Kabanata 12

108 24 0
                                    


                Papunta kaming Cebu ngayon , kaming apat si tita Zoey , Daddy , Catalina at ako. Tanging mga maids lang ang naiwan sa bahay. Nasa eroplano kami ngayon sabi ko nga kay Daddy mag barko nalang pero ayaw nya mas maganda daw kung mararanasan ko naman dito dahil pangarap ko'to. Pero ako eto di nag eenjoy parang panaginip lang ang lahat.

Gabi na nung nagising ako nang mawalan ako ng malay , napagod siguro utak ko dahil hindi na mag sink sakin lahat ng nangyare nung araw na yon. Halos buong byahe namin ay wala akong imik naiitindihan naman nila ako sino nga ba naman ang magagawang magsaya agad matapos mawala yung nag alaga sayo simula pa nung una.

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabe ni lola "Wag mo sayangin , ang pagkakataong pinagkaloob sayo ng diyos ikaw ang magiging daan patungo sa kaligayahan". biglang sumakit ang ulo ko dahil parang sirang plaka na naman na nag paulit-ulit sa tenga ko.

"Ame , are you okay?". sabi ni tita Zoey , tiningnan ko sya mukha nga syang nag alala ngumiti nalang ako at tumango.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana , napaka ganda ng mga ulap asul na asul. Kung dati ay hinihiling kong makarating dito ngunit ngayon ay ayoko na dahil makikita ko si lola. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha ko ngunit tumingla nalang ako para hindi na sila bumagsak pa.

Naramdaman kong may yumakap saken , at pagtingin ko ay si Catalina. "You need to be strong ate , i know lola's loves you so much". napangiti ako sa sinabi nya , at ginantihan ang yakap nya , totoo ang sinabe nya kahit ako alam ko kung gaano ako kamahal ni lola buong buhay nya binigay nya saken mabigyan lang ako ng magandang kinabukasan.

Pumikit ako , "I know you heard me lola , mahal na mahal po kita hindi ko po papabayaan sarili ko hindi ko po sasayangin mga sakripisyo nyo kung nasan man ako ngayon. Hanggang sa muli lola , i love you so much & i miss you".

Hindi namin namalayan ni Catalina na nakatulog pala kami , ginising lang kami ni Daddy naka landing na pala yung eroplano.

Excuse kami sa school in 1 week , siguro ay alam na den ni Ivan ang dahilan dahil inannounce sa buong campus yon. Dahil isa den pala si Daddy sa may ari ng University nalaman ko lang yon kay Catalina malaki den daw ang shared ni Daddy para mapatayo ang school na'yon.

Hindi ko na din nagawang magpaalam kay Ivan , wala ako sa mood makipag usap sa kahit sino.

"Ate you know Victor Hugo?". napakunot ang noo ko , Victor Hugo? sino yon? pero parang familiar yung name kaso di ko alam kung sino yon. Umiling nalang ako bilang sagot.

"He said : The clouds, - the only birds that never sleep".

Napatingin ako sakanya , grabe ang talino talaga nitong kapatid ko ang daming alam sa buhay samantalang ako gawaing bahay lang ang alam hays.

"Ganon din si Lola ate , kase nasa heaven na sya hindi sya matutulog babantayan nya tayo". nag taasan ang balahibo ko sa sinabi nya , at don ko lang naalala na nandito na pala kami sa Cebu. Malapit na kame sa bahay ni Lola nanlalamig ako sa di malamang dahilan malamig den naman ang simoy ng hangin pero parang mas doble saken.

Isa den to sa mga dahilan kung bakit ako umalis dito , manggagamot si Lola wala syang ibang ginawa kundi tumulong sa ibang tao ng walang kapalit ngunit ng malaman nila na nakakakita ako ganon nalang den ang paghingi nila ng tulong saken para kausapin ang minamahal nila sa buhay.

Nang makababa ako , diretso lang akong nakatingin sa taas ng bahay kung nasan ang kwarto ko alam kong may tao don.

Dahan dahan akong naglakad ngunit di pa man ako nakakahabang ng biglang may yumakap sa likuran ko.

Napasigaw ako sa gulat , pagtingin ko si James to kababata ko.

"Walang pinagbago magugulatin paden hahaha". tawa tawang sabi nya , sa yamot ko pinikot ko tenga nya.

"A-ah , a-aray". ungot nya.

"Wala ka ding pinagbago hilig mo pa ring asarin ako".

Nang mapagtanto kong may kasama nga pala ako , binitawan ko si James at humarap kayna Daddy pero pag harap ko ay wala na sila. Ipapakilala ko sana si James sakanila.

"Sino hinahanap mo? yung Daddy mo? nandon na sila sa loob kanina pa. Tinatawag ka nila kanina pero tulala ka , sakto namang paglabas ko nakita kita kaya sabi ko ako na bahala sayo". tulala? ganon ba katagal?

Inirapan ko nalang sya at tumingin ulet sa kwarto ko , may tao talaga.

"Tara na , samahan moko may pupuntahan tayo". nagtataka man pero sumama paren sya saken. Sumunod lang sya hanggang sa nakarating kami sa isang bahay kubo.

"Teka , alam ko tong lugar na'to ah! diba dito nang gagamot si Lola Desa? anong ginagawa naten dito Ame? ang tagal ko ding di nakapunta dito nakakatakot na yung itsura ng kubo oh!". dahil naiingayan ako sakanya , kinuha ko yung candy ko sa bulsa binalatan at sinubo sakanya para di na sya dumakdak pa. Yan si James kalalaking tao napaka umingay alam nya nangyayare saken pero si Kleighn walang alam dahil matatakutin yon.

"Wag kang maingay , may gusto lang akong malaman". tumango naman sya , at patuloy sa pag sipsip ng candy alam nya pag galit ako kaya tumigil na sya sa pagdakdak.

Tumingin ako sa paligid walang tao , kaming dalawa lang ni James. Nandito kame sa likod ng puno nagtatago , baket kami nagtatago? dahil bukas ang kubong pinang gagamutan ni Lola may kutob akong hindi lang sya basta namatay dahil sa sakit. Alam kong may sakit si Lola pero lumalaban sya kaya nagtataka ako sa biglang pagkawala nya.

Sa di kalayuan ng punong pinag tataguan namin , may dalawang babae ang nag uusap lumapit pa ako ng kaunti para marinig ang pinag uusapan nila ganon din si James.

"Dumating na yung apo ng matanda , pero hindi ko pa nakikita". hindi ko maaninag kung sino ang mga yon pero nabobosesan ko sila.

"Wala akong pake sakanya , ang kailangan ko yung kwintas". nanlaki ang mata ko sa sinabe nya , anong kwintas ang hinahanap nya?

Napatingin ako sa kwintas na suot ko , ito ba ang hinahanap nya?


Ito yung binigay saken ni Lola na wag ko daw tatanggalin sa katawan ko kahit anong mangyare , pero hindi ko alam kung anong story ang nakabalot dito.

Napatulala den si James sa kwintas na suot ko , siguro ay iinisip nya den kung anong meron dito.

At ganon nalang ang pag ngisi ko.

I knew it.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

-The necklace.


If u a part of my Story ⤵️


Don't Forget To Vote & Comment and Share.


Thankyou for reading , and Welcome to my Family Astrem's.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now