Special Chapter 3

735 18 6
                                    

Pag pasok ko nakatingin sakin si Deanna pero nag act normal lang ako. Tumabi ako sa assistant ko at bumulong.

"Where are we?" sabi ko

"Di pa kami nag start attorney. Inantay ka nila. Dun ka daw sa center chair" bulong sakin ng assistant ko.

Pota dun pa malapit kay Deanna. Apaka galing naman. Wala kong choice I need to be professional. Mas mahal ko trabaho ko. Tyaka deds ako pag palpak to kaya I need to work for this. So I didn't mind Deanna kasi di ko alam ano posiyon niya dito. I stood up and started right away.

"Hello, I'm Atty. Gonzales. Before we talk about the contract may I know first the boards of this company?" I said habang papalakad papunta sa chair ko.

"Uhm actually the board is not complete yet as of the moment but we have here our daily managers, Ms Nica and Ms Suzette, Me, Jerome the supervisor and Ms Deanna Wong the acting owner of the hotel." sabi nung supervisor.

Hahahah medyo pogi yung supervisor. Maputi tas ang ganda ng katawan. Parang athlete to dati hahahah pero di to mga type ko.

"Oh uhm acting owner. Who's the owner of this company then?" sabi ko pero kunyareng na nagsscan ng papers para di awkward kay Deanna

"Uhm my dad is the owner.." sabi ni Deanna.

"Oh okay lets go? Let's start na" sabi ko

Nag simula na kami mag discuss ng mga papers and some business talks. It took us almost 1 & a half hour. After nun nauna ng lumabas yung staffs. Nagulat ako pero si Deanna naiwan. Ang natira nalang is si Deanna, ako, assistant ko & yung intern. Agad naman ako tumingin sa mga kasama ko.

"May inaantay pa ba?" I asked Deanna

"Uhm May I talk to Atty. Gonzales alone?" sabi ni Deanna sa mga kasama ko kaya lumabas sila. Mauuna na sila umalis kasi babalik pa sila ng firm.

Di ko alam kung kakabahan ba ko or ano. Medyo matagal kaming tahimik. Ano ba to.

"Any business talks? Any concern? If may concern ka, you may call my assistant siya kasi nag aayos ng draft papers" sabi ko

"Great may assistant ka na" pa chill na sabi ni Deanna at sumandal sa upuan niya

"Sorry?" sabi ko at tumingin sakanya

"I'm so proud, Jans. Abogado ka na" sabi niya.

"I'm not here for personal talks. Mahal ang oras ko. May hinahabol pa kong meeting." sabi ko

"Baket business din naman to ah? Just want to say that u're meeting my dad tomorrow for the signing of papers"

"And? Kailangan ko ba mag handa?" pataray kong sabi

"Hahaha ang taray padin.." sabi ni Deanna

"It's just that, u know our past issues." sabi pa niya

"Wag niyang sabihing galit pa din siya sakin? Hahaha iniwan mo na ko para sakanya oh. Di pa ba sapat yun?" sabi ko and I closed my laptop tas tiningnan siya sa mata.

FreshiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon