T'DUP Kabanata 24

90 8 0
                                    


        Matapos ang usapan nila , wala na'kong narinig pang mga ingay. Gusto ko nang bumalik ulet sa dati pero paano?... Pinapakalma ko ang sarili ko at maya maya lamang ay muli kong ginalaw ang aking katawan... hindi naman ako nabigo. Ramdam ko na ang buong katawan ko , dahil para lang naman akong natulog ng mahaba.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata , bumungad saken ang napaka liwanag na ilaw na nang gagaling sa taas.

Nasilaw ako syempre , muli kong pinikit ang mga mata ko at syaka dahan dahang tumayo.

"Ate? Ateeee!". malakas na tawag ng kapatid ko. Pag mulat ko ay nakita ko nga syang tumatakbo papunta saken... nang makarating sya ay agad nya akong niyakap.

Ngunit nagtaka ako...

"Omygod ate , mabuti naman gising kana". ngiti lang ang sinagot ko sakanya , dahil hindi paren naman maganda ang pakiramdam ko.

Tiningnan ko sya mulo ulo hanggang paa , naka uniform na sya... T-teka? anong date nga ba ngayon? shet!.

"A-anong date naba ngayon? b-bakit ka naka uniform?". utal na tanong ko sakanya dahil nahihirapan pa'kong magsalita.

"Tuesday na ngayon ate , bale 3days ka pong walang malay... kahapon pumasok na kami ni kuya James ... nung una ayaw pa nya kaso nagalit sakanya si yaya Glenda e sila na daw bahala sayo". wtf? 3 days? ganon kahaba? e parang kakatulog ko lang nga e kagabi tas ngayon na gising grabe!!.

"P-papasok na den ako".

"H-ha? nako ate wag na , bukas ka nalang po pumasok ... magpahinga ka muna and alam naman ni Miss Sanchez yung kalagayan mo ....magkaklase kayo ni kuya James sya nag sabi kay Miss". ramdam ko ang pag aalala nya ngunit gusto ko na talagang pumasok.

"T-tawagin mo kuya mo ... sabihin mo papasok ako".

"A-ate? you know kuya James hindi sya papayag". napabuntong-hininga nalang ako.

"Papayag yon , hindi yon marunong pumalag saken". napakamot nalang sa ulo ang kapatid ko , tumayo sya at umalis para tawagin si James.

Tumingin ako sa orasan , anak nang! 7:18 na! maya maya lamang ay mag start na ang klase.

Kahit hindi ko pa kaya , tumayo nako at kumuha ng uniform at iba pang gamit syaka dumiretso sa banyo.

At nang nasa banyo nako , hinubad ko lahat ng damit ko at syaka binuksan ang shower at nagbabad.

Sa 3 days na wala akong malay , feeling ko napaka baho na nang buo kong pagkatao. Kung pumasok kaya ako kahapon , nandon kaya si Ivan? siguro naman no? hays kamusta na kaya sya.

Habang naliligo ay , narinig ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko ...

"Ameee?!". si James. Napangiti ako ng mapait , nasasaktan lang ako para sakanya dahil kahit di ko pa masuklian lahat ng effort at pagmamahal nya saken...  hindi sya nag rereklamo , bagkus ay nagiging mabuti pa syang tao saken.

Paano mo nga ba iiwasan yung taong , nandyan palagi para sayo? samantalang yung taong gusto mo ay malayo sayo , at di ka pa sigurado kung gusto ka rin nga ba nya.

Naiiyak ako pssshh! muli ko nalang nilunod ang sarili ko sa pag agos ng tubig sa katawan ko.

"Nasan ba yung ate mo?". narinig kong tanong ni James , miss na miss na talaga ako hahaha. Iling iling nalang ako habang nagpupunas at para magpakita na kay James kase.... sa tanong nyang yan pustahan naiinis na yan.

Huminga muna ako ng malalim at syaka dahan dahan binuksan ang pinto.

"Oh , eto pala si Ate... i told you kuya! naligo sya!". ngumiti nalang ako sa kapatid ko at tiningnan si James.

Til' Do Us Part (ON-GOING)Where stories live. Discover now