Chapter 16

364 12 0
                                    

"Hey bat andito ka pa?" sabi ni Jaycel ng mahina

Napalingon naman ako agad. Nakatayo lang siya sa gilid ko.

"Ah nagpahangin lang saglit. Paakyat nadin. Ikaw bat bumaba ka pa?" sabi ko.

Agad naman siyang umupo sa tabi ko kaya napausog ako. May dala siyang beer. Isang bote lang. Binuksan niya ito.

"Wala lang can't sleep eh. Baka kasi andito ka pa." sabi niya sabay tungga ng beer.

"Tama na inom. Nakarami ka na kanina." sabi ko.

"Ya. Nagpa sober na ko. Palabas ako ng room nung nakita kong pumasok si Ate Deanns sa room nila ate bea ah. Di kayo okay?"

"Ah talaga sa room nila Ate Bei pumasok?" sabi ko at napahinga ng malalim.

Napatingin naman sakin si Jaycel.

"Haha yaan mo na. Lasing kasi siya eh" sabi ko pa.

"What happened?" tanong nya.

"Yung sa kanina lang. Bukas nalang namin pag usapan."

"Alamo Janica, masaya ka ba talaga?" sabi ni Jaycel at uminom ulit.

"Oo naman. Normal naman sa relasyon yung nag aaway. Tyaka bihira lang naman kami mag away ni Deanna."

"Pero sa tuwing nag aaway kayo siya lagi yung tama."

"Di naman sa ganon. Tyaka may mga times na ako talaga yung mali."

"Sus. Prisoner much?" sabi nya at inom ulet.

"Hayyy Jayce. Anukaba magt-three months palang kami in 2 days so normal lang yun. Mahaba pa pagsasamahan namin." sabi ko then I smiled tas tumingin sa pool.

Napatingin naman sakin si Jaycel.

"Mahal mo talaga no?"

"Oo. Sobra."

"Hahaha talo nanaman ako." sabi nya at inom ulit.

"Jaycel, to be honest lang ha. Di ba napag usapan na natin to? Nung sa japan palang? Sabi mo tanggap mo naman. Anddd mahal ko si Deanna nung una palang."

"Alam ko. Tanggap ko naman na kayo eh. Di ko lang matanggap na mahal mo pala sya. Hahaha akala ko kasi infatuation mo lang eh. Since crush mo talaga siya in the first place."

Napatahimik naman ako.

"I'm sorry. I just don't get it kung baket kailangan magbago yung pakikitungo natin sa isa't isa purket nagka deanna ka na. Technically humiwalay ka na nga samen nila Yumi eh. Diba apat tayo solid."

"I find time naman eh. Mahirap talaga ibalance kasi nga freshie ako. Tyaka i still catch up naman ah."

"Sakanila. Di sakin." sabi ni Jaycel at uminom ulet

Weh tinitipid yung beer para makasama pa ko. HHAAHHA JOKE

"Eh kasi lumayo ka din. Di ko nga magets. Pero i understand you kasi u had feelings for me so it's normal. Di naman pwedeng close padin tayo habang may feelings ka pa sakin. Mahihirapan ka lang"

"Eh mas lalo ngang humirap eh. Lol i just don't know. Siguro nga naattach lang ako"

"I'm sorry Jayce if I can't give back the feelings that you deserve. May mas better pa jan. Di ako yun."

"Naka ilang better na. Stupid ko lagi ako sa maling tao nahuhulog"

Di na ko nagsalita. Ano ba to ang awkward gusto ko na umakyat.

FreshiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon