JANICA'S POV
Nagising ako suddenly and when I opened my eyes no one was there. Mag isa nalang ako sa room, sobrang tahimik. I checked my phone and it's 9am already. FUCK! 9am na. SOBRANG LATE KO NA NAGISING EH PAG ASA BEACH AKO 6 OR 7 PALANG GISING NA KO.
So I immediately text Andie. Ewan ko kung baket si Andie naisipan ko itext eh usual si Jaycel naman.
"Andrea where kayo?" sent
"Resto Jans. Lika na dito. Patapos na kami mag breakfast." she replied
Bumangon ako agad and may nakita akong bottled water tas may nakadikit na note.
"Jans we're here na sa resto. Pinapabigay ni Ate Deanns to kasi sure daw sya dehydrated ka pag gising. Love u sunod ka na sa resto xoxo Dani"
Syempre ininom ko na yung water. Totoo nga. Uhaw na uhaw ako. HHAHAHAA ang galing.
Naghilamos na ko and nag ayos onti tas pumunta na ko sa resto. Naka shades pa ko kasi medyo namamaga mata ko. Ayun nakarating na ko tas sakto may empty chair sa tabi na ate jho kaya dun ako umupo. Katapat ko si Deanna. Si Jaycel din andun. Tahimik lang.
"Wow Jans taas ng araw" pang aasar ni Ate Bea.
Kaya inangat ko naman yung shades ko. Nagulat sila sa nakita nila HAHAHAH first time nila makita ako na namamaga yung mata.
Tumingin naman agad saken si Ate Jho.
"Umiyak ka?" tanong niya.
Nag smile lang ako. Ang awkward eh na sakin yung atensyon nila lahat HHAHAH nakatingin sila lahat sakin lalo na si Deanna.
"Kuha lang ako food" sabi ko at tumayo na.
Habang kumukuha ako food nilapitan ako ni Jaycel.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
"Ah oo naman. Bagong gising lang kasi. Tas lasing pa ko kagabi" sabi ko.
"Kuha kita coffee?" tanong niya
"Sige sure. Salamat" sabi ko
Bumalik na kami sa table. Ako nalang kumakain. Sila fruits nalang kinakain tas yung iba nagkakape nalang.
"Ano nangyari sis?" tanong sakin ni Ate Jho na pabulong.
"Maya na Ate Jho. Kain muna ako. Wala ko energy" sabi ko
"Jans extend daw one day pa dito sabi nila" Andie said.
"Ah oo Jans. Let's go na. Bitin eh." Ate Bei.
"Eh hanggang mamaya nalang yung free stay namin nila Dani." sabi ko
"Kaya nga. Kuha nalang kayo isang room. Tyaka si Deanna lilipat na kela Dani. Distorbo samin yan eh" sabi ni Ate Bea
"Ah so iwan nanaman ako" sabi ni Deanna.
"Wag ka nga Deanna Wong! Anong oras ka na pumasok sa kwarto kagabi tas nanggigising ka pa! Walang hiya ka!" sabi ni Ate Jho.
Ah siguro wala silang alam na nag-usap kami ni Deanna kagabi.
"Luh Ate Jho bago mag 2 nakabalik na kami sa mga room. San ka pumunta Ate Deanns?" sabi ni Dani
"Si Jans din wala sa room. Yung totoo nagsama kayo no?" sunod pa ni Dani.
"Hoy hinde. Bumalik din ako agad. Naglakad lang ako sa dagat habang inaantay kayo. Pagbalik ko bagsak na kayo" pagdedeny ko
BINABASA MO ANG
Freshies
FanfictionThis is the story about Deanna Wong and other people in her life. This includes the Freshy that has a strong personality.