Special Chapter 4

436 17 4
                                    

JANICA'S POV

I'm on my way sa hotel nila Deanna. Kakagaling ko lang sa firm. Nauna na yung assistant ko and intern ko dun. 2pm yung sched ng meeting, mga 1:30 palang andun na yung mga kasama ko. It's 1:45pm na kakapark ko palang. Anyways the meeting will last for atleast 2hrs. Kasi bukod sa contract signing ieexplain ko na yung final draft ng contract and hotel policies. Especially andun na yung dad ni Deanna as boss mas maganda na alam niya. And syempre some consultations kapag meron.

I'm here na papasok sa meeting room. Yung assistant & intern ko palang yung andun pati yung 2 daily managers nila. Wala pa si Deanna, yung supervisor and yung dad ni Deanna. Kaya medyo nakahinga ako ng malalim. Nakapag compose ako ng sarili ko. Meron kaming long table. Usual table kapag meeting. Dun ako naka pwesto sa harap and center chair since ako magppresent. I guess dun naman sa kabilang gitnang upuan yung dad ni Deanna. Bali magiging katapat ko siya pero long table. Okayy good luck whoooo!!!

Habang naglalaptop ako at nagbabasa-basa. Pumasok na yung supervisor, kasunod nito si Deanna and Dad niya. Agad saking nakatingin si Deanna. Iniwasan ko siya ng tingin at tumayo agad para kumamay sa dad niya.

"Good afternoon Mr. Wong. I am Atty. Gonzales your Legal Counsel. Here with me is my assistant and my intern" sabi ko at nakipag shake hands

Nakipag shake hands lang yung tatay ni Deanna at umupo na agad. Di nagsasalita. Kaya nag signal na yung supervisor nila na mag start na ko. Edi nag start na ko ng presentation ko about sa obligations & contracts ng hotel. After mahigit 1hr. Nagtataka ako kasi ang smooth ng pag present ko. Walang comments, tanong or reaction. So tinapos ko na tas inaantay nalang namin magsalita yung Dad ni Deanna.

"So that's it?" tanong ng dad ni Deanna kaya tumungo ako.

Pinaalis nya na yung mga tao pwera sakin, kay Deanna at sakanya. Tatlo lang kami andun kaya kinabahan na ko. Alam ko may patutunguhan nanaman to. Tahimik lang ako at nagtitinginan na kami ni Deanna.

"Wala na bang ibang abogado sa firm niyo? Baket ikaw ang ibinigay samin?" panimula ng tatay ni Deanna kaya napatingin ako kay Deanna saglit at nag respond na sa Daddy niya.

"Uhm sorry sir?" I asked

"Parang hindi mo naintindihan yung sinabe ko. I will request for another attorney. Hindi ikaw ang para sa hotel namin."

"Sorry sir, but ako lang po ang may specialized at bihasa sa ganto. Kung gusto niyo po mag request kayo ng bagong attorney pero mapipilitan po ibigay sainyo yung ordinary lang. Okay naman po siguro sainyo yon ano?" sagot ko

"Ikaw ba hindi mo titigilan yung pamilya namin? Di mo ba titigilan yung anak ko?"

"Sir maniwala po kayo, hindi ko din ginusto ang mapunta dito. Trabaho po ang intensyon ko wala ng iba."

"Magkano ba gusto mo para layuan mo ang anak ko?" sabi ng tatay ni Deanna kaya nagulat ako at napatawa

HAHAHAHAHAH yun talaga yung mga linyahan ng mayayaman eh.

"Dad.." singit ni Deanna

"Hindi ko po kailangan ng pera. Sumusweldo po ako ng pinaghihirapan ko. Tyaka kayang kaya ko po tong bilhin kung ibebenta niyo sakin" sarcastic kong sagot habang kinukuha ko na yung mga gamit ko.

Bastusan nalang kasi yung nagaganap.

"Ang bastos mo no? Is that how u treat your clients? Tandaan mo nagttrabaho ka sakin!"

"Ay akala ko po magrerequest kayo ng bagong abogado? So it means i'm not longer working for you." sabi ko

"Talagang iniinis mo ko! Umalis ka na dito! Ipapatanggal kita sa firm niyo!"

FreshiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon