Ilang araw na'kong di nakakatulog ng ayos , dahil kay Ivan ginugulo nya ang puso at isip ko! sama mo na den pati kaluluwa ko.Grabe ba naman talaga , jusko! ang poging poging si Ivan kakantahan ka? omygod!
Pero syempre isa akong assuming hahaha , feeling para sakin yon kahit hindi.
Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa mga naiisip ko.
At ngayon? eto ako , naglalaba dahil sabado na naman.
IT'S LABA DAY!
Alam nyo bang matatawag ko pading swerte ang sarili ko , dahil pag naglalaba ako nakakakita ako ng pera sa bulsa nila hahahahahaha siguro sukli lang to tapos wala lang sakanila no? hays ang mayayaman talaga.
"Ame iha , eto pa yung damit ng maldhita mong kapatid abay sabi ko ng hubarin nya kagabi galing ahoy sa party ayun lasing na lasing grabe talaga 'yang si Catalina no? halos gabi gabi ganon.... mga kabataan nga naman". bungad sakin ni ate Glenda , at nilapag ang isang puting dress.
Kapatid ko si Catalina sa ama , masungit at brat yon.
Matagal akong napatitig sa dress na'yon , di ko namalayang umiiyak na naman pala ako.
"Hoy iha , ano bang nangyayare sayo? at ika'y naiyak di'yan". tumalikod ako at pinunasan ang mga luha ko.
Nang makaharap ngumiti ako sakanya at nag thumbs up kagaya ng palagi kong ginagawa sa lahat.
"Sus wala to ate , kumain naba kayo? pasensya na di ko na kayo ginising ah sarap ng tulog nyo e hilik pa hahahaha".
"Hay nako Ame , yan ka na naman ah... oo kumain na kami ni Gema at yung bruha alam mo ba kanina? umiiyak si gaga pag gising hahahaaha nag break na daw sila ng jowa nya abay yung ipon pinadala don tas ayun di na maka contact at nakipag break hahahahahaaha". kumuno't ang noo ko sa sinabi nya , ha? pinadala yung ipon? edi ibig sabihin hindi para sa pamilya nya yung pera na iniipon nya kaya pala kahit sino samin ay di nya magawang pautangin dahil sa jowa nya palang feeling pogi sukdulan naman sa sama ng ugali at eto nakipag break pa!.
Hindi ko sya sinagot , tumayo ako at naglakad papunta sa kusina kung nasan si ate Gema.
"Ame , sandali! hintayin mo'ko!".
Napahinto ako ng makarating sa salas , dahil parang may nag memeeting ata!
Bigla akong natauhan ng bungguin ako ni ate Glenda.
"Oo nga pala , nakalimutan kong sabihin sayo. Mga kasamahan yan sa trabaho ng Daddy mo kaaga aga nilang pumunta". Bulong nya sa akin.Tumango nalang ako bilang sagot.
Dahil simula ng mag hiwalay sila ni Mommy , wala nakong pakealam sakanya.
Iniwas ko ang tingin sakanila at nag patuloy patungong kusina.
Nang makarating kami , nakita ko si ate Gema na nag liligpit at panay ang singhot dahil sa sipon.
"Kung di lang kita nakitang umiyak iisipin kong nakashabu ka kakasinghot mo hahahhaha". pang aasar sakanya ni ate ni Glenda.
"Ame kung papagalitan mo'ko please wag ngayon , masama pakiramdam ko". hindi pa man ako nakakalapit sakanya pero ayun sya nagsalita na agad , alam na nya sigurong kasama nako ni ate Glenda napatawa nalang ako at lumapit sakanya.
"Di kita papagalitan ate , may magagawa pa ba ako kung yon ang gusto mo? pero sana matauhan kana ngayon no?".
"Oona alam kong mali nako! pero di ko alam na hihiwalayan nya ako! huhu". nagulat kami sa biglang pag harap nya at pagang paga na mga mata nya at umiiyak na naman sya!.
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Mystery / ThrillerAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...