FAST FORWARD
JANICA'S POV
A YEAR AFTER.
It's been a year. 2nd year ko na sa law school ko. So far, so good. Tuloy padin ang buhay. Si Deanna focus sa business niya and playing for choco-mucho padin. Coach O decided to contact me na if I'm sure of playing my last year na for the UAAP. I was so convinced because he talked to me so seriously. Besides, it's his last year na din coaching for Ateneo. Lilipat na ata siya sa Semi-pro league. Focus na siya dun. Nag yes na ko kay Coach O so starting next week,i'll start to train na. I'm so happy kasi i'll meet new players din. Ang mga natira nalang is si Dani, Jaja, Vanie, Faith, Andie & Ako. Yan nalang mga close ko. Lahat kami last playing year except kay Faith may 1 yr pa. Sabay kami ni Andie bumalik so i'll get to train with her na ulet.
Actually di pa alam ni Deanna na nag yes na ko. Sasabihin ko palang sakanya. Dito uuwi si Deanna sa condo ko today cause it's friday. Wala siyang training bukas, wala din akong pasok. Usual naman kami ni Deanna. Lagi nagkikita. We always find time. Palagi din siya natutulog sa condo ko kasi sa house nga nila wala laging tao yung katulong lang. Ako naman, every saturday night umuuwi ako sa house namin.
Nakauwi na ko here sa condo, mga 5:30 palang andito na ko. I'm just waiting for Deanna to come home. Mga quarter to 8 pa yun dadating kasi yung training niya MWF, 4-7pm. So this time I decided to cook for dinner. Nag grocery din kasi ako ng onti kanina. Since di pa din ako kumakain for dinner why not mag luto nalang diba? Atleast ma-enjoy pa ng bebe ko. It's 7 so for sure tapos na training nun. Nagliligpit nalang. Patapos na din tong niluluto ko.
While waiting for Deanna, nagbasa basa muna ko ng books ko for law school. It's a routine na eh. Araw-araw ako may binabasa. Di nag tagal dumating na din si Deanna while nagbabasa ako sa sala. Dala niya bag nya. Halatang pagod na pagod pero this time, mukhang badtrip. Pag pasok niya agad siyang pumunta sakin and kissed my forehead.
"How was your day?" she asked.
Ganyan lagi si Deanna. That's what I love about her. Kahit ano mangyari di nya nakakalimutan tanungin kung kamusta araw ko. Since di naman kami every hour nagtetext.
"Went well naman babe. Ikaw? Pagod?" sagot ko.
"Yeah. Iba ngayon. Kakagago" she said and sat beside me
"Penge nga ng hug. Kailangan ko lang" sabi niya pa with her arms wide open.
I immediately hugged her.
"Aaahhhh sarap I'm home" sabi niya
"Let's eat babe. I cooked dinner." I said at tumayo
"Fuck yes! Beef steak????" she said
Yes po favorite nya yung beef steak ko. HAHAHA actually fave food niya lagi pag luto ko is beef. Eh thank God madami akong alam na luto sa beef.
Ayun kumain na kami while talking about our day. She said that she's exhausted kasi grabe yung training. Nalate siya kasi may big client sya sa resto for events. Di nya naman kailangan palagpasin yun kaya pinili nalang nya malate. Kaya pinahirapan daw siya ni Coach O. And yes Coach O is the coach sa choco-mucho.
"Uhm ah babe speaking of coach o, I said yes to him na kaninang morning when we talked." sabi ko
HIHI KABADO AKO :)))
BINABASA MO ANG
Freshies
FanfictionThis is the story about Deanna Wong and other people in her life. This includes the Freshy that has a strong personality.