DEANNA'S POV
Eto na asa dinner na kami kumakain and kwentuhan. Etong si Janica kanina pa ko di iniimik. Pagkatapos ko siya ikiss sa cheeks sa harap ng mga fans. Di ko gets kasi di naman siya nagalit nung kiniss ko siya. Ngayon nagtatampo. Gulo talaga ng mga girls hays
FLASHBACK
Kiniss ko si Janica sa cheeks sa harap ng fans. Sure ako madami nakakuha ng pics and videos. Trip lang naman eh. Tyaka ano naman kung maissue, eh totoo naman.
Nung kiniss ko siya andaming tumili at sumigaw.
"Hoy Ate Deanna pinapaingay mo nanaman ang mga DeaNica shippers" Yumi.
Tumawa lang naman ako.
"Para kang baliw." sabi ni Janica at yumuko para mag phone.
Hinawi na niya yung bus curtain para takpan na yung window pero tinanggal ko kasi magbbye na ko sa mga fans since paalis na kami.
END OF FLASHBACK
Pagkatapos nun di na ko kinausap ni Janica naka airpods lang siya tas nagpphone. Hanggang sa makarating kami sa dorm nakapag shower na ko lahat lahat. Nakapunta na kami sa venue ng dinner wala padin. Ano, sasagot lang sya kapag kinakausap ko. Bukod don wala na.
Ayun pauwi na kami ng dorm asa bus kami. Since wala namang training bukas so parang rest day namin. Yung mga rookies uuwi sa mga bahay nila kasi may freedom sila since di pa naman sila sasabak sa UAAP. Pero required sila magtraining. Sa friday pa naman next training. Di ko lang alam kay Janica kung uuwi siya.
Asa bus na kami di padin ako iniimik ni Janica.
"Huy ano problema?" sabi ko
Tingin naman siya sakin.
"Huh? wala" sagot niya at nag phone ulit.
"Kanina ka pa di namamansin. Pero yung iba pinapansin mo." sabi ko sabay tayo.
Nakarating na kasi kami sa ateneo. Babaan na so nauna ako. Iniwan ko si Janica. Nakakabadtrip kasi.
JANICA'S POV
Nauna ng bumaba si Deanna pota ok fine kaw pa galit. Kasi naman nababadtrip lang ako. Parang bata kasi, nakita nga niyang maissue yung mga fans sasakyan nya pa. Minsan naman badtrip siya sa mga fans kasi sobrang maissue daw. Hay nako gulo mo!
Sumabay nalang ako kay Andie sa pagbaba. Kasabay niya sila Yumi & Jaycel.
"Oh bat nauna yung isa?" tanong ni Andie.
"Malay ko dun" sabi ko.
Nakaabot na kami paakyat ng room. Yung iba nag aalisan na. Kami ni Andie di na uuwi sayang lang. Dito nalang kami tambay hanggang bukas.
Maya maya bumaba kami ni Andie para kumuha ng snacks sa kitchen. Nadatnan namin si Deanna dun nakaupo habang kumakain ng chips. Kinuha na ni Andie ying snacks niya tas umalis.
"Jans akyat na ko ha. Room ako nila jaycel" sabi ni Andie.
Tinabihan ko naman si Deanna sa lamesa. Actually umupo ako sa harap niya habang nagpphone siya. Wala siyang imik.
"Busy?" tanong ko.
Di padin umiimik.
"Ah so di mo ko papansinin?" sabi ko pa.
"Ah okay. Uwi nalang ako. 11 palang naman eh" sabi ko tumayo na.
Umakyat ako ng room. Joke lang yung uuwi na HAHAHA para lang tingnan kumg hahabulin ako ni Deanna. At aba! Di ako hinabol. Paka galing !
BINABASA MO ANG
Freshies
ФанфикThis is the story about Deanna Wong and other people in her life. This includes the Freshy that has a strong personality.