad at pumitik maya maya pa ay may ilang patak nang ulan ang dumampi sa balat ko. Nang magmulat ako laking gulat ko na nandito na pala ako sa may bangin.

Kung tumalon kaya ako dito? hmmmp.

"Pag tumalon ka dyan , pano na'ko?". mabilis akong humarap sa nagsalita sa likod ko.

"I-ivan? a-anong ginagawa m-mo dito? p-pano mo nalamang nandito ako?". binaba nya yung payong at nakangiting lumapit saken.

"Nakita kita kanina , para kang wala sa sarili kaya naisipan kong sundan ka. Baka kung anong gawin mo e". seryoso ngunit malumanay nyang sagot saken na naka tingin sa mata ko. Para akong hinihigop ng mga tingin nyang yon kaya umiwas ako ng tingin at napa buntong hininga.

"A-ah , g-gusto ko kase mag isa e".

"Alam ko , pero nag aalala ako kaya sinundan kita". pilit na ngiti nalang ang binigay ko sakanya , dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Parehas lang kaming nakatingin sa harapan , di nag uusap tanging tunog ng ulan lang ang maririnig.

"Ame , pano nangyare yon? pano ka nakakakita ng mga ganon?". gulat akong napatingin sa , seryosong pag tatanong nyang yon di sya nakatingin saken ngunit ramdam ko ang pagiging seryoso nya.

Siguro nga dapat mo den malaman para di ka palaging napag iiwanan.

Tumikhim muna ako bago nag umpisang magsalita "Bata palang ako , alam kong may kakaiba saken. Nung una nararamdaman ko lang yon pero di nagtagal nakaka kita nako hanggang sa sinabe ko kay Lola at biglang kumalat. I think 8 yrs old. ako non sa loob ng school namin may puno ng balete sa di ko inaasahang pagkakataon nakapasok ako don haha. So weird diba?". taka syang napatingin saken , kaya napatawa ako at iling iling na nagpatuloy.

"May tumawag saken non e , at dahil bata ako wala pa akong alam sa paligid ko kaya sumama ako don sa babaeng white lady hahaha. Then i was surprise ang ganda sa loob lahat ng masasamang elemento sa paningin naten nandon pero hindi nila ako pinakealaman winelcome pa nila ako. Hanggang sa nalaman ni Lola binigyan nya ako ng protection para di ko sila makita pinasara nila third eye ko pero di sya nagsara such a blessing daw and gifted ako". napatingin ako kay Ivan , gulat at namamangha ang nakikita ko sakanya ngayon.

Iniwas ko paningin ko sakanya at sinabing "Pero alam mo , ngayon lang ako nakaranas ng ganto nung makilala ko kayong dalawa ng girlfriend mo. Dahil nung umalis ako dito sa Cebu walang nakakalapit saken na kagaya ni Kryza ako pa gumagawa ng paraan para lumapit sila saken noon. Pero ngayon lahat nabago nung makilala ko kayo". kuno't noong pagpapatuloy ko.

"A-ame ang totoo naguguluhan den ako sa nangyayare. Oo totoo mahal ko si Kryza at kaya kong ibigay lahat sakanya kahit kapalit pa nito'y buhay ko. Pero Ame may nagbago e , yung nararamdaman ko ang nagbago... Ame may nalaman ako sakanya bago sya naaksidente". tulirong sabat ni Ivan sa pag kwekwento ko , napatingin ako sakanya.

Hinaharap ko sya sakin , "A-anong nalaman mo? I-van please tell me. B-baka eto lang yung sagot sa lahat ng tanong naten".

"A-ame please saten lang t-to , yung M-mommy ni Kryza i saw her nung time na aksidente sya. Hindi ko alam kung pano ako nakapag drive papunta don sakanila. Pero Ame kitang kita ko yung Mommy nya! hindi sya tao kagaya sya ng mga nakikita mo nag aanyo lang syang t-tao".

"A-ame please saten lang t-to , yung M-mommy ni Kryza i saw her nung time na aksidente sya. Hindi ko alam kung pano ako nakapag drive papunta don sakanila. Pero Ame kitang kita ko yung Mommy nya! hindi sya tao kagaya sya ng mga nakikita mo nag aanyo lang syang t-tao".

"A-ame please saten lang t-to , yung M-mommy ni Kryza i saw her nung time na aksidente sya. Hindi ko alam kung pano ako nakapag drive papunta don sakanila. Pero Ame kitang kita ko yung Mommy nya! hindi sya tao kagaya sya ng mga nakikita mo nag aanyo lang syang t-tao".

Nagpaulit-ulit sa tenga ko yung mga binitiwan ni Ivang mga salita.

Tama naman narinig ko diba?

H-hindi kaya sya yung babaeng nakita namin don sa may kubo ni lola na kasing edad lang ni tita Zoey?

Pero pano? baket?

Kasabay ng malakas na ulan , ang pagkatulala ko kay Ivan.

"A-ame hindi alam ni Kryza to , natatakot ako.... n-natatakot ako Ame". mangiyak-ngiyak na saad ni Ivan.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

If u a part of my Story ⤵️

Don't Forget To Vote & Comment and Share.

Thankyou for reading , and Welcome to my Family Astrem's.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now