Sa tagal ng araw na di nagpakita si Kryza , bigla nalang syang sumulpot na parang isang kabute nung araw na naging okay kame ni Ivan at dahil don nalaman na ni Ivan na buhay pa siya at ngayon ay masaya na sila kahit ako ang dahilan nang lahat ng yon.Hindi ko hinihiling na di na gumaling si Kryza at hindi rin naman ako umaasa na mamahalin din ako ni Ivan kagaya ng palihim na pagkagusto ko sakanya. Alam kong walang makakapantay sa pagmamahal ni Kryza para sakanya. Naiintindihan ko naman , ako lang naman tong sinisiksik ang sarili sakanya kahit na alam kong sa huli ako ang iiyak at talo.
Sa bawat mga araw na dumadating lalo kaming nagiging close ni Ivan , lalo ding lumalalim yung nararamdaman ko para sakanya. Ganito pala yung feeling kapag pinipigilan mo yung nararamdaman mo sa isang tao , lalong lumalalim lalong sumasakit. Baket pa kase nauso tong love na'to? at eto namang si Cupido parang tanga papana nalang den sablay na dehado pa.
Tinamaan ako sa taong di naman pwedeng maging akin , ang hirap naman ng ganito gusto ko nalang maging isang tubig tamang agos lang kung saan na walang kahit anong nararamdaman.
Baket pagdating sa pagmamahal ang dadamot nyo saken? ang bait bait ko kaya. Kung sa kaibigan lang den naman? marami ako non kaso yung pagmamahal na kayang suklian nararamdaman ko? wala na ata e.
Haist , si Ivan lang kase yung kauna-unahang lalaking ginusto ko kaso sya den ata yung lalaking kauna-unahang wawasak ng puso ko.
Bigla kong naalala yung quote na First Love Never Dies.
Waaaah! oo naaa! di na talaga magiging akin si Ivan kase First Love nya si Kryza. Huhu!
"Anong iniisip mo?". bigla akong bumalik sa ulirat ng sumulpot na naman sa tabi ko si Kryza.
Humarap ako sakanya at nagtanong "What if di kana gumaling? okay lang ba sayo na magkaroon si Ivan ng bagong girlfriend or yung magpapasaya sakanya ganon?". nag iba ang timpla ng mukha ni Kryza , sino ba naman kasing tanga ang magsasabe ng what if di kana gumaling edi ako! hahahaha. Para ko na den kasing sinabe na sana di na sya gumaling dahil sa ginawa ko napatakip nalang ako sa bibig at nag peace sign sakanya ngumiti naman sya.
"Naisip ko na den naman yan e , masaket man but i have no choice kailangan ko nalang tanggapin kase wala naman akong magagawa e". ganon nalang kalungkot ang boses nya.
"But , if i choose kung sino papalit saken. Gusto ko ikaw ang mag papasaya sakanya". nag init ang pisngi ko sa sinabi nya all this time nagustuhan ko yung sinabi nya hahahahahahahaaha.
Hindi ako sumagot sakanya , napayuko nalang ako dahil alam kong pulang pula na siguro ang mga pisngi ko.
"Why are you blushing?". ganon nalang ang gulat ko ng sumilip si Kryza.
"H-ha? ano? d-di ah blushing ka dyan". pagtatanggi ko pa.
"Sus i knew it". diretso lang akong nakatingin sakanya nung tumingin sya saken iniripan ko lang sya alam na pala nya e obvious din naman kase.
"Thankyou Ame". napatingin ulit ako sakanya ng magsalita sya.
"For?".
"For helping me , ilang buwan na nakakalipas simula nung pumayag ka pero eto worth it naman kase kahit papaano nakakausap ko sya". anlaki ng ngiti nya , tila ba tanggap na nya ang lahat.
Ngumiti nalang den ako sakanya bilang sagot.
Tatayo na sana sya , pero hinawakan ko kamay nya na tumagos lang naman , kaya napatawa kaming dalawa.
YOU ARE READING
Til' Do Us Part (ON-GOING)
Детектив / ТриллерAre ghosts real? Can you believe it? •I'm Amethyst the girl who will prove that the ghost is real, and everything I see has something to do with my disappearance from the world. Join of my chapter in life with an associated mission in the afterlife...