(SPG PO HEHE READ AT UR OWN RISK AND READ CAREFULLY)
DEANNA' S POV
This is really hard for me. Umuwi ako ng Cebu para mag impake, hindi alam ni Janica yun. Ang alam niya may aasikasuhin ako. Ang sabi ko sakanya mga 10 days lang ako dun. Pero nag extend pa ko ng 1 week kasi nga umuwi din yung parents ko dun. Sunday ang last exam ni Janica. Actually, umuwi na ko ng Sunday sa Manila para ayusin ko yung ibang gamit ko. By, monday pupuntahan ko si Janica tas Tuesday, flight ko na going to New York. Bahala na kung ano mangyari.
Ngayong sunday, 8am start ng exam ni Janica so pinasundo ko siya kela Ate Bey para ihatid dun. Ako yung naguutos kela Ate Bey and kela Jaycel na bisitahin lagi si Janica at bilhan ng food. Kasi alam ko nagkaka anxiety yun. Nakwento pa sakin ni Ate Jho na muntik na daw mag give up si Janica pero buti nalang naagapan nila. Pinasaya nila. Kaya malaki utang na loob ko sakanila. Gustong gusto ko na ako gagawa num kahit sa huling saglit nalang pero ayoko naman na biglaan ako aalis kay Janica. Sinasadya ko na di siya kausapin parati para di na siya masyado maattach sakin. Kaya nga din ako umuwi ng Cebu. Ang sakit, sobrang sakit. Di ko na nga alam gagawin ko. Bahala na talaga.
Natext ko naman si Janica kaninang morning pero di siya nag reply. Siguro nakakaramdam na. Almost a week na din kami b malamig sa isa't isa. Di kami nakakapag usap through call. Puro text lang, di pa palagi.
"Hi. How are you?" Text ko kay Janica.
It's 6pm. Sure ako nakauwi na yun from her exams. Pinapakamusta ko naman siya kela Ate Jho kaya kampante ako sa nangyayari sakanya.
"Patawa ka talaga no? Ano bang meron? Pag mga gantong bagay talaga binibigyan mo ko ng sakit sa ulo. Pwede ba? Pagod ako." reply niya.
"Kung ayaw mo na sakin, hiwalayan mo na ko. Hindi yung nagmumukha pa kong tanga kakaisip kung bat tayo nagiging ganto. Isang linggo tayong malamig. Hiwalayan mo na ko." sabi pa niya.
"I'm sorry. Pahinga ka na" Text ko.
Kinabukasan, it's monday. Kagabi kasi dun siya umuwi sa bahay nila. So ngayon monday, uuwi daw si Janica sa condo para mag ligpit sabi ni Ate Jho. Kaya pupuntahan ko siya.
Mga 11 am palang andun na daw si Janica sa condo kaya bumili muna ako ng foods para sakanya, syempre bucket of chicken favorite niya, 1 dozen of doughnuts, binilhan ko din siya bouquet ng flowers and chocolates tapos cake. Syempre last na to. Lubusin na natin.
Dumiretso agad ako sa condo niya after mamili. Siguro nakarating ako mga quarter to 2pm na. Dala dala ko lahat pumasok ako. Binuksan ko ng susi ko kasi ayaw na ayaw nya may nagdodoorbell, nagugulat daw siya. Kaya binuksan ko nalang. Naabutan ko siya nakahiga sa sofa habang nanonood. Siguro tapos na magligpit to. Pag pasok ko agad naman siya napatingin sakin. Naglakad ako tas nilapag ko yung mga dala ko sa dinning table. Agad naman niyang pinatay yung tv tas tumayo para pumasok sa kwarto. Sinundan ko naman siya.
"Hey Jans, can we talk?" sabi ko sakanya.
"Ano nanaman ba Deanna? Eh ganto nalang palagi eh. Wala naman ata nagbabago kahit ayusin natin."
"Jans pls.. Understand me."
"DEANNA KELAN BA KITA HINDI ININTINDI HA?" pasigaw niyang sabi na nakatingin sakin.
Siguro nga puno na siya.
"Hindi mo ba naisip na nageexam ako Deanna? Tapos binibigyan mo pa ko ng sakit na ulo? Ang hilig mo talaga sa gantong timing no? Dati din diba nakipag hiwalay ka sakin kasi nagdudusa ako sa pag aaral ko? Ganto din ba ngayon? Alam mo hiwalayan mo nalang ako ng diretso. Hindi yung pinagdudusa mo pa ko. Sagad na sagad na ko Deanna." sunod-sunod niyang sabi
BINABASA MO ANG
Freshies
FanfictionThis is the story about Deanna Wong and other people in her life. This includes the Freshy that has a strong personality.