Chapter 36

310 11 0
                                    

JANICA'S POV

Pauwi na today si Deanna from team building, umuwi ako ng condo kasi ineexpect ko pupuntahan niya ko. Ipagliliban ko muna yung isang araw na pag aaral ko para sa bar exams for her. Baka sabihin niya kasi wala akong time sakanya.

Andito ako sa condo nagluto ako ng dinner. Naka prepare na lahat. Inaantay ko nalang si Deanna umuwi. Eh hindi pa nga nagtetext saken simula kanina. So di din ako siguro kung pupunta sya dito. Eh di nya din naman alam na andito ako. Bahala na.

Lumipas na ang ilang oras kakaantay ko kay Deanna pero di siya dumating. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ko ng 11pm. May text sakin si Deanna. Isa. Isa lang.

"Babe sorry ngayon lang. We left there mga 2pm and nag stop over pa somewhere so mga 6pm na kami nakarating manila. Nagyaya pa si Ate Bei sakanila. Mga 9 na ko nakaalis dun. Dumiretso ako agad here sa house i'm so tired." 10:20 pm

Isa lang text niya, dinefend pa yung sarili. Napaka defensive. Alam niya siguro na paghihinalaan ko siya. Eh parang act normal lang sya sa nangyayari. Alam na nga niyang pinagselosan ko na si Celine dati.

"Wow. I waited for you. Ang tagal Deans. Tagal ko nag antay." 11:05 pm

After nun di na ko naka receive ng kahit anong message kay Deanna. Siguro nakatulog na siya. Kainis. Tangina naman. Nag mukha lang akong tanga.

DEANNA'S POV

Early in the morning I woke up ng mga 9am. I received the text from Janica last night.

"Wow. I waited for you. Ang tagal Deans. Ang tagal ko nag antay." she texted me.

Di na ko nakareply kasi pagkatext ko sakanya natulog ako agad. Sobrang pagod ko eh. Galit nanaman to for sure. Away nanaman to. Alam ko naman triggered siya sa mga story ni Ced eh. Di ko nalang inopen topic sakanya kasi nga nag aaral siya. Besides, asa team building din ako. Wala namang meaning yun. Sadyang close lang kami ni Ced.

Imbis na siya itext ko, yung mommy niya nalang. Pupuntahan ko nalang siya sakanila para makapag usap kami ng maayos.

"Hi tita good morning. Andiyan po ba si Janica? Punta po sana ako hehe" I texted Janica's mom.

"Hello anak. Asa meeting ako. Wala si Janica sa house umuwi siya ng condo last night kasi dadating ka daw. Text mo nalang siya anak ha. Busy ako medyo. Love u."

"Okay tita. Ingat po and sorry sa abala :)"

Napaka bait ng mommy ni Janica sobra. Kita niyo yon anak na yung tawag saken. Kasal nalang kulang. Charot HAHAHAHA

So agad-agad akong naligo at nag bihis para puntahan si Janica. Di na ko kumain. Kahit medyo masakit ulo ko binilisan ko padin. Nakarating ako sa condo ni Jans. Binuksan ko nalang since may susi naman ako. Naabutan ko siya nagliligpit sa may couch. Napalingon nga siya sakin gulat na gulat.

"Bat ka andito?" panimula niya habang nagliligpit.

"Andito ka daw sabi ni tita eh. Di mo sinabe para dito ako dumiretso kagabi" sagot ko

Tumawa naman siya ng peke.

"Eh di ka nga makapag text pano ko sasabihin" sagot niya.

FreshiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon