Special Chapter 5

822 22 8
                                    

AFTER 3 YEARS

JAYCEL'S POV

From the group chat name "BAGONG GC" to "Adulthood is real".

Yes. Binago na yung pangalan ng groupchat namin. Andami na kasi nagbago. Bihira na kami uminom. Magcacatch up nalang kami minsan lunch or dinner lang. Lahat busy na. May trabaho na lahat eh. Lalo na si Janica. Minsan di na nakakasama samin. At talagang di siya sumasama pag present si Deanna. Bilang lang sa isang kamay yung ilang beses siyang sumama na andun si Deanna. Akalain niyo sa 3years na yon. Maximum na yung limang beses siyang nakasama na kompleto kami. Di nga ata umabot ng limang beses eh. Sobrang busy. Nakakainom nalang din kami pag may birthday isa sa amin at uwi agad bago mag 12. No more sleepovers at Ate Bei's. So adulthood is real.

Bihira nadin kami mag message sa adulthood gc. Magmemessage lang dun kapag gala at labas kami. Ngayon may surprise party kami sa soon to be married couples. Hulaan niyo kung sino ang ikakasal. HAHAAHAHAH all set na yun. At papunta na kami sa isang pent house na nirentahan namkn para sa surprise party. At papunta na ang lahat.

Onti onti ng nagdadatingan ang lahat. Syempre nauna kami ni Vanie sa venue kami nag arrange nito eh. And yes kami padin ni Vanie. We're here together with Dani and Yumi. Sumunod na din si Andie, Ate Ponggs, Ate Mads, Ate Kat, Ate Kim G., Ate Jamie, Jules, and Jaja. Maingay na kami lahat. Super kwentuhan. Actually dapat kami kami lang talaga pero ininvite namin yung ibang kaclose namin para medyo masurprise naman yung isusurprise namin.

Di nagtagal dumating na si Deanna.

"TANGINA DUMATING DIN! AKALA KO HINDE NA EH!" halos bati ng lahat

DEANNA'S POV

I arrived at the venue na. Akala ko late na, i'm right on time lang. Hiyawan ang bati ng lahat. Minsanan nalang kasi kamk magkita. Idagdag niyo pa sila Ate Mads na matagal na din namin di nakasama. Pero pagkatapos ng lahat ng yon, agad hinanap ng mata ko si Janica pero wala. After namin magkulitan nag settle na kami umupo. Waiting for the couple to arrive nalang.

"So Jayce wala pa sila?" mahinang tanong ko

"Ay nako boss deans. Alam mo naman huling dadating yun. Ang tanungin mo, bat wala pa si Janica!" singit ni Andie

Narinig niya pa yun? BAHAHAHA ang hina na nga ng pagkatanong ko kay Jaycel.

Tumabi naman samin si Andie.

"Jayce pupunta ba yun?" tanong pa ni Andie

"Ang alam ko alam niyang may surprise party. Ang sabe niya lang sakin last 3days ago may meeting siya hanggang 7pm. Eh sakto 7pm start nito. Di ko lang alam kung pupunta siya." sagot ni Jaycel

Napatungo nalang ako. Hahahahah ewan ko ba.

Di nagtagal dumating na ang couples. Si Ate Bei and Ate Jho. Yes. Sila ang ikakasal. Sa tagal ng pagsasama nila, masama man o mabuti, sa huli sila padin talaga. Sana all no? Ang tagal nila nag tiyaga sa isa't isa. Ang daming pagkakamali pero pinili padin nila magmahal. They are engaged for more than a year na. Tas yung kasal nila will be happening in 2weeks. Kaya nagpa part na kami. Huling party na to bago magkaron ng mag asawa sa tropa eh 😭 After nun, magbabago na talaga ang lahat. Bubuo ng sariling pamilya. Hay sana all talaga.

Pagpasok ng dalawa, BOOM! Sumabog na ang mga confetti. At gulat na gulat sila. Syempre ang gulo gulo.

"Tangina niyo akala namin may birthday???" sabi ni Ate Bei

FreshiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon