Nang matapos ang ilang oras , pinag pahinga na kami ni Tita Claire dahil konti nalang naman ang bisita. Tumingin ako sa relo 3:48 am . Dahil sa sobrang busy di ko na namalayan ang oras parang kanina lang ay hapon pa.Nakaupo kami ngayon dito sa labas ni James , nakain sya habang ako ay nakasandal lang at nakatingala sa langit.
"Hoy! hindi kaba kakain? lalamig yang pagkain mo". puno ang bibig nya ng magsalita , kaya bahagya akong lumayo sakanya.
"Wala akong gana , kumain ka nalang dyan".
"Ano?! Anak ng! .... hoy!... Amethyst! kakain ka o kakain ka?". napatingin ako sakanya , nakita ko naman ang pagkaseryoso nya kaya naman kumain nalang den ako para walang away psh!
Habang kumakain kami , naalala ko si Ivan nag palinga-linga ako sa paligid pero wala akong nakitang anino man lang nya.
"Wala sya , sinama sya nina Mama malengke kanina". napatango nalang ako sa sinabi ni James , kumain na kaya yon bago umalis? psh! abay malay ko!
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain , mamaya na ang libing ni lola kahit mahirap paniwalaan ... wala naman akong magagawa kundi tanggapin nalang ang naka tadhana.
Nga pala... kaya wala yung kaibigan kong si Kleighn dito kase hindi sya pinayagang sumama samen pabalik ng mama nya ewan ko lang kung bakit.
Habang nag iisip , natapos ko na den ang kinakain ko ganon den si James pero nauna sya saken. Niyaya nya ako sa bahay nila at para don nalang den hintayin si Tita Claire.
Nakaupo ako sa salas nila habang hinihintay na lumabas si James , sabi nya kase wait lang at may kukunin sya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid... ang daming nabago sa bahay nila , ang dami nading gamit pero sa ilang araw na pamamalagi ko dito sa Cebu e... hindi ko man lang nakita si Tito Roque papa ni James... siguro kase busy sa work minsan lang den naman nauwi yon dito e.
May narinig nakong mga yabag , paparating na si James.
"Oh , yan yung sinasabi ni Mama na galing kay Lola Desa". napatingin ako sa box na inaabot nya saken. Tumingin muna ako sakanya bago ko tuluyang kunin yon.
Maliit na box lang sya , pero may kabigatan den naman.
Huminga muna'ko ng malalim bago buksan to. At ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang laman nito!.
Napatingin ako kay James , nagulat den sya na may halong tuwa.
Tatlong ATM , mga alahas , isang titulo ng bahay at susi... Ang nakalagay sa box na'yon .. hindi ko man lang alam kung ano magiging reaksyon ko sa pagkakataong ito! natutuwa ako kase di ko alam na talagang nag ipon si Lola para saken! pero deep inside nalulungkot kase wala na nga sya.
"Grabe Ame! daig mo pa nanalo sa lotto nyan! Mahal na mahal ka talaga ni Lola no? mantakin mo inipon nya yan lahat para sayo tapos ayan pa yung titulo ng bahay nyo! edi ibig sabihin sayo na talaga yan!". tuwang tuwang saad ni James , kahit din naman ako ay natutuwa.... mahal ko den si Lola alam nya yon. Napangiti ako ng mapait at huminga ng malalim.
Tatakpan ko na sya ng may napansin akong isang maliit na box at may isang notebook.
Napatulala ako sa mga yon , pilit na inaalala kung san ko ba nakita ang mga to.
"Ame? baket?".
Hindi ko pinansin si James , dali-dali kong inangat muli ang kahon at nilagay sa mga hita ko kinuha ko ang notebook at maliit na kahon.
Pagbukas ko ng notebook , latin ang mga sulat at sa tingin ko ay isa itong ritwal. Pagbukas ko pa ng maliit na box isang singsing ang bumungad saming dalawa.
Bulaklak yung style nya pero parang kakaiba , transparent yung bulaklak nya pero may laman sa loob ... ewan ko kung tubig ba'to o dugo? kulay pula kase o baka naman tubig nga na kinalawang sa loob.
Ano naman gagawin ko dito? para naman syang di mamahalin e kagaya ng ibang alahas dito.
Hayaan na nga , itatago ko nalang.
Sakto naman ang dating ni Tita Claire tumulong kami sakanya sa pag luluto at kinuwento ko sakanya kung ano yung nasa box tuwang tuwa sya nung malaman nya ingatan ko daw yung binigay saken ni Lola.
At pagkatapos ko mag hiwa ng mga pang rekado , nag paalam na muna akong magpapahinga at maliligo na. Pumayag naman si Tita as if namang tatanggi pa sya? e ang baho ko na psssh!.
"Ame".
"Waaaah!". nahulog ako sa hagdan ng magulat sa biglang nagsalita sa likuran ko , pero di nya'ko nasalo.
Pag tingin ko si Ivan pala , pero teka ngayon ko lang sya nakita ah. Bago pa naman ako makapag isip tinulungan na nya akong tumayo. Hawak hawak ko tuloy yung pwet ko! pssshh! sobrang saket ... mga tatlong hakbang palang naman ako kaya di gaanong mataas.
"S-sorry nagulat ata kita". paumanhin nya , napatawa nalang ako seriously? hindi pa sya siguradong nagulat ako? aisssh!.
"A-ahh hindi gaano , bagsak nga'ko e ang saket ng pwet ko hehe". nakita ko ang pag-aalala sakanya , pero gusto kong malaman kung bakit nya ako tinawag.
"A-ah may kailangan kaba?".
"A-ahm , babalik nakong Manila mamaya pag tapos ng libing ni Lola Desa. May kailangan den kase akong asikasuhin e magpapaalam lang sana ako sayo".
Automatic na sumilay ang ngiti sa labi ko , nang marinig ang sinabi nyang nagpapaalam sya saken! hahahahahahahahaha!.
"May nakakatawa b-ba? hehe". bumalik lang ako sa ulirat ng muli syang magsalita.
"A-ah hindi wala hihi , ah oo sige. Pero sana man lang bukas nalang den no? para sabay-sabay na tayo nila Daddy". ngumiti naman sya na agad kong ikinatulala. pakshet!...
"O sige na Ame , mamaya nalang ulet mag aayos pa'ko gamit e. Ingat ka palagi ah". matapos nyang sabihin yon , tumayo sya ng tuwid at hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
Napapikit nalang ako ng maramdaman ang mga kamay nya sa ulo ko , agad ding nagmulat ng wala na'to sa tabi ko.
At don ko nalang naibuhos lahat ng kilig sa buong sistema ko!!!
hahahahahahahahahahaa kahit pala masakit , masaya den.
kahit pala palihim , ayos den.Masaya ako sa nararamdaman ko ngayon , kase kung pipigilan ko'to ako lang ang masasaktan. Kaya mas mabuting ilihim ko nalang , mahalin ng di nya alam , at gustuhin kahit hindi nya magustuhan.
hahahahahaha oh lord , thankyou for everything .
Tiningnan ko nalang ang pagtuloy na pagtaas nya sa hagdan , nang di ko na sya makita ay sumunod nadin ako at naglalakad na may ngiti sa labi hanggang sa pag ligo.
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Mystery / ThrillerAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...