DEANNA'S POV
Ayun di nagtagal bumaba nadin kami for bonfire. Pagdating namin dun andun na yung mga pulutan tas mga alak namin. Wow yaman ni Ate Bei. Actually libre niya tong inom na to. May pa bonfire pa. Ngi sana all mayaman. Medyo nahuli kami ng baba ni Ate Bei kaya pag dating namin dun umiinom na sila.
"San kayo nang galing beatriz?" sabi ni Ate Jho.
Patay ka sa kumander mo daddy HAHAHAH
"Sa taas babe. Drama kasi to ni Deanna Wong eh" sabi ni Ate Bei at tumabi kay Ate Jho.
Katabi ni Ate Jho si Janica. Umiinom lang din. Di ko alam san ako tatabi. Kay Janica ba? O kay Ate Bei? Pota. Okay eto na nga sabe ko nga kay Janica na tatabi eh.
"Hi.." mahina kong bati kay Janica.
"Hello, beer ka?" sabi ni Janica sabay abot sakin ng beer.
Tinanggap ko naman to.
"Thank you." sabi ko at binuksan yung beer.
Ayun tahimik lang ako. Di kami nag uusap ni Janica. Laging sila lang ni Ate Jho. Tangina naman napaka torpe mo Deanna Wong! Hinalikan mo nga yan kagabi eh! Panagutan mo!
Napapansin ko napapadami na inom ni Janica kaya kinausap ko na sya.
"Napapadami na ata nainom mo. Nakailan ka na?" tanong ko
"Pang apat na bote ko na to. Ikaw pangalawa mo palang yan oh. Habol ka" sabi niya.
"Kelan ka pa uminom ng sobra?" tanong ko.
"Uhm, depende lang sa sitwasyon." sabi niya tas tumayo.
Pumunta siya kela Jaycel. Nakipag kwentuhan dun.
"Oh bat tumayo yun? Ano nanaman ginawa mo sa anak ko Deanna Wong???" tanong ni Ate Jho
"Hoy wala noh. Inask ko lang kelan pa siya uminom ng sobra" sabi ko
Bigla naman sumigaw si Andie kaya napatingin kami.
"Ate Bei wala daw ba hard sabi ni Janica?" tanong ni Andie
"Order na kayo. Hard tayo. Last night naman na eh" sabi ni Ate Bei at tumayo
Si Ate Bei pasimuno talaga sa inuman pota.
"Ate Bei penge naman ng pang party na kanta jan. Kanina pa tayo senti eh" sabi ni Janica
"I don't have loud musics that's so noisy" sabi ni Ate Bei.
"Ay ako Jans madami! Gusto mo ba yung mapapasayaw ka?" singit ni Dani
Kaya si Dani na nagpatugtog. Ayun nagsimula na kami uminom ng hard. Maingay na din yung tugtog kaya ang lilikot na nila. Si Janica, Andie, Dani and Ate Bei yan sila yung nagsasayawan na. Ang dami na naiinom. Ako katabi ko lang si Ate Jho.
"Ate Jho, kelan ba naging wild yan si Janica sa inuman?" mahina kong tanong kay Ate Jho habang tinitingnan namin silang sumasayaw.
"Hay nako Deanns. Hayaan mo na. Pwede ba ngayong gabi, kalimutan mo munang may problema kayo? Hayaan mo na siya maging masaya muna. Hirap na hirap na yan oh" sabi ni Ate Jho.
Nag sink-in naman sakin yun. Oonga no. Hayaan ko muna si Janica. Kasi simula nung nagkausap kami lagi ko ng napapansin yung mga ginagawa niya eh. Kaya ngayon sige, hahayaan ko muna siya.
"Hey kayo, come over here! Let's play a game! Wag kayong kj, last night na natin to!" yaya ni Ate Bei samin
"Oonga Mama Jhowjhow tara na! Pag dating ng Manila minsan nalang tayo magkikita" sabi ni Andie.
BINABASA MO ANG
Freshies
FanfictionThis is the story about Deanna Wong and other people in her life. This includes the Freshy that has a strong personality.