Prologue
"Sila na?" nanggagalaiti kong tanong kay Laurice na nasa veranda. Nakakunot 'yong noo ko. Nanginginig ang mga labi.
Tinanaw ko si Laurice mula sa half open na full glass door papuntang veranda. Nakasandal 'yong mga braso niya sa railings habang abalang-abala sa kung anong nilalaro sa phone niya. Ako naman, nasa kama niya, nakaupo at hindi makapaniwala sa ibinalita niya.
"Yes," walang gana niyang sagot nang hindi ako nililingon. "Stop chasing him, Elise. You're just 18," she added; displease overtopped her voice.
Napahawak ako sa mattress ng kama't gigil na gigil na hinawakan 'yon. My breathing was getting slower out of the anger I'm feeling inside.
Napatayo ako at galit na galit na isinigaw, "Hindi pwede!" Pinuntahan ko si Laurice sa veranda at saka inagaw 'yong phone niya.
Something came to my mind— a really brilliant idea that made me feel like winning.
"What do you think you're doing, Elise?!" naiirita niyang tanong habang kinukuha sa 'kin 'yong phone niya na nasa kamay ko.
Tinaas ko lalo 'yong kamay ko at nag-tip toe pa para hindi niya 'to maabot. I'm 5'6 in height and Laurice is only 5 flat, hindi naman sa pagmamayabang.
"You're so immature!" she said in gritted teeth while jumping and tip-toeing, trying to get her phone back.
Napairap na lang ako habang nakataas pa rin 'yong mga kamay ko dahil ayaw niyang tumigil at dahil sa sinabi niya.
"Ako immature? Ikaw nga riyan, panay laro mo. Hindi ka natutulog sa hapon kaya ang liit-liit mo," balik na pang-aasar ko sa kaniya at saka itinaas 'yong kaliwa kong kilay. "Boses mo pa, boses panlalaki!"
Tumigil siya sa ginagawa at pinakalma ang sarili. Kunot-noo niya akong tinitigan. Inis na inis 'yong mukha niya.
"Are you out of your mind again, Elise? Can you stop using my insecurities against me?" she said in a calm voice yet anger is wrapping it. "At least me? I don't chase around a man who doesn't like me!" she outburst.
I was stunned for a second upon hearing what she said. Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya. Naguguluhan ako kung s'an nanggaling 'yong sinabi niya.
"Wait, wait, wait!" Itinaas ko 'yong isang kamay ko na parang pinapatigil siya at saka nag-isip. "Ikaw 'yong unang nanlait, ba't parang ako 'yong may kasalanan ngayon?"
Hindi niya pinansin 'yong sinabi ko.
"Give me my phone, Elise!" naiirita niyang utos sa 'kin at may pagpadyak pa ng paa.
"Ask our sister to tell her friend to break up with Eleazar. Then," huminto ako at saka ginalaw-galaw 'yong cellphone niya na nasa ere't hawak ko pa rin. Akma kong ginalaw pakanan 'yong kamay ko na parang ilalaglag 'yong phone niya any minute. "I'll let you have this back," I said with finality in my voice.
"Ate Felize!" galit na sigaw niya na nag-echo pa kaya naalarma ko.
Nanlalaki 'yong mga mata kong nilapitan siya at saka itinapat 'yong hintuturo kong daliri sa labi ko. I shushed her.
"Ang ingay mo!" reklamo ko. Hindi pa rin binababa ang isa kong kamay. "At saka ikaw ah, ina-ate-ate mo si Ate Felize pero ako, hindi mo matawag-tawag na ate!"
Hindi na naman niya pinansin 'yong mga sinabi ko. Lumabas na siya ng veranda papunta sa kama niya. Naupo siya r'on habang nanlilisik 'yong mga matang nakatitig sa 'kin.
Ate Felize loves Laurice so much. To the point na lahat ng gusto ni Laurice, binibigay niya. So it was just right for me to ask Laurice that favor since I know, Ate Felize will surely do everything to please her.
Pareho kaming nagulat at napalingon ni Laurice sa may pinto nang bumukas 'yon. Kaagad naming nakita si Ate Felize na balot na balot ng pagtataka ang mukha.
Beside her was Eleazar.
My heart beats fast. I've been into him for years but my love for him only grows day by day. 'Yong epekto niya sa 'kin, sobra-sobra pa rin.
Dahan-dahan kong binaba 'yong kamay kong nakahawak sa phone ni Laurice at saka tinago ang dalawa kong kamay sa likuran ko. I suddenly felt shy about how I look a while ago.
"Ano na naman 'to, Elise?" kalmadong tanong ni ate pero halata sa boses niya ang pagbibintang. Kitang-kita sa mga mata niya 'yong pag-iisip na may ginawa na naman siguro akong mali.
Kinakabahang napalingon ako kay Laurice nang makita ko siyang tumayo't pumunta sa harapan nina Ate Felize at Eleazar. The latter was really clueless about what's happening.
Ano bang ginagawa niya rito ngayon?! I know that he's always here to help Ate Felize with her start-up business because they're best friends but why does he need to be here now? P'ano kung narinig niya 'yong pinagsasasabi ko kanina?!
"You want me to ask her now?" Laurice asked me with a smirk on her face. Her voice is challenging me and so her eyes.
Natataranta kong lumapit sa kama niya at saka binaba 'yong phone niya r'on.
"Kumalma ka, Laurice," kinakabahang saad ko at saka itinaas 'yong pareho kong mga kamay na parang pinapakalma siya.
"He wants Kuya Eleazar and your friend to break up—"
Huli na nang makalapit ako kay Laurice para takpan 'yong bibig niya gamit ang pareho kong kamay. Muntik pa siyang ma-out of balance dahil sa ginawa ko. Buti na lang at nahawakan siya kaagad ni ate sa magkabilang braso niya.
I unconsciously raised my head to see Eleazar's face. My heart was beating so fast that I can already hear it.
Eleazar gave me a smile— the one that says he does not like me and is ready to push me away again.
"For the nth time, we do not have a chance," he said with no hint of interest.
He stormed out of the room and left me dumbfounded.
I was right but the pain is still the same— torturous and unbearable.
I got back my hands from Laurice's mouth as I bite my lower lip.
Unti-unting tumulo 'yong luha ko nang tuluyang mag-sink in sa utak ko 'yong narinig. Ramdam na ramdam ko 'yong sakit sa puso ko. It feels like my heart is shattering into pieces.
"Don't act as if he only did it once, Elise," kalmadong saad ni Laurice. Pero nandoon 'yong simpatya at awa sa boses niya.
Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya pero blurry na siya dahil sa patuloy na pagbagsak ng luha ko. "He did it for how many times already, mind you."
Walang imik na umalis si Ate Felize sa harap namin at kahit hindi klaro 'yong reaksyon niya sa mga mata ko dahil sa luha ko, kita at ramdam ko 'yong disappoinment niya sa 'kin.
"Stop chasing him, for goodness sake—"
"Hindi ako naghahabol!" pasigaw na putol ko sa sinasabi ni Laurice.
My heart is aching. My mind can't accept how he easily turns me down whenever he has a chance.
Gigil na gigil kong dagdag, "Kinukuha ko lang naman 'yong dapat na akin!"
BINABASA MO ANG
Waves of Life (Quiseo Girls #1)
RomanceAcknowledged by @NA Wattpad (Reading List: You have a beautiful Smile | Humor) Won FWBC Book of the Month The first time Elise has laid her eyes on Eleazar, she knew to herself that she felt something more for him. It is only him who she wants to wi...