*This Chapter is made by the song of (Beautiful In White by : Shane Filan)*
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang pumayag ako na tulungan si Kryza , pero ang napakabait nyang boyfriend... napakatigas ng puso at paninindigan!
Yes! isang buwan na nga ang nakalipas! at isa buwan na den akong nagpapaka tangang suyuin tong impaktong Ivan na'to!
Ikaw ba naman gawan ng kung anu-anong kalokohan lintek na'yon! at sinasabing baliw daw ako peste sya!
Eh , pano nga naman kase .... sino ba naman ngang maniniwala saken neto ha!? ang sabi ko lang naman kase sakanya "Ivan , nakakausap ko girlfriend mo at nakikita ko sya". ang sagot ba naman ng loko saken "nakashabu ka ba? angas men ganda nyan high kana e".
Waaaaahh! i hate this feeling anymore! baket ko pa kase tinanggap to! nagsisisi tuloy ako!
Grabe may mali din naman ako sa paliwanag ko , pero ayaw nya kase akong pakinggan!
Simula kase nung pumayag ako , nadagdagan pa lalo ang mga gagawin ko! kala ko kase simpleng tulong lang to pero waaaaaahhhh malapit nakong sumuko guys!
Bukod sa pag hihirap ko na suyuin boyfriend nya , meron pa syang isang pinagagawa saken pero hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yon syaka ko nalang iisipin.
At ngayonnnnn....
Nandito ako sa likod ng building namen kung san palaging tambay si mokong na Ivan habang nag hihintay ng pagdating nya ..... napaisip ako.
Sa isang buwan kong pag sunod sunod don , narealize kong hindi na nga sya yung dating Ivan like what Kryza's said malaki yung impact ng pagkawala nya sa buong pagkatao ni Ivan at hindi pa den nya alam na di pa pala totally deaths tong girlfriend nya.
Then paano ko masasabi sakanya? kung ayaw naman nya akong pakinggan pesteng buhay!.
Habang bagot na bagot sa paghihintay , may narinig akong kanta hindi ko gaanong maintindihan kaya tumayo ako para puntahan yung direksyon ng kantang yon.
"Not sure if you know this".
Unang linyang nagpatigil sakin sa paglalakad.
"But when we first met".
Napangiti ako ng malawak ng marinig ulit ang kasunod na linya , at iling-iling na nagpatuloy sa paglalakad.
"I got so nervous I couldn't speak".
Ito ang kantang gustong gusto ko , gumagaan pakiramdam ko pag naririnig ko'to.
"In that very moment".
Habang palapit ng palapit , rinig na rinig ko ang ritmo at himig ng kantang paborito ko.
Nakarating ako sa isang abandonadong silid kung saan , puro dahon lang ang bumungad saking harapan.
"I found the one and
My life had found its missing piece".Napaangat ang tingin ko sa bintana na nasarapan ko dahil sa smooth at napaka gandang boses na narinig ko mula sa loob ng silid.
Gusto kong pumasok , pero naisip kong h'wag muna dahil gusto ko pang marinig ang boses nya.
"So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white".
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Misterio / SuspensoAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...