JANICA'S POV
Gumising ako ng maaga today dahil mamayang 5pm ulet get together namen sa bahay nila ate Bei. Pag gising ko tulog pa mga kasama ko sa kwarto. Nag wash na ko at nag ayos ng sarili. Syempre di mawawala yung goodmorning message saken ni Deanna.
"Goodmorning babz" text niya sakin.
Pauso nanaman to sa calling names
"Ano nanamang pausong babz yan?"
"Sunget neto aga aga. Babz short for baboy"
"Ah so mataba ako?"
Di naman ako mataba pero she keeps on calling me baboy kase kain daw ako ng kain 😿
Di ko din alam sa sarili ko kung san napupunta mga kinakain ko. Sa pisngi ata HAHAHA kase di ako tumataba eh. Cheeks ko lang mataba.
"Wag na galet. Kumain ka na?" text niya.
"Not yet. Magluluto ako sa baba. Tulog pa sila andie. Where ka?"
"Nag jog pabalik na din"
Ganyan siya. Hilig nya mag jog. 9 am na pero kakatapos niya palang.
Bumaba na ko sa kitchen ng dorm para magluto. Nag luto ako cornedbeef na may cheese aahhh sarap. Tas eggs. Para nadin sa mga karoommate kong ang sisipag. Habang nagluluto ako may biglang bumungad.
"HHMMMM SARAP" Sabi ni Deanna Wong sabay lapit saken tyaka beso
"Uhm hello. Hay nako pawis" sabe ko.
Umupo na kami ni Deanna para kumain. Yung tirang ulam sa mga karoom ko nalang.
Eto na. Paalis na kami ng dorm ni Deanna. Ako nalang natira iniwan na ko nila Andie kase di nga kami magkakasabay huhu not used to it.
Pagbaba ko andon si Deanna sa couch nakaupo tas naka dekwatro.
"Sleeveless nanaman?" sabi nya sabay tayo tas labas na. Sinundan ko naman siya
"Bakit ba inet kaya"
"Sus ayos na ayos ka nga eh." sabi ni Deanna sabay pasok sa kotse niya.
Sa harap ako umupo.
"Sabihin mo lang nagandahan ka saken. Di yung ayos ayos ka pa jan" sabi ko
"Kapal" matipid niyang sabi.
DEANNA'S POV
Alam niyo, 5:30 na asa daan padin kami. To kasi si Janica napaka bagal kumilos. Pinaghandaan pa pakikipag kita kay Ate Bei hays sana all.
Dumating na kami sa house ni Ate Bei. Sakto pag pasok namin sa gate andun si Ate Bei may kinuha sa car niya. Kaya pinakilala ko na. Kita ko naman sa mukha ni Janica yung kilig tas nerbyos Hay nako
"Uy Deanns bat ngayon ka lang? May chix ka pa ah. Musta na?" bati ni ate bea sabay beso sakin.
"Ate Bei si Janica. Freshie din namin. Middle." sabi ko
"Oh hi Janica." sabi ni Ate Bea.
Akmang makikipag shake hands si Janica pero bineso sya ni Ate Bei kaya namula ang gaga.
"Tara na pasok na kayo" pag aaya ni Ate Bei.
Pumasok na kami. Syempre pinakilala na si Shae ganyan. Sobrang tahimik nga niya tas patawa tawa lang akala mo kung sinong mahiyain hmp!
Tapos na kami magsikain. Its 8pm nadin Medyo hiwalay kami now ni Janica kase dun siya kela Ate Ly Ate Jho basta chinichika kase nila mga freshie. Tapos na makilala ng mga Management yung mga freshies kaya onti onti ng umalis yung mga matatanda HAHAHAH its time to drink!! katabi ko si Ate Bei kasi siya talaga pinaka close ko dati pa. Namiss ko to eh! May hawak kaming bote ng beers habang nakatayo sa may sulok.
BINABASA MO ANG
Freshies
FanfictionThis is the story about Deanna Wong and other people in her life. This includes the Freshy that has a strong personality.