Kabanata 3

196 43 5
                                    

•••••


Nang mawala si Kryza sa paningin ko , nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

At habang naglalakad , iniisip ko kung paano na naman uuwi nang masaya... yung tipong walang halong bigat sa dibdib. Sa totoo lang gusto ko nang umalis sa bahay nila dahil hindi ko deserve ang mayamang pamilya pero sukdulan naman sa sama ng ugali. Ang bait ko kaya para sa ganong pamilya hays.

Yes , isa ang angkan or pamilya namin sa mga sikat na mayayaman sa Cebu. At si Daddy isa din sya sa mga kilalang tao sa iba't ibang lugar dahil sa magandang ratings palagi ng business nya. Tatlo ang company namin, pero kahit ano pang taas ang meron sa angkan namin kabaligtaran non ang nangyayari sa buhay ko.

Imbis na sa kwarto na maganda , sa room maids ako napunta. Oo , yes tama pinag tatrabahuhan ko ang mga pagkain at pera na nakukuha ko sakanila.

Bakit? dahil hindi ko na kasama ang totoo kong ina. May ibang asawa na si Daddy at may anak din sya na babae. Si lola Desa ang nag alaga sakin simula nang magkaisip ako hindi ko alam kung nasaan ang totoong nanay ko hindi ko pa sya nakikita although nakita sa picture pero hindi ganong kalinaw ang itsura nya.

Tama bang magalit ako sakanya , dahil iniwan nya ako? hays.

Ilan taon na ako? hahaha 17 , at my age sobra na napag daanan ko sa buhay. Naiinggit ako sa mga nakikita kong dalaga na todo care ng magulang nila. Minsan gusto ko nalang pumasok sa isang napaka gandang kwento sa libro yung tipong ako ang bida at masaya ang ending.

Sa Cebu talaga ako nakatira , pero pinapunta ako dito ni Daddy dahil sa galit .... ikaw ba naman bad records sa school. Away dito , away don gulo dito , gulo don. Sino kayang magulang ang hindi magagalit diba? pero para sakanila din naman yon pinagtatanggol ko lang sila sa mga kaklase ko na puro nalang issue. Kaya dito sa bago kong school na'to! hindi ko uurungan ang mga brats na estudyante nyo!.

Minsan naiisip ko siguro ampon lang ako , o kaya naman napulot lang sa tabi-tabi.

Hay nako bahala na nga si darna hahahaha.

Btw. I'm Amethyst Kie Lopez Gariando , 17 yrs. old. Iniwan ng ina , pinalaki ng lola. Nagpaka dalubhasa sa peke kong ina hahahahaha. Marami ka pang malalaman sakin don't worry.

“Friend? , ano nga palang dahilan kung bakit ka pinalipat ni tito dito?”. napatigil ako sa pag mumuni-muni ng magsalita si Kleighn , hindi ko pa pala nababanggit sakanya yung reason kung bakit ako nandito.

“Nagalit sakin si Daddy , paulit ulit nalang akong napapaguidance sa school nireport nako ni tanda nung last offense ko hehe”.

“At nakakatawa ka pa nyan ha?”. masungit na sagot nya sakin , napangiti nalang ako at napabuntong hininga.

“Para din naman sakanila yon e , pinagtatanggol ko lang sila kaya napapaaway ako”. malumanay na sagot ko.

“Hay nako , Ameries! isa kang matalinong tanga! hindi ka nag iisip. Oo nga't iniissue nila pamilya mo pero hindi mo ba naisip sarili mo? simula nung napunta ka dito sa Manila pinahirapan kana nung step inamo e . A-ah hehe i mean step mom mo nung nandon ka sa lola mo pinahirapan kaba nila? diba hindi”. yan si Kleighn palagi nyang iniisip kapakanan ko pero ako hindi ko iniisip haha weird no? , kababata ko sya doon sa probinsya lumipat lang sila dito sa Manila dahil sa work ng papa nya.

Lagi kaming magkasama nung mga bata pa kami hinding hindi mo kami mapaghihiwalay.

Masasabi kong sya yung best , sa mga friends ko.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now