Chapter 35

329 9 0
                                    

JANICA'S POV

Tapos na ang PVL. Di kami nag champion, yung creamline yung nag champion. Eh wala eh malalakas sila eh. Ilang years na din sila back to back. But we're still grateful. Atleast nakapag contribute naman ako kahit papaano sa choco-mucho.

This time, may year-end party para sa rebisco family. Since one company ang creamline and choco-mucho, isahan nalang. Magkakasama kami. Year-end party happens pagtapos ng PVL Season lagi. Iba pa yung christmas party na legit year-end talaga. Year-end for the pvl year lang hehehe

So this time andito kami sa year-end party. Syempre kainan, games and other programs. After the program syempre inuman cause it's a big party. While the after party, iaannounce na daw kung sino lilipat for next year's pvl season sa choco-mucho from creamline. So nagtinginan kami nila Deanna and Ate Bei.

"So everyone, I'm glad to introduce to you the new member of Choco Mucho Flying Titans, Celine Domingo!" sabi ng management so nagpalakpakan naman lahat.

I'm not sure if I know Celine Domingo. Pero ang pagkakaalam ko, a year younger siya kay Deanna and she played for FEU before. Ex din siya ni Tots Carlos HAHAHA Napapanood ko naman sya maglaro magaling naman siya. Middle din siya. Ang alam ko nakasama na siya sa endorsement ni Deanna before. Before nung sila pa ni Jema. So di ko alam if Deanna's friends with Celine.

Nakita ko yung reaction ni Ate Bei and Deanna nung pagkasabing Celine Domingo. Napasigaw sila tas gulat na gulat tas biglang nag apir. Kaya napatingin lang ako sakanila while smiling. Di ko alam nangyayari eh. Sila lang nagkakasundo eh. HAHAHAHA magtatay nga talaga tong dalawa.

"Uh sorry sorry nabigla lang" sabi ni Deanna sabay yakap sakin from beside.

"Jans, Deanna types yun alamoba! HAHAHA pero sorry Deans Team Janica ako" sabi ni Ate Bei.

"Uhm baket?" clueless kong tanong kay Deanna.

"HAHAHA wala nashiship lang ako dun dati nung uaap days pa kase nagkakasama nga kami sa endorsement" pag eexplain ni Deanna.

"Deanna types daw?" sabi ko

"Ikaw lang type ko" sabi ni Deanna at hinalikan ako sa noo.

Sabagay Deanna types nga naman kung titingnan. Matangkad, payat tas morena tas girly. Parang ako. Pero mukhang mabait naman yung Celine.

So ayun nagparty party muna kami inuman ganun. Masaya ako nakikipag inuman sa mga teammates ko, di ko namalayan na medyo matagal na pala kami di nagsasama ni Deanna. Wala kasi pag party talaga di kami clingy masyado ni Deanna. Kaya naghihiwalay muna kami. Pero ang tagal na pala namin di nagsama ngayon so hinanap ng mga mata ko siya. Nakita ko andun siya banda sa may kabila malapit sa bar nakatayo talking with Celine.

Hahahahaha nakasmile pa si tanga! galing ka jan? Eto naman si Celine tawa din. Eh nadagdagan pa kasi malapit din si Jema kay Deanna. Di naman sila nag uusap but still, malapit. Okay edi ako na jealous girlfriend!

Dahil medyo sa lasing na din ako lumapit ako sakanila.

"Oh babe why?" sabi ni Deanna sakin kasi papalapit na ko sakanila.

"Uuwi na ko" sabi ko

"Baket? Aga pa ah" sabi ni Deanna habang andun padin si Celine sa harap niya nakatingin sakin.

"Uhm busy ba? Di mo ba ko papakilala sakanya?" tanong ko kay Deanna.

"Ah Ced si Janica girlfriend ko, Jans si Ced. Celine Domingo yung lilipat saten." sabi ni Deanna.

FreshiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon